A/N:
Thank you everyone!
_________________________________________
CHASING 52
LET'S DATE
(Please play youtube video on your right -------->>>)
Huminga muna si Whimper ng malalim. "Sorry, mahal ko si Lizzie." Sabi nito habang pinapahidan ang mga luha.
Ang makitang umiiyak ang lalaking mahal niya at ang dati niyang matalik na kaibigan ay labis na nagdadala ng kirot sa puso ni Lizzie.
"Umalis na kayo. Gusto kong mapag-isa." At tinalikuran na niya ang mga ito.
"Lizzie!" Pigil sa kanya ni Whimper.
"Please, Whimper.. iwan ninyo muna ako. Gusto kong mapag-isa." Pakiusap niya rito.
"SAKIM KA, LIZZIE! SAKIM! LAHAT NA LANG GUSTO MO SA IYO!" Sigaw ni Sam na ngayon ay sabog na ang luha sa sakit ng puso. Sakit na dulot ng unang pagkabigo.
"Hindi ako sakim. Kasi kung sakim ako, wala ka na sa posisyon mo ngayon." At kumawala na siya sa hawak ni Whimper. Papasok na sana siya ng bahay pero napalingon siya..
Sa galit ni Whimper, narinig niya itong bumulyaw kay Sam kasabay ng marahas na paghawak nito sa braso para mailayo doon.
"KAILAN MO BA AKO TITIGILAN??" Nanglilisik na ang mga mata ni Whimper kay Sam. Namilog ang kanyang mga mata. Ngayon niya lang nakita na ganyan kagalit si Whimper.
"I'm sorry... I-i just love you... so f*cking in love with you! Kaya kahit anong mangyari, hahabulin kita, Whimper." Umiiyak na sabi nito habang pilit kumakawala sa nakabaon na atang kamay ni Whimper sa braso nito.
Mas lalo namang hinigpitan iyon ni Whimper. "TIGILAN MO NA AKO!! Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" May diin sa bawat salitang sabi ni Whimper.
Gustong-gusto ni Lizzie na awatin ang dalawa. Lalo na at nakikita niyang pulang-pula na ang braso ni Sam. Pero anong magagawa niya? Mas masakit ang nararamdaman ngayon ng puso niya.
Napa-awang ang mga labi ni Lizzie nang makitang lumuhod si Sam. "Parang awa mo na Whimper, mahalin mo ako." Umiiyak pa ring pakiusap nito.
Napabuntong hininga si Whimper. Huminga ng malalim dahil mukhang pagod na ito. "Mahalin mo muna ang sarili mo. Ang magpakababa ka ng ganito only shows na hindi mo kayang pahalagahan kahit sarili mo. Paano pa ako maniniwalang mahal mo ako?" At kitang-kita niya kung paano napasubsob si Sam sa tindi ng pag-iyak ng iwan ito ni Whimper magisa.
Napakagat labi si Lizzie. 'Kaya ko ba? Kaya ko bang magmahal ng tulad ng kay Sam? Nakakatakot. Baka hindi ko mapantayan iyon at maging malungkot lang lalo si Whimper.' Bulong ng white angel niya. Sa isiping iyon ay parang ang worthless ng pakiramdam niya. Parang hindi siya bagay kay Whimper.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...