Chapter 21. Pride

71 3 0
                                    

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Inaantok na kinapa ko yun sa katabi kong table at nakitang kay Sab galing ang missed call. Umupo ako at nasapo ang ulo ko. Ugh! Hang over tsk.

Bigla akong natulala at inalala ang mga nangyari kagabi, kahit lasing ako ay tanda ko pa rin lahat. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng kirot sa aking dibdib, muli kong naalala kung paano nya ako talikuran kagabi. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pait dahil doon, akala ko pwede pa rin kami.

Napabuntong hininga ako at saka tumayo na. Sinuklay ko ang buhok ko ng daliri ko at saka pumunta ng kusina para magkape. Para akong lantang gulay na naglalakad papunta doon, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap tanggap ang nangyari kagabi, hindi naman sa gusto kong matuloy yun pero... ang sakit lang na parang isang malaking kasalanan sa kanya kung natuloy yun.

Napabuntong hininga ako. Tanga ka rin kasi George, ano bang pumasok sa kokote mo at ginawa mo yun?

Tinutuktukan ko ang sarili ko habang naglalakad, pagdating ko ng kusina ay binuksan ko ang fridge ko at kinuha ang pitsel, nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Humilig ako sa sink habang iniinom ang malamig na tubig ng mapalingon ako sa gawing banyo ng bumukas ito.

Lumabas doon si Tyron na nakatapis lang ng towel at basa ang buhok nito habang tumutulo sa katawan nito. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin dito habang naipon na ang tubig sa loob ng bibig ko at maging ang paghinga ko ay natigil din.

Napakurap ako ng tinaasan nya ako ng kilay at humalukipkip sakin. Yung tubig sa loob ng bibig ko ay marahas kong nalunok kaya naman halos maubo ubo ako. Mabilis syang lumapit sakin pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan sya, nang makarecover ako sa ubo ay hinarap ko sya.

"A-anong....ginagawa mo dito?" Tanong ko dito. Nakatayo ito sa harap ko habang seryosong nakatingin sakin kaya hindi ko mapigilang mapatingin sa katawan nyang nakabalandra sa harap ko. Napatikhim ako at agad na nag iwas ng tingin doon.

"Kumain ka na, nagluto ako ng pananghalian" aniya sabay talikod sakin pero bago sya makalabas ng pinto ay nagsalita ako.

"T-teka--

"May hot chocolate din dyan" sabi pa nito at saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang mawala ito sa aking paningin ay napabuga ako ng hangin at napasuklay sa aking buhok.

Wha...what is he doing here? Why is he still here? Akala ko....akala ko umalis na sya.

Mabilis akong pumunta ng banyo para tignan ang sarili ko, my goodness di pa ko naghihilamos! Bute nalang walang muta.

Bumalik ako sa kusina at umupo ako sa table at tinignan ang mga niluto nya. May pancakes doon, may egg, bacon at iba pang natural na pang pananghalian pero yung pancake nalang ang naisipan kong kainin at hot chocolate.

Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang matulala at maisip kung bakit andito pa sya. Akala ko talaga umalis na sya kagabi pagkatapos nung nangyari. Saan sya natulog? Sa sofa?

Napapitlag ako ng makitang nasa harap ko na pala sya at hinila ang upuan sa tapat ko para maupo doon. Yung kaninang mabagal kong pagkain ay parang mas lalong bumagal at hindi ako mapakali at makatingin dito kahit na ramdam na ramdam ko ang  malatagos butong tingin nito.

Damn! Nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko kagabi! Ugh! Ano ba kasing katangahan yun?

Nakita ko ang pagkuha nya rin ng pancake, tahimik lang ito na parang nakikiramdam sakin. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang dahil doon. Tahimik kaming kumain dalawa hanggang sa magsalita sya.

"How's your sleep? May hang over ka ba?" Tanong nito kaya nag angat ako ng tingin dito.

"Fine. Wala rin akong hang over" sabi ko at mabilis na yumuko para sumubo ng pancake. Pagkatapos noon ay muling tumahimik ang paligid, hindi nako nakatiis.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon