Chasing 32

2.5K 66 4
                                    


A/N:

Please VOTE AND LEAVE A COMMENT. Maraming thank you kina: @AngelAndreaReyes, @BheyBichingCanales, @my_mich, @misvayiyi, @czarmin, at syempre kay @jecdungan! Si jecdungan na mula ata sa story kong INNOCENT LOVE <3 ay kasama ko na. Masipag magvote at magcomment. Maraming salamat sa support. I will dedicate a chapter for you!

Salamat din po sa mga nag-vote ng story na ito. Kayo ang nagbibigay sa akin ng inspiration para sipagin akong magsulat. Although, halos 1/4 lang ang reads nito, kumpara sa I.L., pero dahil sa votes at comment ninyo, itutuloy natin ito.

Guys, please help me plug this story. Thank you!


_________________________________

CHASING 32

INTRAMS - BASKETBALL

KINABUKASAN:


Sabay na pumasok ang magkapatid na Lizzie at Menchie. Second day na ng kanilang intrams. Ang highlights ng events ngayon ay Basketball at ang Mr. & Ms. Intrams mamayang hapon. Syempre ang mga booths ay patuloy lang ang pag-operate.

Pinagbukas pa sila ng pinto ni Dave ng bumaba silang tatlo ng kotse. Nakita kasi ng magkapatid si Dave sa kanto kaya isinabay na nila papasok ng school.

"Congrats, Dave!" Nakangiting bati ni Menchie habang naglalakad sila papasok ng campus.

"Salamat. Kaso hindi naman tinapos noong isa dyan ang game." At ngumisi kay Lizzie si Dave.

"Sorry, Dave. Sumama kasi ang pakiramdam ko." Sagot niya na nakatungo. Kapag naaalala niya ang eksena nila ni Whimper kahapon, ay hindi maiwasang uminit ang ulo niya.

"Hey! Ok lang. Binibiro lang kita. Pero next time, Lizzie, don't stoop down to their level, ok? Bayaan mo lang silang magdadakdak. Huwag mong patulan." Payo sa kanya ng mabait na si Dave at ginulo pa buhok niya. Nanatili naman siyang nakatungo kasi nahihiya siya kay Dave. Parang warfreak ang dating.


"Sila ang nagsimula, Dave. Inalipusta nila si Lizzie at Whimper." Singit ng kanyang Ate na nasa kabilang side ni Dave. Pinagigitnaan nila kasi si Dave.

"Talaga? Bakit nadamay si Whimper?" Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya. "Ui!" Tinapik pa siya nito para tumingin lang siya sa gawi nito.


"Ha?" At napilitan na siyang tumingin dito habang naglalakad pa din sila papuntang quadrangle.

"Bakit nadamay ang kapatid ko?" Ulit ni Dave sa tanong. Halata dito na medyo naiinis ito, pero hindi naman sa kanya, kundi sa nangyari.

"Minaliit nila." Simpleng sagot niya.

"Talaga? Pasalamat pala sila hindi ako ang nakarinig." Bakas pa rin ang inis kay Dave. Hindi na lang siya kumibo. Naiinis kasi siya pagka naaalala niya ang nangyari. Lalo na iyong part na inaway pa siya ni Whimper.

"Kaya masisisi mo ba na ganun ang maging reaction ni Lizzie?" Tanong pa ni Menchie kay Dave.


Napatango-tango na lang si Dave. "Ah kaya pala nag-init ang ulo ni Hipag." Pang-aasar sa kanya ni Dave para pagaanin ang mood.


Hinampas niya naman ang braso ni Dave. Shemay lang! Siya pa ang nasaktan sa sobrang firm ng mga yun. "Yan ka na naman ha!" At ngumuso pa si Lizzie. Naalala pa niya kung paano siya asarin nito nung isang araw na ihatid niya sa bahay.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon