Chapter 11. Court him

63 2 7
                                    

Tanghali nako nagising kinaumagahan. Nanatili pa rin akong nakahiga habang nakatulala sa kisame, naalala ko na naman yung kagabi. Kinuha ko yung isang unan ko at niyakap yun.

Hinatid ako ni Zyrus kagabi dahil medyo lasing na ako. Umuwi rin agad kami pagkatapos nung away na naganap at ganun sila Tyron. Iniisip ko tuloy, magkasama kaya sila? Tabi ba sila matulog? Ugh!

Napalingon ako sa orasan at nakitang 10am na kaya bumangon nako at itinali ang buhok ko saka ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos nun ay nagsimula nakong magluto, habang nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ay naalala ko na naman ang naging pag uusap namin ni Tyron kagabi.

He's bitter. Kahit hindi nya aminin ay alam kong bitter sya, dahil kung hindi ay hindi ganun ang trato nya sakin. Hindi ako assuming, i'm just stating the fact.

Pinatay ko na ang stove ng matapos yun. Saglit akong napatitig sa niluto ko, nagfried nalang ako para mabilis.

Si Tyron malaki na ang pinagbago, matigas na ang puso nya dahil sakin. Base sa mga binitiwan nyang mga salita kagabi ay obvious na galit pa rin sya skain at nung time na nagsorry ako sakanya ay wala syang sinabing pinatawad na nya ako. Sinabi nya lang na it was already done, yun lang... kaya naman....

Mabilis akong nagsalang ng kaserola sa stove para magluto ng sinigang. Magluluto ako para sa kanya. Sana magustuhan nya at sana kainin nya. I will court him. Wala akong pakialam kahit ako yung babae ang mahalaga maipakita ko rin sa kanya yung efforts ko.

Nang matapos ako sa lahat ay agad akong pumunta ng JangShen. Ala una nako nakarating, sana hindi pa sya kumakain kasi sayang tong niluto ko.

Pag akyat ko sa office nya ay agad ko yung binuksan ng walang katok katok. Seryoso syang nakaupo sa swivel chair nya at nakatutok sa kanyang laptop ng mag angat sya ng tingin sakin. I was stunned. Damn! His gaze met mine and it sent shivers down to my spine.

"Hi" nakangiti kong bati. Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako. Tinignan ko ang paligid, bute wala si Irish.

"What are you doing here?" Malamig nyang tanong saka nagtuon ulit ng tingin sa laptop nya. Lumapit ako sa mesa nya.

"Hmm.. I brought some food for you" sabi ko pero hindi sya sumagot. Nanatili lang ako nakatayo dun bitbit yung pagkain.

Nag angat sya ng tingin sakin ng nakakunot ang noo. Halos lagutan ako ng hininga, damn! That perfect eyebrows kahit pa nakakunot! Ngumiti ako at itinaas ang kamay ko na may hawak nung paper bag.

Wala syang sinabi at yumuko ulit sa laptop nya. Napanguso ako at binaba na yung kamay kong nakataas.

"Have.... have you eaten already?"

"I already have for lunch" aniya ng hindi ako tinitignan. Napatingin ako sa paper bag na nasa ibabaw ng mesa nya. Ayun siguro yun at sigurado akong galing kay Irish yun.

"Uh... where's Irish?" Tanong ko.

"Shooting" tipid nyang sagot habang nakatutok pa rin sa laptop nya. Oo nga pala, model nga pala ang isang yun, ang swerte ko naman, masosolo ko sya.

"Sayang naman to, niluto ko to para sayo" sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng sinabi ko yun. Kailangan nyang kainin to, niluto ko to para sakanya eh.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng mag angat sya ng tingin sakin. Malamig ang titig nya sakin at diretsong nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako, shit!

"I said I already have" malamig nyang sabi.

"P-pwede namang kainin mo rin to. Kahit tikman mo lang, sayang kasi" nakagat ko ang labi ko dahil nanginginig ito.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon