Chasing 4

3.2K 93 13
                                    

A/N:


Maraming salamat po sa mga bago kong readers na masisipag magvote at magcomment. Salamat po sa comments nina: @karlrichmell, @Paul_Samboa, @Zeus_9, @Athena_9, @GeLaiiYuu, @PreeeettyAngel, @cocobash, and @my_mich05.


Iyong iba po na nagvovote lang, kahit magcomment lang po kayo ng one word, like update, go, yes, atbp. Para lang po mabasa ko at mapasalamatan kayo.


________________________________________


CHAPTER 4


TIYAGA 2


Uwian na nila. Kanina pa naandito si Whimper sa soccer field sa hindi kalayuan. Nanonood kasi siya ng laban ng kanyang Kuya. Nabanggit nitong manuod naman daw siya, kaya no choice na pinagbigyan niya ito.

Busy siya sa panunuod sa Kuya Dave niya at hindi niya napansin na umupo sa kabilang dulo ng bench si Sam. Matiim kasi siyang nanunuod dahil gusto niyang malaman kung ano ang mga qualities ni Dave ang maaring naka-attract kay Lizzie.

Naniniwala kasi siyang, para manalo ka sa isang laban, kailangang kilalanin mo ang iyong kalaban. Although hindi niya naman literal na kalaban ang kuya niya, pero gusto niyang pag-aralan ang kilos nito at galaw.


Magaling sa sport na ito si Dave. Halata iyon kasi magaling itong magdala ng bola, magpasa, at higit sa lahat, magpa-shoot sa goal. 'Ibig sabihin, I have to play soccer?' Tanong niya sa utak niya.

Ang kaso lampa siya! So paano kaya magiging posible na matapatan niya ang kakayanan ng kanyang kapatid?

Nasa ganoong kalalim na pag-iisip si Whimper nang bigla syang kausapin nung nasa tabi niya.


"Whimper...." May tumawag sa tabi niya kaya siya napalingon.


Kumunot ang noo ni Whimper ng makita si Sam na nasa kabilang dulo pala ng bench.


"Bakit ka nag-iisa?" Tanong ni Sam sa kanya.


"Ano naman sa iyo?" Medyo iritable niyang sabi.


Hindi naman siya suplado, mabait siya sa lahat, pero ayaw niya lang mamisinterpret ni Sam ang pagiging mabait niya. Mabuti na iyong ganito na naglalagay siya ng wall. Lalo pa't alam niyang gusto siya nito.

"Whimper, huwag ka namang ganyan. Huwag mo naman akong kamuhian." Pakiusap nito na masasalamin sa mata ang lungkot.


"Hindi kita kinamumuhian. Gusto ko, civil lang tayo. Not too close, not too far from each other." Seryosong sagot niya.


"Huwag kang umiwas. Alam mo namang gusto kita."


"Exactly! That's why I'm trying to stay away from you. Ibaling mo sa iba ang pagkagusto mo." Harsh na kung harsh, pero gusto niyang ipabatid kay Sam na tigilan na nito ang pagkahumaling sa kanya.


Tumayo si Sam para lumapit sa pwesto niya. Ang kaso, sasayad pa lang ito sa upuan, eh tumayo na siya para lumipat sa susunod na bench.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon