Chapter 9. Choices

72 2 0
                                    

"Ma'am Nathalie, nasa linya po ang daddy nyo" tawag sakin ng isa sa empleyado ko kaya agad kong inangat ang telepono ko.

"Dad" bungad ko dito habang nakaharap sa laptop ko.

"How's my princess?" Tanong nya kaya napangiti ako.

"I'm fine, ikaw?"

"Ayos lang din, nasa office ka pala?" Tanong nya, sumandal ako sa swivel chair ko at saka pumikit.

"Yeah, madami akong kailangang pirmahan na eh" sabi ko sabay tingin sa mga papeles na nasa ibabaw ng table ko.

"Alright, take care at wag papalipas ng gutom okay? Kinamusta lang kita, my date kami ng tita mo ngayon" aniya sabay tawa kaya napangiti ako.

"How about Jack?" I asked.

"Ayun, suhol" sabi nya sabay tawa kaya natawa din ako.

"Sweetheart we gotta go"

"Sige dad, enjoy kayo. Ikamusta mo nalang ako kay tita"

"Sure sweetheart. Bye" pagkababa ng telepono ay sya namang ring ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Si Sabrina.

"Hello Sab?" Sagot ko.

"Hey Georgy, asan ka?" Masayang tanong nya.

"Office, why?" Sabi ko at saka tumunghay ulit sa ginagawa ko sa laptop ko.

"Come here at JangShen" natigilan ako sa sinabi nya at napabuntong hininga. Sa totoo lang balak ko sanang magmukmok sa condo ko ngayong araw kaso lang naisip lo ang gawin dito sa office kaya pumunta nalang ako dito kesa magmukmok doon tapos eto namang si Sab....

"I don't want to" mahina kong sabi. Rinig ko ang pagbuntong hininga nya at ingay nung apat. Maya maya ay biglang tumahimik ang paligid nya kaya alam kong lumayo sya doon.

"Please? This is our big day" napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"We're gonna sign the contract" tili nya kaya nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko. I am so happy for them, finally.

"Really? That's good" nakangiti kong sabi.

"Aish! Pumunta ka dito, gusto namin andito ka mamaya" aniya at kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong nakanguso sya.

"I'm busy--

"Oh come on, alam kong iniiwasan mo sya" putol nya sakin. Napasandal ulit ako sa swivel chair ko at umikot para humarap sa malaking glass window ko.

"I don't know what you are--

"Zyrus told me George kaya wag ka ng magkaila dyan. No secrets diba?" Ramdam ko ang pagtatampo nya kaya napabuga ako ng hangin. Tsk, tsismoso yung lalaking yun ah.

"Sab look, hindi ko sya iniiwasan--

"Eh ano pala? Yan lang ang gagawin mo pagkatapos ng tatlong taon? Susuko ka agad? Hayys.. hindi pa naman yan ang inaasahan ko sayo, kala ko pa naman mas strong ka na ngayon kesa noon" nakaramdam ako ng kirot sa sinabi ni Sab, may punto naman sya eh.

Ugh! This is frustrating.

Napapikit ako at napahawak sa bridge ng ilong ko.

"Alright, i'll be there, what time?" sabi ko. Narinig ko ang tili nya.

"Ugh! Sabrina don't yell!" I hissed but she just laugh so loud.

"Sarreh, 3pm hintayin ka namin. Wag mo nalang munang pansinin si Tyron ngayon, pahard to get lang yun" natatawang sabi nya.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon