Chasing 33

2.8K 73 5
                                    


A/N:

May pasabog ako next chappy. Nakaready na. Pero VOTE AT COMMENT muna kayo.. Thank you sa votes at comments nina: @my_mich05, @BheybichingCanales, at czarmin. Thank you po.

Hit vote and comment please?

___________________________________________


CHASING 33

MR. & MS. INTRAMS

Malapit na silang mag-uwian ng pumunta sa booth ng 3rd year ang adviser nila. Listong nagsipagtayuan ang mga batchmates ni Lizzie na naka-assign sa dedication booth. Dedication booth ang naka toka sa first at second section. Finger foods naman sa 3rd and 4th section. At intrams souvenir sa 5th, 6th, at last section ng 3rd year.


"Children, may problema tayo." Bungad ni Sir Karl sa kanila.


"Ano po, Sir?" Tanong agad ni Tristan. Siya kasi ang president ng section nina Lizzie. Ang first section.

Si Lizzie naman ay abala sa pagbibilang ng kita ng booth at katulong si Onic. Si Onic kasi ang treasurer ng second section. Habang si Nina at Sam ay inililigpit na ang mga cds na ginamit. Si Paolo at Whimper ay katulong sina Cheenie at iba pang kaklase nila sa pag-liligpit ng sound system at mga wires.


Huminto naman ang lahat sa ginagawa para makinig kay Sir Karl. Nagsi-upuan sila sa mga monoblock chairs para mapakinggan ito ng mabuti.


"Kasi nagkasakit si Steven at walang papalit na representative ng 3rd year mamaya sa Intrams Night." Namomoroblemang paliwanag nito. Si Steven ang batchmate nilang ubod ng gwapo at bait. Pero ang problema, walang laman ang ulo nito.

"Si Eric na lang, Sir." Suggestion ng kaibigan nitong si Paolo. Si Eric na dating manliligaw ni Lizzie. May itsura ito, pero ubod ng presko. At isa pa, medyo slow poke din ito!

"Huwag iyon. Dapat iyong gwapo talaga!" Comment ni Nina sabay irap kay Paolo. Simula noong magsayaw ang dalawa sa P.E. ay hindi na ito magkasundo.

"Sir, si Paolo na lang kaya?" Nakangising suggestion ni Onic. Si Paolo kasi ay matangkad, makinis, at magandang magdala ng damit. May dating pero walang appeal.


Hindi naman nakikisali si Lizzie. Abala ito sa pagtetext sa driver nila na sunduin na sila ni Ate niya. Habang sina Whimper naman ay nakikinig lang.

"Onic, gwapo at matalino. Kung hindi man sobrang gwapo, dapat matalino. Kung hindi naman matalino, at least, sobrang gwapo. Hindi pwedeng gwapo kasi sabi ng Nanay niya." Sabi ni Nina na umirap pa kay Paolo.


"Aisshh! Ganda mo eh no?" Inis na bara din ni Paolo.

"Oh mag-aaway pa? Sino nga ang isasali natin? Nagpunta na ako sa ibang teachers ng 3rd year, wala silang mai-suggest sa klase nila." Problemado pa rin si Sir Karl.

"Si Onic na lang." Suggestion ng mga babae sa likod. Napalingon naman si Lizzie at pigil ang matawa. Si Onic kasi iyong tipong walang interes sa ganyan.


"Ayoko! Ayoko po!" Sunod-sunod ang tanggi ni Onic.

"Children, sino?" si Sir.

"Si Whimper.." Mahinang sabi ni Lizzie na seryoso pero hindi nakatingin sa kanila. Abala kasi sa pagtetext kay Menchie kung uwian na rin ba ang Ate niya.


Natigilan si Whimper at kumunot ang noo. Hindi niya akalaing sasabihin ni Lizzie ang pangalan niya. Wala siyang interes sa mga ganyang bagay.


"Oo, Sir. Si Whimper na lang." Sang-ayon ni Sam.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon