A/N:
Sana dumami ang nagbabasa nito. Help me plug this story. Next chappy na ako magpapasalamat sa masigasig magsipag-COMMENT. Please VOTE & COMMENT. Thank you po!
____________________________________Chasing 22
NEXT TIME
"Saan ka pupunta?" Tanong ng kanyang Ate Menchie ng tumayo siya sa upuan.
"Dadalhin ko lang ito sa taas, Ate." napatigil siya sa tapat ng kinauupuan nito. Pinakita niya ang celphone ni Whimper na naiwan.
"Baka mamaya, mapahamak ka na naman." Sabi ng kanyang Mama. Napakagat labi siya. Paano niya maibibigay ang telepono ni Whimper nito?
"Kaya ko naman pong ipagtanggol....." Sagot niyang naputol.
"Sasamahan ko po siya." Volunteer ni Rave na sumingit sa usapan.
"Oh sige. Teka tingnan ninyo ang Papa mo doon ha? Pabalikin mo dito kapag nakita ninyo. Pabilhin mo na lang pati ng mineral kamo." Utos ni Mama niya.
"Opo, Mama." Sagot niya.
Grabe pa naman ang presyo ng maliit na mineral dito sa barko. Kung sa grocery ay mabibili mo ng 12 o 15, dito sa barko ay 30.00 ang isang bote ng tubig! Presyong ginto talaga!
Umakyat na sila ni Rave. Tinatahak na nila ang upper deck para pumasok sa loob ng cabin doon. Andun kasi ang iba niyang schoolmates. At tiyak na naandun si Whimper.
Pag-akyat nila ay wala na iyong mga binugbog nilang mga kabataan, na hindi naman nila schoolmates, sa labas ng cabin sa upper deck. Marahil ay naisumbong na ang mga iyon ng Papa niya sa kapitan ng barko.
Pagpasok nila sa cabin ng mga estudyante ay, "LIZZIE!" Masigla na siyang binati at tinawag ng mga ito.
Nakangiti naman siyang lumapit sa lugar nina Tristan, Onic, at Nina. Syempre, kasunod niya si Rave.
"Oh Rave!" Tumayo si Tristan para makipag-high five kay Rave. Kilala na rin ito ni Tristan. Kasi nga sa room nila, si Tristan ang lagi niyang kasama. Eh palaging kasama niya naman si Rave paglabas ng classroom, kaya ayun! Magkakilala na ang dalawa.
"Hi! Lizzie!" Bati ng dating kaklaseng si Nina. Never naman itong nagtampo sa kanya. Kahit na noong tahasang sabihin ni Paolo, na siya ang gustong kapareha sa sayaw.
Ngumiti naman siya sa mga dating kaklase. "Kumusta? Hindi ba kayo nahihirapan sa byahe?" Tanong niya sa tatlo.
"Hindi. Very comfortable nga kami eh. Thank you nga pala kay President Ria." Nakangiting sagot ni Onic.
"Sige, sasabihin ko mamaya." Nakangiti ring sagot niya.
"Teka Lizzie, nabalitaan mo bang napagtripan daw si Whimper at Sam kanina?" Tanong ni Nina sa kanya.
"Ay ang totoo...." Pinutol na niya ang sasabihin sana ni Rave.
Dahil ayaw pa niyang maungkat iyon, at dahil ayaw niya ring malaman nila na taekwondo expert siya, ay idedeny niya. "Talaga?" Iyon na lang ang nasabi niya.
"Oo, Lizzie! Bugbog sarado nga si Whimper eh." Sabi pa ni Nina sa kanya.
Bigla niyang naisip na bitbit nga pala niya sa kamay ang telepono ni Whimper. Mabubuking siyang nagkita sila. Kaya ang ginawa niya ay palihim na isinukbit na lang niya iyon sa back pocket.
"Mabuti na lang daw at may tumulong sa kanya." Dagdag pa ni Tristan.
"Oo kasi ang daming nakapalibot sa kanya kanina" Sabi pa ni Rave. Nilingon niya ito at binigyan ng stop-talking-look. Nakuha naman ni Rave ang ibig niyang sabihin kaya tiniim na nito ang bibig.
"Sino kaya iyong tumulong, Lizzie?" Sabi pa ng walang kamalay-malay na si Nina.
"Ba-baka napadaan lang. N-nakita sigurong binubugbog si Whimper, kaya tinulungan." Nauutal pang sabi niya.
Hindi rin naman siya mahilig mapa-bibo o magyabang, kaya ililihim na lamang niya ang nalalaman.
"Ang galing nga daw sa taekwondo." Comment pa ni Rave. Kaya hindi niya napigilang pandilatan ito. Napakamot na lang tuloy ito ng ulo ng mabasa ang expression ni Lizzie.
"Talaga? Paano mo nalaman?" Manghang tanong ni Nina. Gusto talagang malaman ang balita.
"Ha? Ah eh... Narinig ko lang sa mga pasahero." At sa wakas ay nakisakay na sa kanya si Rave.
"Ganoon ba?" At parang nadismaya tuloy na sabi ni Nina.
Nagpalinga-linga siya sa upper deck. Hindi niya makita ang anino ni Whimper at Sam. 'Saan nagpunta ang mga iyon?' Naiinis na bulong ng black angel niya.
Napansin ata ni Tristan ang paghahanap niya sa mga pasahero. "Sinong hinahanap mo? Si Whimper ba?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Halata sa ngiti niyo na parang nanunukso.
"Ah eh.. Oo." Sagot niya.
"Uiii! Hinahanap si Whimper!" Tukso ni Nina at Onic sa kanya. Common knowledge naman kasi sa school na naging sila ni Whimper.
"Ano ka ba?! Hinahanap ko lang kasi syempre, sagutin ni Mama kapag may nangyaring hindi maganda." Palusot ni Lizzie.
'Nice Lizzie!' Muling bulong ng black angel niya, or nang tinatawag na masamang kunsensya niya.
At syempre, ang dakilang taga-salo na si Rave. "Oo nga naman. Kaya huwag na ninyong bigyan ng malisya." Saway ni Rave sa mga ito.
"Sabagay." Nasabi na lang ni Nina.
"Eh nasaan nga kasi?" Naiinip na tanong niya.
"Nakita kong pumunta doon sa labas. Sa unahan ng barko." Turo naman ni Onic.
"Ah... Salamat! Tara Rave, tingnan natin si Whimper doon." Yaya niya kay Rave.
"Sige. Dito muna kayo ah." Paalam ni Rave sa tatlo.
Pinuntahan nila ang labas ng cabin. Papuntang unahan na barko ang direction nila.
Pero parang napako sa kinatatayuan si Lizzie!
Dug..
Dug..
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya! Selos ata!
"Whimper!" Si Rave ang nagdesisyon na kunin ang attention ng mga ito.
Tinanggal naman ni Whimper ang mga braso ni Sam sa bewang nito. Dahan-dahan itong humarap sa gawi nila.
"Lizzie?" At namilog ang mata nito ng makita siya. Habang si Sam naman ay namumula sa hiya.
Hindi dapat mahalata ng dalawa na nagseselos siya. Kaya napagpasyahan niyang ngumiti ng plastic. Lumapit sila ni Rave sa dalawang tulala sa pangyayari.
"Ah.. Eh.. Kasi... Naiwan mo ito sa cabin sa baba." Sabay abot niya ng cp ni Whimper.
Noon lang natauhan si Whimper. Dahan-dahan nitong kinuha sa kamay ni Lizzie ang cp. Titig na titig siya sa dalagita. "Salamat ha." Inaantay nito kung ano ang reaction niya.
"Aalis na kami. Tara na, Rave!" Yaya niya kay Rave na bumaba na sila sa floor ng aircon deck ng barko. Mukhang wala namang sasabihin pa si Whimper.
"Alis na kami." Paalam ni Rave sa mga ito. At tinalikuran na niya ang dalawa habang nakasunod sa kanya si Rave. Hindi naman na humabol si Whimper. Si Sam ay parang tuod na naka-tayo pa din doon.
At nang nasa labas na sila ng aircon cabin, hindi na niya napigilan ang mapangal-ngal. 'Ang kapal at nagyayakapan pa talaga!' Bulong ng black angel niya.
"Sshhhh... Mahal mo pa siya, ano?" bulong ni Rave habang hinihimas ang likod niya para hindi siya umiyak pa.
"Lizzie!" Napatigil siya sa pagiyak ng marinig ang pagtawag ni Whimer sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang mga luha, habang nakaharap pa din sa nakayakap na si Rave.
"Bakit?" Tanong niya na hindi lumilingon. Kahit naman napunasan na niya ang luha, tiyak na naabutan nito ang pagiyak niya.
"P-pwede ba tayong mag-usap?" Nauutal pang tanong nito. At dahil hindi siya naharap, ito mismo ang humila sa siko niya para mapatingin siya rito.
Nagbaba siya ng tingin, hindi niya kayang tumingin sa mga mata nito. Baka mabasang nasasaktan siya.
Pero itinaas ni Whimper ang baba niya. Nagtama tuloy ang paningin nila!
Dug..
Dug..
Hala! Kakanta ata ang white angel sa utak niya, kaya kailangan nila ng tambol sa puso niya.
"Can we talk?" Sabi nito na titig na titig sa kanya. Titig na madalas magpakilig sa kanya.
Dug..
Dug..
Grabe talaga siyang kiligin kapag ganito kalapit si Whimper!
"Aalis na muna ako." Paalam ni Rave.
Papasok na sana ito sa aircon ng kumawala siya sa titigan nila ni Whimper. Tumalikod na siya at hinila agad ang braso ni Rave. "Sasama na ako." Sabi niyang nakatingin sa mga mata ni Rave.
"Teka, Lizzie." Pigil ni Whimper. Hinila pa nito ang siko niya. Napalingon tuloy dito.
"Next time na lang, Whimper. Next time!" At tinalikuran na niya si Whimper at sumunod sa nagbubukas ng pintong si Rave.
Napatungo na lamang si Whimper. Iniwan ito ni Lizzie. "Kailan ang next time na sinasabi mo? Dadating pa ba talaga ang next time para sa ating dalawa?" Pagkausap nito sa hangin na parang nawawalan na ng pag-asa.
______________________________
A/N:
VOTE & COMMENT please.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...