Chasing 29

2.6K 70 10
                                        



A/N:

Dedicated sa kanya as it marks the ending of one of my favorite stories, ang HEARTLESS! Congrats po!

Anyways, thank you sa votes at comments. Salamat sa comments nina: @czarmin, @ming07, @JuanNe15, @my_mich, at @BheybichingCanales.


Thank you po sa support ng lahat! Salamat po!



____________________________________



CHASING 29




TENNIS






Nagbibihis na si Lizzie, pero hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang nakita kanina. Hindi niya malimutan ang nakitang paghalik ni Sam kay Whimper. At naiinis siya sa sarili dahil naapektuhan siya doon. Iyong eksenang iyon ang muntik na niyang ikinatalo. Mabuti na lang, she snapped out, and came back to her senses. Kung hindi, hindi niya alam kung ano sanang nangyari.






"Sis, congrats!" Bati sa kanya ng kanyang Ate Menchie. Pumasok ito ngayon dito sa dressing room, just to give her warmest hug and prasing her for a job well done.






Saka lang pilit na ngumiti si Lizzie. "Thank you, Ate!" Sabi niya at napaupo na lang sa bench para magsuot ng shoes.






"Hey! May problem ka?" Concern na tanong nito. Ganun nga siguro kahalata kasi ang kalungkutan sa kanyang mga mata.







"Nothing, Ate!" Mabilis niyang sagot na hindi man lang natingin dito.







"Kilala kita, Lizzie......" Pinutol muna nito ang sinasabi sa kanya. Inantay muna nitong lumabas ang ibang mga kalaban ni Lizzie kanina. Mga tapos na rin naman kasi ang mga iyon na magbihis.





Saka nagpatuloy si Menchie sa gustong sabihin. "Alam kong something is bothering you. Please tell me? Gagaan ang bigat sa dibdib mo if you'll share it to me."







"Wala nga ito, Ate. Pagod lang ako. Huwag kang mag-alala, kapag kailangan ko ng tulong, ikaw ang una kong lalapitan." Nakangiting sabi pa niya.






Inakbayan siya ni Menchie. "Alam mo namang mahal na mahal kita, hindi ba? Dahil ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid, di ba?" Sabi pa nitong titig na titig sa kanyang mga mata.






Yumakap siya sa kanyang Ate. "Mahal na mahal din kita, Ate." Parang namamasa na ang kanyang mga mata.






"Ano ba ito? Ang drama naman natin." Natatawa pang sabi ni Menchie. "Ang mabuti pa, lumabas ka dito. Mauna na ako sa court. I need to check on our booth." Paalam pa nito.






"Ok, Ate. Bye." Kumaway pa siya sa kapatid bago ito tuluyang makalabas.






Isinara na niya ang bag at lumabas na ng dressing room. Paglabas niya ay kinong-gratulate na siya ng mga kaibigan niya.






"Nasaan si Dave? Nakita mo ba?" Tanong niya kay Rave, na kasabay niyang naglalakad papuntang open court. Naandoon kasi ang iba't-ibang booths.






"Nauna na. May gagawin pa daw siya." Sagot naman nito. "Ako na magdadala nito." At kinuha nito sa balikat niya ang malaki niyang bag na may lamang costume niya kanina.






"Salamat ha." Paghingi niya ng pasasalamat.







Naglakad lang silang dalawa. May mga mangilan-ngilan pang schoolmates ang nabati sa pagkapanalo niya. Simpleng ngiti lang naman ang sukli niya.






"Lizzie, manood tayo ng next event. Kasali kasi iyong seatmate ko." Hindi na siya nakapalag ng hilahin siya ni Rave papuntang tennis court. Hanggang sa tennis court ay may mga bumabati sa kanya. Simpleng ngiti lang ang isinukli niya.







Dug..







Dug..







Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya ng makaupo na sila ni Rave. This is tennis court. Sure na sure siyang makikita niya si Whimper dito. Ang tennis court kasi ang mundo ni Whimper. He is the Prince of Tennis sa school nila. Noong nakaraang taon, champion ito sa larong ito. Second ang kaklase ni Rave, si Chinito. Third naman ang noon ay fifth year highschool na ngayon ay graduate na.






Kinuha agad ni Lizzie ang iPhone niya. Naglaro siya ng 4pic 1 word sa iPhone niya para kumalma. Kabado kasi talaga siya. Kung hindi lang dahil kay Rave, hindi siya talaga pupunta dito. Never siyang aapak sa mundo ni Whimper. Tennis court kasi ang mundo nito.






Medyo napatingin siya sa announce ng ipakilala na ang 10 contestants. Kanya-kanyang cheer ang bawat year level.






Dug..






Dug..






Ayan na naman! Paano ba naman, lumabas na si Whimper at kumaway sa mga nanonood. Naka shorts itong white at polo shirt na white din. May suot itong wristband at headband. Headband na ginagamit ng mga tennis players. He's really oozing with sex appeal everytime his wearing this.







Ngayon lang napansin ni Lizzie na ang macho pa lang tingnan ng ex niya kapag may dala itong raket. Noon naman kasi ay wala siyang interest dito. Kaya parang non-existent ito para sa kanya. Narinig niya lang na nagchampion, pero never siyang nagtiyagang kilalanin kung sino si Whimper Becher.







Nang matapos ipakilala ang mga contestant, ibinalik na ni Lizzie ang attention sa pagkalikot sa cp niya. Tutal naman ay hindi niya rin kilala ang kasalukuyang first game. Habang ang katabi niya namang si Rave ay matiim na nanonood.








Minsan-minsan ay napapatingin siya kapag malakas ang tilian nitong mga babae sa tabi nila ni Rave.








"Lizzie." Untag sa kanya ni Rave maya-maya.







"Hmmm?"






Dumikit sa tenga niya si Rave at bumulong. "Masama tingin sa atin ni Whimper." At sinundan niya ng tingin ang pinagmasmasdan ni Rave.







Napakunot ang noo niya ng makitang matalim nga ang pagkakatitig ni Whimper, habang katabi si Sam at mga batchmates nila, sa kanila ni Rave. Katapat kasi nila halos, sa opposite side ng court, ang bench na kinauupuan ng mga ito.







"Bakit naman siya titingin sa atin ng ganyan. Tapos na kami at wala siyang karapatang magalit!" Ang inis na sabi niya kay Rave.






Ngumisi si Rave. Lalo tuloy siyang nainis. "Bakit??" Lukot ang mukhang tanong niya.






"Lizzie, kasi..." Kakamot-kamot pang sabi nito?






"Ano??" Singhal niya. Naiinis kasi siya sa pambibitin ni Rave. Mabuti na lang at napasabay iyon sa sigawan ng mga nanonood.






"Doon kasi ang upuan ng batch niyo." Paliwanag nito.






Nanglaki ang mata ni Lizzie. Iginala ang paningin sa paligid. Oo nga naman. Lahat ng third year ay nasa side nina Whimper. At batch nina Rave at Menchie ang mga katabi nila. Hindi tuloy siya naka-imik.





"Siguro iniisip niya ang suporta mo ay nasa batch namin." Sabi nito na nakatawa sa kanya.







"Ganun nga ata." At napakagat labi siya.






"Masyado ka namang defensive.. Haha!" At humalakhak ito. Hinampas niya ang balikat nito. "Ouchh!" Napangiwi ito.






"Sorry." Sabi niya at hinimas ang braso ni Rave. Nalimutan niyang kontrolin ang palo niya. Nalakasan niya kasi masyado. Eh mabigat nga pala ang kamay niya bilang taekwondo blackbelter.






"Ok lang." Sabi nito. Pero naguguilty siya. Bakas na bakas ang latay ng kamay niya sa braso nito.






"Baka hindi ako makalaro nito mamaya ah." Biro nito sa kanya.







Iniamba niya ang kamay na papalo sana muli dito. Pero sa huli ay ibinaba din niya. Naisip niyang baka mabaldado nga pala ito ng tuluyan. Hindi ito makakalaro ng ayos pagnagkataon.






"Sorry ha." Ulit niya. Dinukot na niya ang cp at naglaro na muli. Napasulyap siya sa gawi ni Whimper at titig na titig pa din ito sa kanya. Habang si Sam ay busy sa panonood at medyo nakasandal sa tagiliran ng binatilyo.







Hanggang natapos na ang game one. Ang sumunod ay ang game na ni Whimper at ni Chinito. 'Lilipat ba ako?' Tanong niya sa sarili. Naaasiwa kasi siya na sa side ng kalaban siya nakaupo. Samantalang ang batch niya ay kay Whimper nakatabi. Pero mahalaga pa ba iyon? Kay Whimper naman syempre ang kanyang suporta.






"Ok ka lang. Lilipat ka ba?" Tanong sa kanya ni Rave nang pumwesto na si Whimper at Chinito.







"Oo. Dito na lang ako." Sagot niya. Hindi na siya nag-abalang lumipat kasi ayaw niya ring mapalapit ng upo kay Sam.






Halos maningkit pa ang mata niya ng malakas pang sumigaw si Sam. "GO WHIMPER!" Na sinundan naman ng batchmates niya. Mas lalo pang nainis si Lizzie ng nakita niyang ngumiti si Whimper sa gawi ni Sam. Dapat sana sa kanya ito nangiti ngayon eh!







Pumito na ang referee at nagsimula na ang laro. Si Whimper ang naatasang magserve. Siya ata ang nakakuha ng tail sa coin na tinoss sa ere. Pinatay na muna ni Lizzie ang application sa cp niya. First time niyang nanuod ng tennis game. And she must admit, magaling kapwa ang naglalaro. Sila ni Chinito ang pinagtapat kasi sila ang nanalo last year.






Pigil na pigil ni Lizzie ang mapatili tulad ng batchmates niya. Nakakahiya naman kasing ang katabi niya ay pulutong ng mga suporters ni Chinito, at bigla siyang titili sa kalabang si Whimper. Awkward ika nga. Pero ang mapapalakpak ay hindi niya mapigilan. Sa bawat good service at palo ni Whimper ay nangingiti siya at pumapalakpak.








"Gumugwapo si Becher sa paningin ko ah." Sabi ng kaklase ni Rave sa likod niya.







"Oo nga. Ang galing niya talaga." Sabi pa ng isa.








"Ang galing ni Whimper.... Uyy! Pinunasan ni Sam?" Pang-aasar sa kanya ni Rave. Tiningnan niya lang ito ng masama. Bad mood na naman siya. Pinunasan kasi ni Sam si Whimper ng pawis ng saglit na magbreak.







Ngumisi pa si Sam sa gawi niya habang inaasikaso nito si Whimper. At ang mukha ng Whimper, ayun mukhang tuwang-tuwa pa.







(Later..)








"Galingan mo!" Hindi napigilan ni Lizzie na mapasigaw at mapatayo. Last na tira na kasi ni Whimper at parehas ang score. Nadala siya ng emosyon niya kaya deadma siya sa mga tao sa paligid niya. Nagsipaghiyawan ang mga kabatch niya as support kay Whimper pagkatapos niyang sumigaw.







"Ui!" Sinaway siya ni Rave at hinila paupo. Pulang-pula siya! Bakit nga ba kasi napasigaw pa siya?






Dug..






Dug..






Hiyang-hiya siya ng mabatid ang ginawa niya. Pero bumilis ang tibok ng puso niya ng makitang ngumiti si Whimper sa kanya. Nag-iwas na lang siya ng tingin.






Natapos ang laban at nanalo si Whimper over Chinito. Nagsipag-talunan ang batchmates niya. Pati siya ay nakatayong pumalakpak sa sobrang saya.








"Halika na." Yaya sa kanya ni Rave paalis na doon. Hindi na papanoorin ng mga kabatch nito ang awarding. Elimination round pa lang naman at sa isang araw ang finals.






Nagpatianod na lang si Lizzie sa paghila ni Rave.






Pero napahinto siya sa paghakbang ng magsalita ito sa mic. "I share my victory with the girl I love." At napalingon siya. Nakita niyang tinutulak ng ilang estudyante si Sam palapit sa nasa stage na si Whimper.






Malungkot na tumalikod na siya at sumunod kay Rave. 'Swerte ni Sam. Sana ako ngayon ang nasa tabi ni Whimper para icongratulate siya.' Malungkot na muni-muni niya.






"Teka lang, Lizzie." Untag ni Rave sa kanya. Kinausap muna nito sandali ang teammates nito sa basketball. Siya naman ay matiyagang nag-antay at patingin-tingin sa dumadaan.






Pero napatayo siya ng matuwid ng makitang palapit na si Sam kasama ang mga kaklase. Kasunod nito ay si Whimper, na nakasukbit ang raketa sa balikat at nakapamulsa habang naglalakad.






Nagkatitigan sila at saglit itong huminto sa harap niya. "Salamat sa cheer." Halos pabulong na sabi nito.






Panic mode attack!







Kinabahan siya. Kausap niya ni Whimper sa malapitan? Omg!







Hindi siya nagsalita. Ngumiti lang siya ng bahagya dahil hindi niya maisip paano sasagot. Pagkatapos ay tinalikuran ito, at humakbang na siya palapit kina Rave. Kinakabahan kasi siyang makita nito na pulang-pula na siya. Dama niya kasing pulang-pula siya!







Hanggang sa maihatid na siya ni Rave sa booth nilang magkakaklase ay tulala pa din siya. Umupo lang siya at nag-isip. Hindi maitatago na kahit anong taboy niya kay Whimper ay kusang lumalapit ang puso niya. Para tuloy gusto niya ng makipag-ayos dito. Kung wala lang sana si Sam. Kung hindi lang siya makakasakit sa dating kaibigan, willing siyang magbaba ng pride at makipag-ayos kay Whimper.







Naputol ang muni-muni niya ng bigla siyang hilahin ng mga kaklase ng Ate niya. Sa sobrang dami ng humila sa kanya at tumutulak sa kanya ay napasunod na lang siya.





"Saan ninyo ako dadalhin?" Tanong niya habang patuloy ang hila sa kanya. Pero this time, hindi na sila 5. 2 na lang ang humihila sa kanya.







"Marriage booth." Ang nakangising sagot sa kanya ni Ate Jasmine niya, kaibigan ng Ate niya at kaklase.





"Ha?" Pero bago siya makaangal ay nasalubong nila sina Whimper na may humihila din.







____________________________________


A/N:



Hala! Ikakasal ba siya kay Whimper? Please VOTE AND COMMENT muna. Ciao!

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon