A/N:
Hayy! Sobrang busy ni Tope ko. Naka-2 gig na siya as model. Minsan tuloy nagsisisi ako bakit pinasok ko pa siya at nirecommend as ramp model! Dami kayang girls dun? Charot lang!
Anyways, balik na sa kwento. Salamat sa mga nagVOTE & COMMENT. Lalo na kina: @BheybichingCanales, @my_mich,05, at @czarmin.
_________________________________________
CHASING 41
CHOCOLATE
KINABUKASAN:Maghapong nasa bahay lang si Lizzie. Naglaro na siya sa iMac, nag-chat sa iPad, nagselfie sa iPhone, nanuod ng tv, natulog, kumain, at nagswim sa pool nila, pero inip na inip pa rin siya. Paano ba naman kasi dalawang katulong lang ang kasama niya sa bahay? Ang totoo, maaga pa nga siyang nagising kanina kasi nalimutan niyang bawal nga pala muna siyang pumunta sa school. Kulang na lang ay magtumbling siya sa kama.
Kaya ang ginawa niya ay nagbasa na lamang ng kanyang mga libro. Mabuti na lang at Intrams week sila. So walang problema sa mga lessons na mamimiss niya.
Nang dumating na ang hapon, iba na talaga ang timplada niya. Naiinip at naiinis na siya sa sitwasyon niya. Naglambing na nga siya sa Papa Tope niya kaninang umaga, pero hindi ito kumuntra sa decision ng Mama niya. Now, she feels like she's doomed!
Halos mapatalon siya sa saya ng marinig niya ang busina ng driver nila. Ibig sabihin ay dumating na ang kanyang Ate Menchie. Bumaba agad siya sa sala para salubungin ito.
"Ate, inip na inip na ako. Kumusta sa school?" Tanong niya agd kay Menchie ng sumalampak na ito ng upo sa sala set.
"Ayos naman. Kanina ang daming nagdedicate sa iyo ng kanta." Tamad na sagot nito.
"Ganoon ba? Eh Ate, nakita mo ba sina Whimper, Dave, Rave at ibang mga kaklase ko?" Interesadong tanong niya. Actually, interesado lang siya sa isang tao.. 'kay Whimper nga ba o kay Dave?' Tanong niya sa sarili niya.
"Oo. Kasi kumalat na rin ang nangyari sa school. At ang dinig ko, pina-DSWD ng president ng PTA ang mga bulling iyon." Sagot pa ni Menchie habang nakapikit.
Mas lalo pa siyang lumapit sa kapatid niya. "Ate, bored na bored na ako." Bulong niya dito.
Nagmulat naman ng mata si Menchie at tiningnan siya. "Ano ngayon?" Tamad na tanong nito.
"Ate, labas naman tayo." Patuloy na bulong niya kasi baka marinig siya ng kanilang mga yaya.
"Naku, Maonaliza! Hindi mo ako pwedeng kasabwatin na ilabas kita ng bakuran. Ayokong mapagalitan." Seryosong sabi nito.
Ngumuso si Lizzie. "Sige na, Teh." Pagpipilit pa niya.
"No!" At tinalikuran na siya nito. Umakyat na si Menchie papuntang kwarto nito.
Wala talagang pag-asa! Laglag ang balikat na bumalik siya sa kwarto. Wala na ba siyang kakampi sa bahay na ito? Bakit pakiramdam niya nag-iisa siya? Naiiyak na lang siyang dumapa sa kanyang unan. Miss na miss na niyang ang freedom! Kung hindi lang sana siya naki-alam at pinagtanggol ang magkapatid na Becher.
Ipinilig ni Lizzie ang ulo niya. Mali itong mga naiisip niya. 'Bakit ako manghihinayang na tinulungan ko sila? Kaya nga sila napahamak ay dahil sa akin. Sorry, Whimper! Sorry, Dave! Sorry kung nag-iisip ako ng ganito.' Bagay na sumasagi sa isip niya ngayon.
(Later..)
Tahimik silang kumakain ng hapunan. Kumpleto sila. Naandito si Menchie at ang magulang nilang sina: Ria at Tope. Sa mga ganitong pagkakataon ay tawanan ang bumabalot sa kanilang hapag dati. Pero ngayong araw, nakaka-binging kalungkutan ang tangi nilang nadidinig.
Idagdag pang walang gana masyado si Lizzie sa pagkain. Paano siya gaganahan? Feeling niya busog pa rin siya. Hindi kasi masyadong nagagamit ang stored energy niya. Hindi tulad ng dati na nagagamit niya ang food intake bilang fuel sa paglalakad, pagtakbo, pakikipag-usap, pag-iisip, at pakikipagtawanan sa paaralan.
Napalingon siya sa pinto habang nagbabasa ng libro sa ibabaw ng kama. Kumatok at pumasok kasi ang Papa niya.
"Anak, bakit hindi ka masyado kumain?" Nag-aalalang tanong ng kanyang Papa Tope. Umupo ito sa tabi ng kanyang kama.
"Pa, pakiramdam ko po kasi busog pa ako. Kasi naman po kain, tulog, at basa lang po ako." Malungkot na sagot niya kay Tope.
"Ganoon ba? Oh sige lalabas na ako." At tumayo na ang kanyang ama matapos siyang halikan sa noo.
Pero bago ito tuluyang makalabas ay tinawag niya ito.
"Pa!"
"Oh?"
"Pa, payagan ninyo naman akong dalawin ng mga kaibigan ko."
Saglit na natigilan si Tope. Pagkatapos ay napabuntong hininga. "Pabayaan natin ang Mama mo sa desisyon niya. Sundin na lang natin." At ngumiti ito ng malungkot sa kanya at lumabas na.
Padabog na napahiga siya sa kama. Alam niyang wala siyang karapatan magreklamo. Paraan ito ng Mama niya para disiplinahin siya. At madalang pa sa patak ng ulan na magparusa ang kanilang Mama, madalas ang Papa niya, kaya alam niyang kailangan niya iyong sundin.Ipinikit niya ang mata pero hindi siya makatulog. Kaninang umaga, bago pumasok si Dave, at kaninang tanghali ay tumawag ito sa cp niya. Halos mapalundag nga siya sa saya na tinawagan siya ni Dave. Parang sabik na sabik na siya agad makipag-kwentuhan sa ibang tao. Ngayon, parang gusto niyang tawagan si Dave o si Rave, pero nahihiya siyang makaistorbo dahil baka busy ang mga yun.
Bumangon siya at pumunta sa terrace. At least dito sa terrace ay makakakita siya ng ibang tao na naglalakad o dumadaan sa kalsada. Isang araw pa lang, hirap na hirap na siya sa pagkaka-kulong niya dito sa bahay nila.
Nakatanaw siya sa mga stars ng may marinig siyang sumisitsit.."Lizzie!"
Hinanap ng kanyang mata kung sino iyon. Napangiti siya ng makita si Rave na nasa labas ng gate nila sa baba, kumakaway sa kanya dito sa taas. Gumanting kaway din siya na alam niyang nakita ng isa sa mga guards nila. Pero deadma lang siya.Napalingon muna siya sa likod niya, baka kasi pumasok ang isa sa pamilya niya. Pagbalik ng paningin niya kay Rave ay nakita nita itong nahuli ng guard nila sa front gate. Muntik pa itong sitahin ng gwardiya nila. Pero ng malingunan nito na siya ang kakawayan nito, na for the first time ngayong maghapon ay napangiti, niyaya nito ang kasamang guwardiya na kumain sa may gilid ng hapunan. Ngumiti pa ito sa kanya at sinuklian niya ng pagtango.
Kinakabahan siya ng maingat na binuksan ni Rave ang gate nila. Tapos ay pumasok ito. Umakyat sa puno.
"Kumusta?" Bati nito sa kanya habang naka-tuntong sa isang sanga ng puno malapit sa terrace niya.
"Eto nakakulong." Malungkot niyang sagot na halos pabulong.
"Konting tiis lang. 6 days na lang at makakalabas ka na."
"Loko ka! Baka mahuli ka nina Mama. Bakit ka nga pala nagpunta dito?" Tanong niya."Wala. Namimiss ko lang na hindi kita nakita sa school" nakangiti paring sagot nito. Ang ganda talagang ngumiti ni Rave. Isa ito sa mga nagustuhan niya dati sa binata.
Medyo namula si Lizzie. Natouch naman siya sa effort ni Rave. "Sige na umuwi ka na. Nakita mo na ako hindi ba?" Nakangiti na ring sabi niya.
May dinukot itong chocolate bar sa bulsa. "Iiwan ko ito sa guard house. May nakalagay naman dito na para sa iyo ito. Kainin mo ha?" Masuyong sabi nito."Sige. Salamat ah. Uwi ka na." Natutuwang pagtataboy niya kay Rave. Natatakot kasi siyang mahuli ito o mahulog sa puno.
"Babye. Huwag ka ng sisimangot ulit ah. Mas maganda ka kasi kapag nakangiti."
"Oo na. Sige na baba kana diyan."
"Bye!"
At nakita niya na itong nagmamadaling bumaba at tumakbo palabas. Ipinatong nga nito sa guard house ang chocolate at umalis na.Naiiling habang nangingiti na bumalik na siya sa loob at humiga sa kama. Natutuwa siya sa efforts ni Rave. Alam niyang hindi madali ang ginawa nito. Malayo-layo ang bahay nito pero nagawa pa rin siyang dalawin. Kaya masaya siyang naging close niya ito. At sa isiping iyon ay nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.
_____________________________
A/N:
VOTE & COMMENT po.
![](https://img.wattpad.com/cover/9022139-288-k945794.jpg)
BINABASA MO ANG
The Chase
Fiksi Remaja"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...