Chapter 7. Ang cold

65 2 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa tumutunog kong cellphone. Kinapa ko yun sa katabi kong table at nakitang unregister ang tumatawag. Kinusot ko ang mata ko at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Morning" bati nya habang natatawa. Napakunot ang noo ko at napaupo sa kama.

"Aw" daing ko dahil sa pagguhit ng hang over. Ugh! Damn!

Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya.

"Hang over? Inom pa" aniya sabay tawa. Napangiwi ako kahit hindi nya nakikita.

"Tss, tumawag ka ba para mambulabog? Ang sarap ng tulog ko alam mo ba yun?" Sabi ko sabay irap at nasapo ang ulo kong sumasakit. Alam ko ng si Zyrus to, sino pa ba ang makapal ang mukha ang kayang gumanito sakin.

"Tanghali na kaya este hapon pala" agad akong napatingin sa wall clock ko.

Shit! 12:30 pm na! Balak ko pa naman sanang pumunta ngayon sa office.

"Bat ka napatawag?" Tanong ko dito. Napatingin ako sa katawan ko at thanks God nakadamit pa rin ako na suot ko kagabi. Bumangon nako at pumunta sa kusina.

"Just reminding you" napakunot ang noo ko.

"About what?" Tanong ko. Uminom ako ng malamig na tubig.

"Nakalimutan mo agad?" Tatawa tawa nyang sabi.

"You want me to help you right?" Ay shit! Oo nga pala.

"Yeah, so what now?" Tamad kong tanong. Tumawa sya sa kabilang linya.

"Looks like you're not interested--

"Oh cut the crap Zyrus! Hindi ako magpapatulong kung hindi ako interesado" putol ko sa kanya. Tumawa na naman sya kaya napairap ako.

"Easy there Nathalie, so hotheaded" iniimagine ko ang pag iling nya.

"So what's your plan now?" Tanong ko.

"Meet me in JangShen, I'll wait you there" halos mabitawan ko ang basong hawak ko sa sinabi nya.

"W-what?! W-why?!" Naghehesterikal kong tanong. Rinig ko na naman ang tawa nya.

"Hihintayin kita dun. 3pm Nathalie" aniya at magrereklamo pa sana ako ng bigla nyang pinatay. Tinitigan ko nalang ang cellphone ko.

Bastos na Zyrus!

At ano namang gagawin namin sa JangShen and for Pete's sake andun si Tyron!

Ugh! Stupid George! Malamang nandun talaga si Tyron at kaya kayo pupunta dun ay dahil sa kanya! Dammit! Kinakabahan na agad ako. Nyemas!

I wonder how did he get my number. Nagkibit balikat nalang ako sa tanong ko. Napaisip ako sa mga nangyari kagabi, ang alam ko nakatulog ako bago makarating sa condo at hindi ko na alam kung pano ako nakarating sa unit ko at nakapasok dun. Siguro dahil sa kalasingan at antok kaya hindi ko na maalala? O baka naman binuhat ako ni Zyrus hanggang unit ko?

I don't know! But thanks to him.

Itinali ko ang buhok ko at nagpalit ng damit saka nagluto ng pananghalian ko. Nakaloose tshirt lang ako na puti at maliit na short na halos hindi na makita sa haba ng tshirt ko.

Nagsimula nakong kumain, pork steak ang niluto ko na maraming white onions at broccoli. This is my favorite.

Pagkatapos kong kumain ay nahiga muna ako sa kama ko total naman ay maaga pa. Nagbukas ako ng Facebook at agad hinanap si Tyron. Actually friends naman kami dati pero I'm not sure kung yun pa rin ba ang ginagamit nyang account. Ni-click ko yung profile nya at nagscroll pababa.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon