Chapter 16. 10 ways

64 3 2
                                    

"Done?"

"Yeah"

"Baka naman may nakatago ka pang pict. ni Tyron" sabi ni Zyrus sa kabilang linya sabay tawa. Napairap ako.

"Wala na, kahit yung nasa kisame ko, kahit yung wallpaper ko sa laptop ko. Kahit yung ringtone ko sa phone ko pinalitan ko na"

"Whoah... hindi ko alam yun ah" aniya sabay halakhak. Bigla akong natauhan, pakiramdam ko ay napahiya ako sa sinabi ko.

"T-tseh! Kainis ka!" Nahihiyang sabi ko dito. Narinig ko na naman ang tawa nito.

"I'm sure your face is like a tomato now" hirit pa nya.

"Sige na, call you later may aasikasuhin lang ako"

"Sige"

"And oh! Paalala bawal mag inom" napangiti ako sa sinabi nya.

"Yeah, don't worry" matamlay kong sabi dito.

"Hey, cheer up. Naiimagine ko ang nakasimangot mong mukha" aniya sabay tawa ng marahan. Napanguso ako.

"Oo na, sige na bye"

"Bye"

Pagkababa ko ng phone ay napabuntong hininga ako. Nanghihinayang ako pero... kailangan ko ng alisin yung mga bagay na nagpapaalala sakanya. Nagmo-move on ika nga. Napaupo ako sa kama ko at natulala sa sahig. Ngayon ko lang narealize, nakakapagod din palang umiyak.

Humilata ako sa kama ko at nag isip isip. Naalala ko yung mga bilin kanina ni Zyrus.

1. Don't think about him

2. Throw all the things that will make you remember about him

3. Entertain other guys

4. Hang out with friends

5. Always think positive and make yourself busy

6. Ignore him when he's around

7. Don't talk to him if it's not necessary

8. Control your emotions

9. Delete his # number on your phone

10. DON'T LET HIM RUIN YOU

Natatawa ako sa last kasi parang sinasabi nya na ang meaning ng lahat ng sinabi nya hanggang #9 ay yung #10 ang resulta. Napailing ako, I wonder where did he get all those advices. His own version of how to forget the one you love and he said all those letters are capslock, that's why.

I already did the #2 and #9 at kahit papaano din naman ay hindi ko na sya masyadong naiisip. Hell yeah George.

Ugh! Nevermind.

Napatigil ako sa pag iisip ng biglang magring ang cellphone ko. Kinuha ko yun sa ibabaw ng table ko at kunot noong tinignan ang unknown number na tumatawag.

"Hello?"

"Hey" napakunot lalo ang noo ko ng marinig ko ang boses nya. Parang narinig ko na ang boses nya dati.

"Sino to?" Natinig ko ang bahagyang pagtawa nito. Shocks! What a husky voice, imposible namang si Tyron to.

Oopps! George the rule #1

"It's me... Terrence"

"Oh ...yeah I remember you. Uh.... how did you get my number?" Tanong ko. Narinig ko na naman ang pagtawa nito.

"You gave me a calling card" aniya. Napahiya ako sa sinabi nya. Napatampal ako sa noo ko, oo nga pala.

"Y-yeah... sorry" nahihiyang sabi ko.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon