Chapter 8. Sorry

95 3 0
                                    

Nandito kaming tatlo sa isang resto para kumain dahil nagugutom na si Sammy. Tumitingin samin yung iba at napagkakamalan atang isang pamilya kami, kulang nalang ay mabali ang mga leeg ng ibang babae dito kay Zyrus. Napailing ako.

"Hey Nats, what's up?" Untag sakin ni Zyrus dahil nakatulala lang ako sa plato ko. Si Sammy ay busy sa pagkain sa tabi ko. Nilingon ko si Zyrus.

"Hmm?" Tugon ko. Tumawa sya at umiiling.

"Don't think him too much. You look horrible. Eat first" aniya habang naiiling sakin, ngumuso lang ako at saka tinignan ulit ang plato ko.

Hindi ko maiwasan! Hindi ko maialis sa isip ko ang pagkikita ulit namin kanina, as in face to face at sobrang lapit at higit sa lahat eye to eye contact! Damn it! It sent shivers down to my spine.

"Ang sungit ni Tyron" wala sa sariling sabi ko. Narinig kong humalakhak ng malakas si Zyrus kaya nag angat ako ng tingin dito.

"I think... he thought Sammy is your daughter. That's why" natatawa nyang sabi.

Oh crap! Naalala ko kanina kung paano sya tumingin sakin nung tumakbo si Sammy sakin. At kung paano nya sabihing hindi ko binabantayan ng ayos si Sammy! Oh great Georgina! Ngayon ang akala nya ay may anak na ako! At sino namang iniisip nyang magiging ama ng anak ko?

"You think it's a bad thing?" Nag aalangan kong tanong dito. Tinusok nya yung karne at isinubo bago ako sinagot.

"Yeah, kaya kung ako sayo simulan mo na ang operation mo, dahil kung ako yun at ang nasa isip ko ay pamilyadong tao na ang babaeng mahal ko noon, I probably give a distance" tatango tango nyang sabi, hindi ko alam kung tinatakot nya lang ako para gumawa agad ng hakbang o talagang concern lang talaga sya. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Mukhang kailangan ko na ngang kumilos.

"Ninang juice!" Inilalayan ko si Sammy uminom at pinunasan ang bibig nya pagkatapos.

"Cute" rinig kong sabi ni Zyrus.

"Want more?" Tanong ko dito. Umiling naman sya at nagpatuloy ulit sa pagkain. Good thing dahil marunong sya kumain mag isa at hindi na kailangang subuan.

"You think?" Tanong ko kay Zyrus. Seryoso naman syang tumango. Kinagat kagat ko ang labi ko at nag dedecide. Tumitig naman sya sakin.

"But... paano si Irish?" Nag aalangan ko pang tanong. Ibinaba nya ang kubyertos nya at matamang tumingin sakin.

"Bakit mo iisipin si Irish?" Nakakunot noong tanong nya.

"Bakit naman hindi diba? She's always with him. I don't know what's the real score between them but it seems that she's special at.... masyado syang mabait, nakakaguilty" nanlulumo kong sabi. Totoo naman yun, masyadong mabait sakin si Irish kaya nakakaguilty pero kung katulad sya ni Patricia noon ay hindi ako magdadalawang isip. Sumandal sya sa inuupuan nya at humalukipkip sakin.

"So... You're going to back out? Isusuko mo si Tyron sa kanya? Ikaw na rin ang nagsabi, hindi mo alam kung ano sila diba?" Nakataas ang kilay nya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko kayang basta nalang isuko si Tyron pero parang ang hirap saktan ni Irish.

"Sa oras na magmahal ka dapat ihanda mo din ang sarili mo sa consequences nito kaya alam kong alam ni Irish yun at alam mo rin yun. Pwera nalang kung handa kang magparaya para hindi sya masaktan?" He raised his eyebrow. Natahimik ako sa sinabi nya, he has a point. Ugh! No way! No freaking way! 3 years akong naghintay at nasaktan! Hindi pwedeng mauwi sa wala!

I'm sorry Irish pero mahal ko rin si Tyron.

"Alright" sagot ko at sinalubong ang tingin nya. Bumuntong hininga sya at tumuon sa lamesa.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon