A/N:
First of all, I would like to say "HAPPY BIRTHDAY, KARL RICHMELL HERNANDEZ!" God bless you! Mwuahh..
Malapit na pong matapos ang THE CHASE. Please read my other stories:
* ONE HELLO - R-rated
* LUSTFUL DESIRES - R-rated
* INNOCENT LOVE <3 - PG-13
* MY DEAD HEART (I.L.-Part 2) - PG-13
* I LOVE YOU, JUSTINE CHOI! - PG-13
* FALLING FOR MISS PERFECT -PG-13
Salamat din po sa walang sawang nagvote at nagleave ng comments. Please like my facebook page, ANGELMELAY WATTPAD.
Continue giving your comments & votes. Tulungan din po ninyo akong magplug ng story na ito sa mga friends ninyo.
________________________________________________
CHASING 51
THE CHASE
"Magandang gabi po! Anong meroon?" Gulat na gulat na tanong ni Sam.
Pero kung nagulat si Sam ay mas nagulat sina Lizzie. "Paano ka nakapasok?" Ang hindi napigilang tanong ni Aling Ne. Bigla na lang kasi itong pumasok ng bahay, ni hindi nga nila narinig na kumatok ito. At katulad ng mga anak niya, hindi niya kasi masyado ring gusto ang dalagitang si Samantha.
Umupo ito sa tabi ni Whimper, na katapat ng kay Lizzie, kahit walang nagpapaupo dito. "Nakabukas po kasi ang gate." Paliwanag nito kay Aling Ne.
Napailing-iling na lang si Aling Ne sa inasal ni Sam. Hindi man nito gusto ito, hindi naman nitp kayang bastusin. Kaya mas minabuti pa ni Mrs. Becher na hindi na umimik.
"Anong ginagawa mo dito, Lizzie? Bakit ang daming pagkain? Pakain ha?" Sabay kuha ni Sam ng plato. Ang lahat ay nakatingin lang sa kanya. Masyado kasing feel at home ang dalagita.
"Inimbita ako ni Dave. Birthday kasi ng kambal." Sagot ni Lizzie at pilit na ngumiti. Kung hindi lang niya naalala ang usapan nila ni Whimper, malamang inirapan na niya ito. FC na FC sa Pamilya Becher kasi. Nakuha pa nitong tanungin siya kung bakit siya naandito? Samantalang, halata sa mga kaharap niya na nagulat sila sa biglang pagpasok nito sa bahay.
"Wow! Sarap!" Papuri pa ni Sam habang nilalantakan ang mga pagkain. Ang lahat ay nakatingin pa rin dito. Ang mga itsura ay hindi makapaniwala sa pinaggagawa nito.
"Ehem.." Tumikhim si Aling Ne kaya nakuha niya naman ang attention ng lahat. "Nagseselos ka ba kay Lizzie, Whimper?" Ulit nito sa tanong bago biglang pumasok ang intruder na si Sam.
"NAGSESELOS KA??" Napanganga pa si Sam ng marinig ang tanong ni Aling Ne. Nabitawan nito ang kutsara at tinidor dahil sa narinig.
Pulang-pula tuloy sa hiya si Whimper. Si Lizzie naman at ang iba ay matamang nag-aantay ng sagot nito.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction"Hinahabol ko siya, hinahabol mo ako, sinong humahabol sa iyo? Nobody! Mahal ko siya, mahal mo ako, sinong nagmamahal sa iyo? Meroon ba?" Ito po ay kwento nang pagmamahalan na walang kasiguruhan. Isang Nerd (Myungsoo) na umibig sa isang Miss Perfect...