Chasing 54

2.3K 74 6
                                    

A/N:

Thank you sa mga votes at comments nina: @rubiamy34, @czarmin, at @BheybichingCanales, @my_mich05!


VOTE. COMMENT. FOLLOW. SHARE.

____________________________________________


CHASING 54


PAUBAYA


Nagpasundo na lang si Lizzie sa driver nila noong medyo palubog na ang araw. Kinutsyaba niya ang kanilang driver at mga maids na kunyari ay sumama ang kanyang pakiramdam kahapon kaya umuwi siya ng maaga. Pero ang totoo, never in her entire life na naging ganito siya kasaya. Ang ganda-ganda ng pakiramdam niya.

Nagkalinawan na sila ni Whimper tungkol sa mga bagay-bagay. Ang madalas pala niyang nakikitang pag-uusap nito at ni Sam ay dahil sa pilit na pinapaintindi dito ng binatilyo na humanap na ng iba. Wala talagang maasahan si Sam sa kanya. Dahil mula noon, hanggang ngayon, si Lizzie pa din ang mahal nito. Sa kanya lang tumitibok ang puso nito.


"Bakit parang masaya ka?" Usisa sa kanya ng kanyang Ate Menchie ng papasok na sila ng school.


Ngiting-ngiti naman si Lizzie na bumaling sa kanyang Ate. Binabasa kasi niya ang text message ni Whimper.


**


From: Whimper


See you sa school. I can't wait to be with you again.

<3 u!


**


"Wala, Ate." Sagot niya sa nagkatatandang kapatid.


Bababa na sana siya ng kotse ng pigilan siya ni Menchie. Nagtatakang tiningnan niya tuloy ito. "May nangyari bang maganda?" Kulit pa nito sa kanya.


At dahil close naman silang magkapatid kaya naisip niyang umamin na din dito. "May boyfriend na ako ulit, Ate." Masayang sabi niya.


"Ha? Sino?" Nakangiting tanong nito.


Napakagat-labi si Lizzie. Hindi niya alam kung matutuwa ba ang kanyang kapatid kapag nalaman nito kung sino ang kanyang tinutukoy.


"S-si Whimper pa rin, Ate." Medyo kinakabahang sagot niya. Alam kasi niyang medyo inis parin ang kanyang Ate kay Whimper.


"Si Whimper? Bakit? Sana iba na lang." Medyo disappointed na tanong nito.


Hinawakan niya ang palad ng kanyang kapatid. "Mahal ko talaga siya eh. Saka nagkalinawan na kami." Sagot niya kay Menchie.


Napabuga ng hangin si Menchie. "Ok. I trust you, Sis. Kung anong tingin mong tama, susuportahan kita. Kung sinong mahal mo, mahal ko na din." Nakangiti na muling sagot ni Menchie.


Bigla naman nagbago ang mood ni Lizzie. "Anong kung sinong mahal ko, mahal mo na din, Ate? Wahhh! Akin lang si Whimper ah!" Parang batang maktol niya. Sa inis niya ay bumaba na siya ng kotse. Kanina pa rin kasi sila dito sa parking lot.

Natatawang bumaba na din si Menchie para sundan siya. "Ui." Tawag nito sa kanya pero hindi niya pinansin.

"Ui. Ano ka ba? Oo na. Alam ko namang sa iyo lang si Whimper. Ibig ko sabihin, mahal kita dahil kapatid kita. Kaya kung sinong mahal mo, love ko na din bilang kapatid. Selosa naman nito!" Naiinis na sabi ng kanyang Ate ng maabutan siya.


"Ganoon ba, Ate? Sorry! Akala ko type mo na din si Whimper ko eh." Nag-peace sign pa siya sa Ate niya.


"Selosa! Syempre, hindi noh!"

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon