Chasing 37

2.4K 77 8
                                    

A/N:

Thank you sa unang naglike sa last chappy, @JuanNe15. Salamat din po sa comments nina: @omekbelo, @Riiinnn, @dolphocenixian, @czarmin, @cocobash, @BheybichingCanales, at @my_mich05.


_____________________________________

CHASING 37


INTRAMS - DEDICATION BOOTH


Sumalampak si Lizzie sa ilalim ng puno malapit sa soccer field. Dinukot na lang ni Lizzie ang iPhone niya sa bulsa. Gusto niya kasing mawala ang bad vibes na nararamdaman niya kaya naglaro na lang siya ng Zombie Tsunami. Naiinis kasi siya sa inaakto ni Whimper at ang mga patutsada nito.

"Hey!" Nakangiting lapit ni Dave sa kanya.

"Kumusta?" Ganting bati niya. Parang biglang nawala ang badtrip niya ng makita si Dave. Ang maaliwalas nitong mukha. Ang maganda nitong ngiti.

"Ok lang. Ikaw, kumusta araw mo?" Tanong nito sa kanya.

Gustong-gusto niya sanang sabihin kung gaano siya ka-badtrip pero pinigilan na lang niya. "Ok lang." Sagot niya. Pinatay na niya ang iPhone. Mas nawawala ang inis niya kasi kapag kausap si Dave.

"Parang hindi ka ok eh." Sabi naman ni Dave sa kanya. Iginala nito ang tingin sa buong mukha niya. Parang binabasa ang nararamdaman niya.

"Ok nga, kulit." Natatawang sagot niya. Salamat kay Dave at nakakatawa siya.

Sumeryoso ito at mas tumabi sa kinauupuan niya. "Lizzie, may favor ako sa iyo." Simula nito.

Napakunot ang kanyang noo. "Ano?" Simpleng tanong niya.

"Kasi may laban ng muse ng bawat team sa soccer. Iyong napili ni Coach na muse para sa amin ay nag-iinarte pa. Gusto ko sanang ikaw ang mag-muse para sa team namin. Please?" Pakiusap nito sa kanya.

Saglit na nagisip siya bago sumagot. "Pwede. Pero anong susuotin ko? Wala naman akong dalang ibang damit bukod dito sa intrams shirt namin sa highschool." Sagot niya kay Dave.

"Talaga? Wow! Thank you! Kung damit ang problema mo.." At may kinuha si Dave sa bag na dala nito. "Itong intrams shirt ko ang suotin mo." Sabay abot sa kanya ng green na intrams shirt ng mga first year college students.

Itinaas ni Lizzie ang shirt. Nakita niya ang tatak sa may dibdib na logo ng school nila at ang D. Becher na naka-print sa may dibdib. Binaligtad niya at sa likod ay D. Becher na malaki, tapos College of Dentistry na medyo maliit ang font.

"Ok lang ba kung iyan na lang ang suotin mo?" Kinakabahang tanong nito. Kinakabahan si Dave kasi baka tumanggi siya.

"Ok na ito." Nakangiting sabi niya at isinampay sa balikat ang shirt. Ngayon lang siya makakapagsuot ng shirt ng isang lalaki. Kahit pa sabihing panglalaki iyon, excited na siya. Excited siya at ang naka-print ay ang pangalan ni Dave.

"Naku! Salamat Lizzie! Tiyak akong kami ang mananalo nito." Pambobola pa ni Dave sa kanya.

Hinampas niya ng mahina si Dave sa braso. "Bolero" sabi niya at nagkatawanan na lang silang dalawa.

"At dahil diyan, sasama ako ngayon sa booth ninyo. Kapag nakita ng college students ang mukha ko tiyak na lalakas ang booth ninyo." Sabi nito at kumindat pa sa kanya.

"Ay sus! Kayabang talaga ni Mr. Becher." Natatawang sabi niya at tumayo na para bumalik sa building nila.


"Sinong Becher? Ako ba o si Whimper?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong nito.

Natigilan si Lizzie. Alam niyang joke iyon supposed to be, pero hindi siya natawa. Naalala na naman niya si Whimper.


"Oh bakit? May nasabi ba ako?" Tanong ni Dave sa kanya.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon