Third Person's POV
"This is it couz" ani Zyrus sa pinsan nito sabay halakhak. Umismid naman dito ang pinsan nya at inirapan sya kaya lalo itong natawa.
"Shut up Zy!" Iritang sabi nito sa pinsan nya.
"Why? Hahaha still affected?" Nakangising sabi ni Zyrus dito, tumayo na ito sa pagkakaupo at umiiling na umalis sa harap ni Zyrus. Pumunta itong closet nya at naghanap pa ng pwedeng madalang gamit.
"You are going back to Philippines couz kaya hindi imposibleng magkita ulit kayo ng totga mo, maliit ang mundo ika nga" hirit pa ni Zyrus at kinuha ang juice na nasa ibabaw ng lamesita sa harap nya at ininom habang nakapatong ang dalawang paa sa lamesa.
Matalim sya nitong tinignan. "She's not my totga" malamig nitong sabi sa pinsan nyang prenteng nakaupo.
"Ay oo nga pala, ikaw pala ang totga nya" aniya sabay halakhak, wala na syang nagawa kundi umiling sa pinsan nyang trip sya ngayong asarin.
"Oh come on Tyron, admit it.. you're still inlove with her" nakangising sabi ni Zyrus dito pero hindi ito sumagot at nakaigting lang ang panga nito.
"I am not" matigas nitong sabi sa pinsan nya pero nagkibit balikat lang ito sakanya.
"Say what you want Tyron pero kung sa bagay....may Irish ka na kaya wala ng George sa buhay mo tama ba?" Nilingon ni Tyron si Zyrus na hindi matanggal ang pagkakangisi at nakaunan ang mga kamay nito sa kanyang batok.
"Tss, put down your foot man!" Sita nya dito pero parang wala itong narinig at mataman lang nakatitig sa kanya.
"Here we are again, changing the topic, by the way where's Irish ?"
"On the way na daw" sabi ni Tyron sabay tingin sa kanyang relo.
"Di mo sinundo?"
"She insisted"
Napatingin sya sa pinsan nya ng bigla itong tumahimik at mukhang may malalim na iniisip.
"Bro, naisip mo rin bang baka may bago na sya? Or worse baka kasal na sya" natigil sya sa pagkalkal ng gamit at seryosong nilingon si Zyrus.
"I don't care" malamig nitong sabi at walang bakas na kahit anong emosyon kaya hindi mabasa ng pinsan nyang si Zyrus ang nasa isip nito.
"You say so.. but what if mahal ka pa rin nya?" Napabuntong hininga si Tyron sa tanong ng pinsan nya, hindi nya maisip kung bakit ba sinasagot nya pa ang mga tanong nito.
"That's impossible"
"Pero bro, seryosong tanong..." ani Zyrus kaya nilingon sya ni Tyron.
"Anong gagawin mo kapag nagkita kayo? Yung biglaan.. yung hindi pinalano?" Tanong ni Zyrus at naghihintay ng matinong sagot dito pero..
"I won't let that happen Zyrus... believe me" malamig nyang sabi kaya napakunot ang noo nya.
"What do you mean?"
"Nakaplano na ang lahat bago pa man ako umuwi ng Pilipinas"
"Really?" Tanong nya sabay himas sa kanyang baba habang nakangisi.
"Yeah"
"What's your plan?" Tanong pa nya pero hindi na sya sinagot pa ni Tyron.
"Wew, It'll gonna be exciting, I wanna meet her" aniya sabay tawa at hindi matanggal tanggal ang ngisi sa kanyang labi.
All rights reserved 2016.
-eila<3
~ Georgina here. The Queen is back. Ganda nyaaaaaa!
Fafa Tyron also here.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomansPart 2 of She's The Queen. Please do read the first book