Chapter 30. Back to Reality

56 2 0
                                    

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahalik sa buong mukha ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sakin ang napakagwapo nyang mukha habang nakangiti.

"Breakfast is ready" he said in a husky voice. Napangiti ako at kinusot ang mga mata ko. Ikinawit ko ang mga kamay ko sa leeg nya. He chuckled.

"Wake up my Queen" bulong nito sa tenga ko. Nanaas ang mga balahibo ko dahil doon. Inaantok na tumango ako.

"Higa muna a--- napatili ako ng bigla nya akong buhatin. Tawang tawa ito habang naglalakad papuntang kusina.

"Tyron ibaba mo ako" sabi ko dito pero parang wala itong narinig at dire diretsong naglalakad habang nakangiti. Napanguso ako. Haay...bakit ang gwapo nya? Sana ganito nalang habangbuhay.

Inilapag nya ako sa isang upuan na may nakahanda ng mga pagkain. Napangiti ako dahil sya lahat ang nagluto nito at mukhang masasarap.

"I like seeing your smile when it comes to my cook" nakangiting sabi nito. Tinignan ko sya habang hindi maalis alis sa mukha ko ang ngiti ko.

"Because I love your cooking skills. I wish I can cook like yours" sabi ko sabay tusok ng tinidor sa bacon.

"Masarap ka din naman magluto ah" sabi nito habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

"Pero mas masarap pa rin yung sayo" sabi ko habang ngumunguya. Napahinto sya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko at tumingin sakin. He grinned.

"Mas masarap talaga to" sabi nito sabay halakhak. Halos masamid ako dahil doon at pakiramdam ko namumula ang mukha ko. What a pervert boyfriend.

"Tss" he just winked at me at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sa totoo lang ayoko ng kanin sa umaga pero ang isang ito ay hindi din daw kakain hangga't hindi ako kakain ng kanin. Mautak din ang isang to pero....damn, tataba ako nito!

"I know what you're thinking" aniya sabay sulyap sakin. I made face at him.

"Eh tignan mo kasi yang plato ko. Parang bibitayin nako mamaya" nanghahabang ngusong sabi ko. Ngumiti sya sakin ng pagkatamis tamis. Oh, that smile again. Ugh! I hate that smile. Nanlalambot ang tuhod ko.

"Hmp! Kainis ka" sabi ko dito na lalong ikinangiti nito. Sa tuwing ngingiti kasi sya ng ganun ay alam nyang hindi ko sya matitiis. Madaya.

Nagsimula kaming kumain dalawa. Minsan sinusubuan nya ako at ganun rin ako, para kaming mga teenager kaya natatawa ako. Well, hindi naman namin kasi ito naranasan noon. Hindi nabigyan ng chance kaya bumabawi ngayon.

"Anong gagawin mo ngayong araw?" Tanong nito sabay tingin sakin. Speaking of...

"Uhm..." ibinaba ko ang hawak kong kutsara at saka uminom bago sya sinagot.

"Tyron..."

"Hmm?" Tinitigan ko syang mabuti. Pangatlong araw na namin ito dito sa lugar nya simula noong gabing birthday nya at sa nagdaang dalawang araw ay wala kaming ginawa kundi sulitin ang isa't isa.

"Pangatlong araw na natin ito..."

"Then?" Aniya sabay inom ng tubig at tinitigan ako. Napalunok ako at itinuon ang atensyon sa pagkain ko.

"We should go back" sabi ko ng hindi tumitingin dito. Sa totoo lang...ayaw nya pang bumalik at kahit ako din naman. Kung pwede lang na dito nalang kami ay walang problema basta kasama ko sya pero....may mga naiwan kami doon at mga responsibilidad.

Nag angat ako ng tingin dahil hindi ito sumagot. Naabutan ko syang nakatitig sakin ng seryoso.

"Gusto mo na ba? Ayaw mo na dito?"

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon