Chapter 5. Why are you here?

68 1 0
                                    

I can't believe this! He's here. HE IS FINALLY HERE IN FRONT OF ME! After 3years nakita ko na ulit sya! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, halong saya at kaba pero iisa ang sigurado ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

Naputol ang pag iisip ko ng magsalita sya.

"You're 30 minutes late Miss Robertson" malamig nitong sabi habang blankong ang ekspresyon. Nanlamig ako sa sinabi nya at natameme dahil sa pagbanggit nya ng apelyido ko, humugot pa ko ng malalim na hininga at kinalma ang sarili ko bago nakapagsalita.

"S-so-sorry" damn! Nakakahiya mautal sa harap nya. Agad akong umupo katabi ni Sab at nanahimik doon. Ramdam ko ang titig nila sakin at alam ko ang mga titig nilang yun.

"So.. as I was saying, kapag naging mas maganda ang hatak nila sa tao ay hindi ako mag aatubiling bigyan kayo ng contract" nakikinig lang ako sa sinasabi nya at hindi ko mapigilan ang sarili kong sulyapan sya pero focus ang tingin nya kay Sab at sa iba.

Damn! Nandito na sya sa Pilipinas? Bakit hindi ko alam?! Kelan pa?! At bakit hindi ko alam na sya ang may ari nitong JangShen Records?! Sinadya nya ba to?

Oh! Don't be stupid George! Malamang hindi! He's obviously doing this for business at walang kinalaman sayo! Wag kang mag assume, masyadong masakit.

"By the way... kasali ka pa ba sa banda?" Napatingin silang lahat sakin kaya tarantang napatingin ako kay Tyron na sya ring angat ng ulo nya sakin, tinaasan nya ako ng kilay sa hindi ko pagsagot.

"U-uh... uhm... h-hindi na" shit! Kahit anong pilit kong hindi mautal ay hindi ko magawa, masyadong nakakatense ang titig nya.

"Then what are you doing here?" Laglag ang panga ko sa tanong nyang yun, may kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Ipinagsalikop nya ang mga kamay nya at naghihintay ng sagot ko. Napalunok ako at hindi makasagot dahil masyado rin akong nasaktan sa tanong nyang yun, pakiramdam ko nalunok ko ang dila ko. Narinig ko ang pagtikhim ni Sab sa tabi ko.

"Is there a problem Mr. Jang? She's our friend and part of the band although---

"I'm asking Miss Robertson" malamig nitong sabi kay Jack. Lalo akong nakaramdam ng kaba sa tuwing tinatawag nya ako sa aking apelido. Tumahimik si Jack pero matalim ang titig nito kay Tyron, bumaling ulit sakin si Tyron kaya naman halos lagutan ako ng hininga. Magsasalita na sana si Sab ng may pumasok.

"She's with me couz" sabi ng lalaking kakapasok lang sabay halakhak. Pumunta sya sa tabi ko at umakbay sakin habang nakatayo sya sa tabi ko. Gulat akong napatingin sa kanya pati yung iba including Tyron.

Nginitian nya ako at kininditan, laglag ang panga ko sa sinabi nya. Couz?? What the heck?! THEY ARE COUSINS?!

"What are you doing here Zyrus?" Napalingon ako kay Tyron, nakakunot ang noo nya at nakita ko ang pagsulyap nya sakin. Shet! Asan na ang dila mo George? Bakit hindi ka makapagsalita?!

"Hey, what's happening?" Napalingon kaming lahat sa babaeng nagsalita at agad na dumiretso kay Tyron sa gilid nito. Humawak sya sa balikat nito at nakita ko ang marahang pagpisil nito doon.

"Ow, hi Irish" rinig kong bati ni Zyrus dun sa babae, nagulat ang babae pagkakita kay Zyrus pero agad ding bumawi.

"Zyrus? You're here pala?"

"Yeah" rinig kong tugon nito. Nakita ko ang pagsulyap ni Tyron sa kamay ni Zyrus na nakapatong sa balikat ko kaya dahan dahan ko yung binaba, narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Zyrus. Nag angat ako ng tingin kay Zyrus at tinignan sya ng masama at tinging humanda-ka-sakin-mamaya look.

Ramdam ko ang pananahimik ng mga kasama ko at alam kong nagtataka sila kay Zyrus pwera nalang kay Sabrina na may alam na dito.

Rinig ko ang pagtikhim ni Tyron at itinuloy ang naudlot na pinag uusapan nila. Nanatili lang sa tabi ko si Zyrus at tahimik na nakikiramdam sakin. Yung mga kasama ko ay kanina pang pasulyap sulyap sakin at alam kong mamaya pagkatapos nito ay uulanan nila ako ng mga tanong.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon