A/N:
Salamat po sa votes at comments. Last 5 chapters to go. Salamat sa tanging nagcomment na si @BheybichingCanales. Salamat sa iyo! Nasaan na ang iba kong readers?? Hu! hu! hu! hu!________________________________________
CHASING 55ANG KANYANG GUSTO
"Whimper, bata pa lang tayo, pinagbigyan na kita sa lahat ng gusto mo. Ngayon lang ako makikiusap sa iyo. Please, paubaya mo na si Lizzie sa akin." Madamdaming pakiusap ni Dave kay Whimper."Kuya, alam kong naging mabait kang kapatid sa akin. Tulad ng sinabi mo lagi kang nagpaparaya. Pwede bang for the last time, kahit sa huling pagkakataon, pabayaan mo na ang pag-iibigan namin ni Lizzie?" Ang pakiusap ni Whimper kay Dave.
Sa narinig na usapan ng magkapatid, hindi maiwasang malungkot at maluha ni Lizzie. Parehas kasing nakikiusap ang magkapatid na Becher na ipaubaya siya sa isa. Parehas determinadong makuha ang puso niya.
Pero hindi ba nila naisip na hindi dapat ang mga ito ang nagdedesisyon? Na nasa kanya pa din ang last say kung sino ang gusto niyang maging nobyo? Na kahit pa magbigayan sila, hindi mababago ang tibok ng kanyang puso? At iyon ay walang iba kundi si Whimper.
"Tumigil nga kayo." Mahina pero may diing sabi niya. Nalulungkot siya sa nangyayari sa magkapatid ng dahil sa kanya.Napatingin sa kanya ang mga waitress at tauhan nila sa aircon part. Mabuti na lamang at wala dito ang Ate niya. Kung nasaan ito, hindi na muna niya poproblemahin. At nang mapatingin siya sa mga waitress, ay nakakaunawa naman ang mga iyon na lumabas ng aircon, ibinaba pa ang blinds sa glass windows. Binigyan silang tatlo ng privacy.
Tumayo si Dave at nag-squat sa harap niya. "Lizzie, nakikiusap ako. Choose me." Kitang-kita niya sa mga mata nito ang desperasyon na piliin niya ito.
Ngayon niya lang narealize na mahirap pala ang maging Monaliza Zhane Zacarias. Kung sino man ang gustong mapunta sa lugar niya ngayon ay labis niyang ikasisiya. Dahil sa buong buhay niya, ngayon niya lang narealize na mahirap palang maging siya. Na lihim niyang hinihiling na sana ay ibang tao na lang siya. At sana may mapakiusapan siyang tao na maging siya kahit panandalian lamang.
Kung nahihirapan na siya kay Dave, mas pahihirapan pa siya ni Whimper. Lumapit ito at tumayo sa harap niya. Nagulat siya ng bigla itong lumuhod sa isang tuhod. Pakiramdam niya tuloy, prinsesa siya."Lizzie, pinili mo na ako hindi ba? Wag mong sabihing nalilito ka pa?" Bakas din sa mukha nito ang takot na magiba ang isip niya.
Hay buhay! Hirap na hirap ang kalooban ni Lizzie sa nakikita sa dalawa. Parang pinipiga ang puso niya!
"Please, Lizzie. Bawiin mo ang sinabi mo sa kanya na siya ang pinipili mo." Pakiusap ni Dave.
Gusto na ni Lizzie na kainin na lang siya ng lupa sa mga oras na ito. Mahirap pala ang ganito, na ang kaligayahan ng dalawa sa mga importanteng tao sa buhay niya, ay sa kamay niya naka-asa ang kaligayahan!
Napakagat labi si Lizzie. Alam niya ang gusto ng puso niya, pero kahit anong gawin niya, hindi pwedeng hindi niya masasaktan si Dave.
"Lizzie, nangako ka sa akin na hindi mo na isasakripisyo ang pagmamahalan natin para sa iba." Malungkot na paalala ni Whimper.Napalunok siya. Kaya niya ba? Kaya niya bang isigaw sa mukha ni Dave ang nararamdaman niya? Pero kung hindi, paano na lang si Whimper? Paano ang pangako niya dito?
Bumaling si Dave kay Whimper. "Tol, ngayon lang... nakikiusap ako.. please? Please akin na lang si Lizzie?" Pakiusap nito sa kapatid.
Kitang-kita ni Lizzie na talagang desperado na si Dave. Naisip tuloy niya, 'ano bang kabutihan ang ginawa ko sa past life ko to deserve these two?'
Napatayo si Whimper. Halata sa mga mata nito na ayaw nito sanang biguin ang pakiusap ng kapatid nito. Pero sadyang importante dito ang pag-ibig na matagal na nitong iniipon nung nagkahiwalay silang dalawa.
"Kuya, hindi ko kaya. Hindi ko kayang pahirapan pa ang puso ko. Pakiusap, Kuya, iba na lang hilingin mo. Huwag si Lizzie." Nahihirapan ding pakiusap ni Whimper. Tumalikod ito at humarap sa pintuan.Hindi maka-react si Lizzie. Napakagat-labi na lamang siya at pinipigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata. Naaawa siya sa sitwasyon ng magkapatid.
Tumayo na rin si Dave mula sa pagkaka-squat. Muling humarap sa kanya. "Sa akin hindi ka masasaktan. Kahit kelan ba umiyak ka na dahil sa akin? Hindi, di ba?"
Lumapit ito at pinunasan ang kanyang mga luha. "Bawiin mo, Lizzie. Bawiin mo ang pakikipag-balikan kay Whimper. Please?" Basag na ang boses na pakiusap nito.
Napalunok siya. Tiningnan niya ang nakatalikod pa din sa kanila na si Whimper. Halatang malalim din ang iniisip nito. Tapos bumaling siya kay Dave na nakatitig pa rin sa kanya habang hawak ang kanyang kamay. Napalunok si Lizzie. Genius siya, di ba? Pero bakit hindi siya makaisip ng solusyon sa problemang ito?"Lizzie, babawiin mo na ba?" Seryosong humarap sa kanila si Whimper. Malungkot na malungkot ang mga mata nito.
Kailangan niyang magdesisyon ng tama. Hindi siya makasarili para patagalin pa ang pag-hihirap ng dalawa.
Bumuka na ang kanyang bibig pero isinara din niya muli. Hindi niya kasi maisip kung paano sasabihin sa kanila ng walang masasaktan. Kung paano niya pipiliin ang isa ng hindi masyadong masasaktan ang isa.
Lumapit sa kanya si Whimper. Iniharap siya nito sa kanya kaya nabitawan na siya ni Dave. "Mamili ka na, Lizzie. Sino ba talaga ang gusto mo?" Seryosong tanong nito sa kanya.
Parehas nag-aantay ang mag-kuya sa isasagot niya. Napatayo na siya at humakbang paatras sa dalawa. Tinitigan niya ang dalawa. 'Kailangang sabihin ko na ang desisyon ko. Bahala na nga!' Naisip niya.
Napabuga siya ng hangin na tanging naging ingay sa sobrang katahimikan ng paligid. "Si Dave ang gusto ko..." Medyo nanginginig pa ang kanyang boses ng sinabi niya. Umiiling na hindi makapaniwala si Whimper. Napaatras ito kaya nabitawan ang nanglalamig niyang kamay.
Napangiti si Dave at agad siyang niyakap ng mahigpit. "Salamat, Lizzie! Sabi ko na nga ba eh. Hindi ka magsisisi sa desisyon mo. Maraming salamat." Tuwang-tuwa ito.
Nakita niya ang unti-unting pagpatak ng luha ni Whimper. Hindi nito napigilang umiyak dahil sa sobrang sakiit ng naramdaman nito.
"Eh di hanggang dito na lang pala ito? Sana maging masaya kayo.." At dahan-dahan itong tumalikod na puno ng kalungkutan ang mukha. Ang puso niya tuloy ay parang kinukurot ng pinong-pino.
Kabaligtaran naman ng kay Dave. Sobrang saya nito na halos hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap nito. "Mahal na mahal kita, Lizzie." Masayang sabi nito habang inilalapit ang mukha para halikan siya sa labi.
__________________________________________
A/N:
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

BINABASA MO ANG
The Chase
Подростковая литература"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...