Chapter 39

35 0 0
                                    

"Sorry Nats. Hindi ko alam kung paano nya nalaman"

"It's okay Zy"

"Papaalisin ko na sya--

"No. Kakausapin ko sya" napahinto sya dahil sa sinabi ko.

"Are you sure?" Tanong nito. Tipid lamang akong tumango dito.

"Alright. Sunod ka nalang" aniya sabay alis. Napabuntong hininga ako at saka naglakad sa kama ko at naupo doon. Sinuklay ko ng daliri ko ang buhok ko at napahawak sa noo ko. Damn. Ang sama ng pakiramdam ko.

Tumayo nako at nag ayos ng sarili saka nagpalit ng damit at sumunod sa baba. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdanan ay rinig na rinig ko na ang boses nung dalawa na nagtatalo.

"You punk! How dare you to keep her in your house huh?!" Rinig kong sigaw ni Tyron.

"Just say thank you my dear cousin. Anong gusto mo kila Terrence sya?" Nanunuyang sabi ni Zyrus. Hindi ko alam ang nangyayari pero malakas na halakhak lang ni Zyrus ang sunod kong narinig.

"Gago ka talaga Sandler"

"Mas gago ka sakin Tyron"

Nagpatuloy nako sa pagbaba bago pa magpatayan yung dalawa. Pagbaba ko ay napahinto sa pagbabangayan yung dalawa at parehas silang napatingin sakin. Mabilis na lumapit sakin si Zyrus at saka kumapit sa braso ko. Mabilis namang dumapo doon ang mga mata ni Tyron.

"Nats inaaway ako ni Tyron. Walang utang na loob talaga ang isang yan. Hayy.. hindi ko talaga alam kung bakit kadugo ko yan" bulong nito sakin habang nakatingin kay Tyron na rinig na rinig naman nito. Nag igting ang panga nito at matalim na tinignan si Zyrus at sa kamay nitong nakahawak sa braso ko.

"Anong tinitingin tingin mo dyan Tyron? Inggit ka? Manigas ka dyan" pang asar na sabi ni Zy sabay tawa pero napatigil sya at mabilis na nagtago sa likod ko ng akmang susugudin ito ni Tyron.

"Damn you Sandler" nakaigting pangang sabi ni Tyron.

"Hep! You're in my teritory. So, don't say bad words. Kundi... you're--- Nats oh si Tyron! Ang sama makatingin sakin oh. Nakuu kung ako sayo hindi ko sya kakausa--

"What the?! Damn it Sandler!" Sigaw ni Tyron dito. Halakhak lang ang isinagot nito.

"Makaalis na nga. Nagiging si Hulk na ang kulugo kong pinsan eh. Ang panget pa naman" sabi nito sabay tingin sakin.

"Nats..just call me If he'll harass you okay? And I'll punch him on his face so hard and kick his ass outta here-- naputol ang sasabihin nito ng humakbang palapit si Tyron kaya mabilis itong lumayo habang tumatawa.

"Nats call me okay? And you Tyron! I'm watching you" aniya at may pagturo pa sa mga mata nito. Lumayo itong tumatawa habang nakalagay ang dalawang kamay sa batok nito. Pasaway talaga. Tuwang tuwa sya laging inaasar ang pinsan nya.

Pag alis ni Zyrus ay nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi ako gumagalaw at nanatili lang ako sa kinatatayuan ko na dalawang dipa ang layo kay Tyron.

"George.." tawag nito. Hindi ko sya pinansin at nanatiling nakatingin sa ibang direksyon.

"Baby.." muling tawag nito at hakbang nya ang sunod kong narinig.

"George.." akmang hahawakan nya ako pero pinigilan ko sya. Natigilan sya at dahan dahang ibinaba ang kamay nito habang nakatitig sakin.

"What are you doing here? Pano mo nalamang nandito ako?" Walang emosyong tanong ko dito.

"It's not important. I'm so worried about you. Hinanap kita kahit saan, kahit sa bahay ng daddy mo"

"Para saan pa? Ikakasal ka na Tyron" malamig kong sabi. Natahimik sya sa sinabi ko at ilang segundo akong tinitigan. Sakit at lungkot ang bumabakas sa mga mata nito.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon