Chapter 35. Missed you

71 1 1
                                    

Warning: SPG!

Here's my update.

.....

It's been two weeks. Simula noong pag uusap namin ni Terrence at simula noon ay hindi na rin kami masyadong nagkikita ni Tyron although we're always calling each other but other than that ay wala na. Sa loob ata ng isang linggo ay isang beses na lang nya ako madalaw. Sobrang busy nya siguro ngayon kaya hindi na rin ako nagtatangkang puntahan sya kasi sabi nya hintayin nya daw na ako ang puntahan nya. Pero damn! I missed him so much! Hindi ko pa ulit sya nakikita. I wanna hug him and kiss him.

Kakatawag lang sakin ni Sab. Nag aaya sya ng inom dahil magbabar daw sila mamaya kasama ng banda kaya pumayag ako. Total ay wala akong ginagawa at naboboring na talaga ako ay sumama ako. Inaya ko rin si Zyrus at bute nalang free sya. Isa din yun, nakakamiss din ang taong yun.

Mabilis kong tinapos ang trabaho ko at mabilis na sumunod sa bar nila Bryan. Dumating ako doon ay alas otso na at andun na ang banda maliban kay Zyrus. Ngumiti agad ako ng makita ko sila at kumaway. Pagdating ko ng table ay agad akong nakipagbeso sa kanila at umupo.

"George! Damn we missed you, hindi ka dumadalaw sa JangShen" sabi agad sakin ni Dan pag upo ko.

"Sorry. Busy eh" sabi ko sabay ngisi at peace sign.

"Baka busy kay Boss" sabi naman ni Patrick sabay halakhak at nag apir sila ni Dan. Nakakamiss talaga sila.

"Wala ka ng bashers?" Tanong skain ni Sab sabay abot sakin ng isang baso ng alak. Tinanggap ko yun at nilaro.

"Hmm.. wala na? Tahimik naman na ang buhay ko and... ano naman kung may mga bashers ako?"

"Nice! Yan gusto ko sayo George eh. Palaban!" Natatawang sabi ni Dan.

"Basta magsabi ka lang kung may nang aaway sayo ha. Andito kami, nakikita mo yang mga gitara nila? Ipupukpok ko yan sa ulo nila" nagtawanan kami sa sinabi ni Sab. Brutal talaga ang babaeng to kahit kelan.

"Masama pa lang magdala ng gitara dude. Makakapatay si Sab, kawawa naman ang gitara ko. Mahal to noh!" Reklamo ni Dan dito. Nakatikim naman sya ng pikot kay Sab.

"Ah ganun? Mas importante pa yang gitara mo? Eh kung sa ulo mo kaya ko ipukpok yan?"

"Awts. Grabe naman si manager. Ang brutal talaga, kawawa naman si Bryan" sabi naman ni Patrick. Nagtawanan na naman sila at patuloy na inaasar si Sab. Napalingon ako sa katabi kong si Tristan. Masyado syang tahimik eh.

"Kamusta?" Tanong ko dito. He looked at me then smiled.

"Eto gwapo pa rin" napaismid ako dahil sa sinabi nya na sya namang ikinatawa nito.

"Ayos lang naman kami. Masyado ng busy sa nalalapit na concert kaya ginrab na namin ang chance nato para magliwaliw" aniya.

"Speaking of concert. Shet! Mga dude, kinakabahan ako. It's our firts time and excited din ako" singit ni Dan sabay inom ng alak at tuwang tuwa.

"Same here. I'm really excited" tugon naman ni Patrick.

"Wag kang mawawala George ah" sabi sakin ni Jack. Ngumiti ako dito.

"Oo naman. Kayo pa ba? Malakas kayo sakin eh"

"Nice! Cheers!" Angat ni Jack ng baso nya.

"Cheers!" Sabay sabay kaming uminom lahat.

"Oo nga pala. How's Tyron? Is he so busy?" Tanong ko sa kanila.

"Yup. Silang dalawa ni Irish" sagot ni Dan. Nakaramdam ako ng kirot pero mabilis kong isinantabi ang mga negative thoughts ko. No, I trust him. Kita ko ang senyas ni Sab dito.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon