A/N:
Naiiyak ako. Nasaan na ang mga dati kong readers? Huhuhu! VOTE and COMMENT po. Please? Thanks po!
___________________________________
CHASING 19BLACK and WHITE ANGELS
AFTER 2 WEEKS:Naging mahirap man ang nakaraang dalawang linggo para kina Lizzie at Whimper ay nagawa naman nilang iwasan ang isa't-isa. Pero paminsan-minsan ay hindi pa rin mapigilan ni Whimper na hindi sulyapan at tingnan si Lizzie.
Si Lizzie naman ay mas ibinaon na lamang sa pag-aaral ang kanyang utak. Hindi na niya inintindi muna ang tungkol sa crush, like, at love. Siguro ay dahil sa nababaliw siya sa pag-iisip minsan kung tama bang pinakawalan niya si Whimper.
Ang akala ni Lizzie ay magtutuloy-tuloy na ang peaceful niyang buhay. Pero hindi rin pala! Tulad ngayon na nasa meeting sila ng Student Body Organization.
Kasabay ni Lizzie si Tristan na pumasok sa room na pagdadausan ng meeting. Nagkukwentuhan sila ni Tristan papunta doon tungkol sa topic nila kanina sa klase."Iyon ba ang tamang sagot?" Tanong ni Tristan kay Lizzie habang nasa may bukana sila ng pintuan ng room. Maaga pa naman, so hindi muna sila pumasok.
"Oo iyon ang sagot doon. Nanghula ka lang ano?" Nakangiting tanong ni Lizzie kay Tristan.
"Oo eh." At kakamot-kamot na amin ni Tristan.
"Nyeh... hahaha!" At nagkatawanan silang dalawa."Excuse me." Nakatungong nakiraan sa gitna nila si Whimper.
Napatigil sila sa pagtatawanan. Nakasunod ang paningin niya sa paupong si Whimper. Nakita niyang nakiupo ito sa dulo kasama ang dati niyang kaklaseng sina Nina at Onic. Mga officers din kasi ang dalawa sa klase nina Whimper at auxillary members ng SBO.
Pag-upo ni Whimper ay nagkatinginan silang dalawa. Kapwa blangko ang expression ng kanilang mukha.
"Lizzie!" Sigaw na nagpabaling ng kanyang tingin sa kanyang Ate Menchie na katabi ang kaibigang si Jasmine at si Rave. Kumaway ito sa kanya. Nakaupo ito 2 seats away from Whimper and his classmates.
Humarap siya kay Tristan. "Tara na Tristan. Doon tayo umupo sa tabi nina Ate." Yaya niya kay Tristan na tumango at pumasok na din.
Umupo siya sa tabi ni Menchie, at tumabi sa kanya si Tristan. "Kumusta, Whimper?" Narinig niyang bati ni Tristan sa katabi sa other side na si Whimper.
"Ayos lang." Narinig niya pang sagot ni Whimper kay Tristan.Parang nagsisisi tuloy siya at dito pa sila umupo ni Tristan. Naiilang kasi siya sa presensiya ni Whimper, na nasa tabi lang halos niya.
"Kanina pa ba kayo doon, Lizzie?" Tanong ni Rave.
Bali ang arrangement ay Jas, Rave, Menchie, Lizzie, Tristan, Whimper, Nina, at Onic. Kasunod ni Onic ay kung sino-sino nang mga may kinalalaman din sa organization.
"Hindi naman. Nalimutan ko kasing kasali nga pala kayo ni Ate." Baling niya kay Rave na may pilit siyang ngiti sa mga labi.
"Tristan, kasali ka din pala?" Tanong ng Ate Menchie niya sa katabi niyang kaklase.
Napangiti si Lizzie nang paglingon niya kay Tristan ay pulang-pula ito sa hiya sa Ate niya. 'Crush siguro nito si Ate! Hahaha!' Kuro-kuro niya.
Nagkamot naman si Tristan na parang nahihiya bago sumagot. "Oo, Menchie. Kami ni Lizzie ang representative ng section namin."Ah... Ganoon ba?" Nakangiti rin ang Ate niya.

BINABASA MO ANG
The Chase
Fiksi Remaja"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...