Chasing 36

2.5K 69 10
                                    


CHASING 36

WAR

KINABUKASAN:


Sinalubong si Lizzie ng mga admirers niya pagdating sa school. Kanya-kanyang bidahan ang mga ito sa kanya. Ang dami na namang nag-aabot ng mga regalo sa kanya. Gustong-gusto na niyang tanggihan dahil wala siyang taga-bitbit ngayon. Pero sa huli ay inaccept niya na rin.


Dumiretso siya sa locker room. Napailing na lang siya dahil kahit sa locker niya, hindi kasya ang mga gifts na natanggap niya. Kahit anong ayos niya ay hindi talaga kasya. Nafufrustrate na napasandal siya sa katabing pintuan ng locker niya.


Kung pwede niya lang itapon ang lahat ng ito. Ang kaso ay iniiwasan niyang maging rude simula ng ipakilala siya ni Donya Arah bilang isa sa mga Heiress ng school. Syempre ayaw niya namang may sabi ang mga estudyanteng masama sa pamilya nila ng dahil sa kanya.


Nasa malalim siyang pag-iisip kung paano ang gagawin sa mga regalo nang biglang may magsalita sa tabi niya.


"Ang dami na naman ah." Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. At nakita niya si Whimper na naglalagay din ng mga regalo sa sariling locker nito. Ang gwapo na nito ngayon. Hindi na ito ang dating nerdie na naging boyfriend niya. At marahil dahil sa pagbabago nito kaya dumami na rin ang regalong natanggap nito.


Hindi na lang siya kumibo. Umayos na siya ng tayo at pilit na pinagkasya muli ang mga regalo. Ang problema na lang niya ay ang medyo may kalakihan na teddy bear na hindi niya talaga maipasok.

"Ipalagay mo na lang muna iyan sa locker ko." Muntik na siyang mapalundag ng biglang magsalita si Whimper sa likod niya.


Dug...

Dug...

Kinakabahan siya dahil damang-dama niya ang presensiya ni Whimper sa likod niya! Hindi tuloy siya makareact. Para siyang biglang naging estatwa sa harap ng locker.


"Akin na nga." At inagaw ni Whimper ang kapit niyang teddy bear.

Saka lang siya nakarecover sa nerbyos. "Huwag na." Hinarap na niya ito at inagaw niya ang teddy bear pabalik mula sa kamay nito.


Hindi naman na nakipagtalo pa si Whimper. Pinabayaan nalang siya nito. Nakapamulsang sumandal ito sa katabing locker. Siya naman ay ipinasok na lang sa bag ang teddy bear. Pigil na pigil siyang mahalata ang pangangatal ng kanyang kamay.


"Siguro dapat magka-boyfriend ka ulit para mabawasan ang mga pangpasikip ng locker mo." Sabi nito na nakapagpalingon sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin. Seryoso itong nakatitig sa kanya. Pero sa mga mata nito ay parang may gusto itong sabihin na hindi niya maunawaan kung ano.


Nilapitan muli siya ni Whimper. Tumayo ito ng halos kalahating ruler lang ang distansiya sa kanya. Amoy na amoy niya ang paborito niyang pabango nito.


"Dapat siguro ay sagutin mo na si Rave o si Kuya. Hindi ba't sila ang pinakamalapit sa puso mo sa mga suitors mo?" Seryoso pa ring tanong nito.


Naningkit ang mga mata niya. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang gustong palabasin ni Whimper. "Ano bang pakialam mo sa akin? Saka hindi ako kailangang mamili sa kanila. Parehas ko silang sasagutin. Tulad ng ginawa mo sa amin ni Sam!" Inis na sabi niya at tuluyan ng nilayasan si Whimper.



Pero mabilis nitong hinablot ang siko niya. "Lizzie." Napaharap tuloy siya sa binata at kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Nagtitigan lang silang dalawa.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon