Chasing 20

2.6K 78 9
                                    

A/N:


Salamat po sa mga nagCOMMENT sa last two chapters na sina: @jecdungan, @my_mich05, @hayz_rocks22, @Riiinnn, @JuanNe15, at @BheybichingCanales.

Sa lahat din po ng patuloy na nagVOTE, thank you po!!

________________________________________


CHASING 20

ANG RORO

Unang umalis ng Laguna ang mga SBO members, assistant adviser at adviser. Then after 2 hours ay saka naman sumunod ang Zacarias Family. Naka door-to-door service naman ang mga estudyante kaya safe sila at hindi mahihirapan sa byahe.


Ang door-to-door service ay iyong susunduin ka sa bahay ninyo ng isang van, at ihahatid ka sa tapat mismo ng tutuluyan mong lugar.

Sa case ng mga taga-SBO, sinundo sila ng van sa school at ihahatid sila sa resort. Ang van ay isasakay sa Roro kasama ang mga pasahero. Pagkatapos ay baba ang mga pasahero sa van, na nakalulan din sa barko, at papasok mismo sa mga palapag ng Roro. At kapag baba na, muli silang baba ng mga cabin ng barko at sasakay sa van. Tapos ay baba na ang van sa loob ng Roro.

Kaya tulad ng van, isinakay din ng kanilang Papa Tope ang kanilang fortuner sa barko. Kasunod ang Sta. Fe ng kanyang Mama Ria na siyang ginagamit kapag sinusundo ito sa work ng driver.

Masaya ang magkapatid dahil hindi lang pala ito school activity, kasama din ang buong family Zacarias. Para na rin nila itong family trip.


Pagdating nila sa Lucena Port ay nasa loob na ng Roro ang van ng mga estudyante. "Nakasakay na ang lahat at nakaupo na?" Tanong ng kanilang Mama sa isa sa kanilang bodyguard na isinama nila para ma-ensure ang safety ng mga bata.


"Opo, Maam Ria." Magalang na sagot ni Kuya Guard.


"Vic, ihanap mo na kami ng upuan sa taas" Sabi naman ng kanyang Papa Tope sa kanilang driver na siyang nagdala ng Sta. Fe nilang sasakyan. Dinala ito ng Papa nila para kapag kailangang mamasyal ng mga estudyante, ay may service na. Taga hatid lang naman kasi ang van na inupahan ni Donua Arah.

"Opo, Sir Tope." Sagot ni Driver Vic habang inaalalayan sila ng kanyang Ate Menchie pababa ng Fortuner.


"Maam Ria, may dadag nga po palang isang estudyante. Bali 15 po ang laman ng van." Sabi ni Guard habang umaakyat sila ng hagdan papunta sa cabin.


"Sino? At bakit sumama? Ang budget natin ay para sa SBO members and teachers lang." Nakakunot ang noong tanong ni Ria. Si Lizzie at Menchie ay kasunod nito, at sa likod ng magkapatid ay ang kanilang Papa.

Napakamit ng ulo si Guard. "Si Samantaha po, iyong bestfriend ni Miss Lizzie." Magalang na sagot nito, na may kalakasan para mangibabaw ang boses sa tunog ng makina ng barko.

Nagkatinginan silang mag-ate. Napataas ang kilay ni Menchie, habang siya naman ay napailing dito. Nagpatuloy sila sa pagsunod sa kanilang Mama paakyat ng barko.

"Bakit kasama si Sam?" Tanong ng kanyang Mama.


"Nakiusap po kasi kay Donya Arah ang ina niya na tutulungan daw po tayong humingi ng tulong kay Mayora para sa school projects natin, basta pasamahin na lamang si Sam. Napapayag na po ang inyong Ma-ma, dahil nagbigay po si Vice Mayor ng 3 kahon ng notebooks na gagamitin po sa outreach project ng SBO. Ang mother po ni Sam ang nanghingi noon." Mahabang paliwanag ni Guard habang isa-isa na silang sumunod sa pag-upo ni Ria sa deck ng barko na aircon.

"Ahh. Ganoon ba? Oh sige walang problema." Sagot ng kanyang Mama at sinenyasan na si Guard na bumalik na sa pagbabatay sa mga estudyante.

"Kaya naman pala, Sis pumayag ang lola ko eh." Bulong ni Ate Menchie niya. Nagkibit na lang siya ng balikat.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon