Hindi ko alam kung pano ako napapayag ni Sabrina na sumama sa kanila ngayon dito sa JangShen, sobrang lakas ng kabog ng puso kahit kakapasok pa lang namin, namamawis ang mga kamay ko at nahihirapan akong huminga. Shit! Hindi ko pa nga nakikita si Tyron ay grabe na makapag react ang puso ko.
"You okay?" Natatawang tanong ni Sab kaya sumimangot ako sa kanya.
"Uuwi nalang ako Sab" sabi ko sabay talikod.
"Ayaw mong makita si Tyron?" Napahinto ako sa sinabi nya at napabuntong hininga. Humarap ulit ako sa kanya, kasama namin ang banda pero nasa hulihan pa sila.
"Gusto ... syempre kaso"
"Kaso andyan din yung Irish?" Tuloy nya sa sasabihin ko. Hindi ako nagsalita at tumango lang at hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko.
"Wala tayong magagawa dun, she's his girl" aniya sabay kuha sa kamay ko at kumapit dun.
"Tss, thanks huh? Bestfriend" sarcastic kong sabi na ikinatawa lang nya.
"I know" sabi nya sabay halakhak, napasimangot naman ako ng sobra. Nasa likod na namin yung tatlo kasama si Jack.
"Joke lang, so ano sasama ka sa loob?" Tanong nya kaya ngumuso ako. Napatingin din sakin yung apat.
"Dito ka nalang George" sabi ni Dan sakin.
"Gusto mo samahan kita?" Tanong ni Tristan kaya mabilis akong napailing.
"Ano ka ba! Okay lang ako, sige na pumasok na kayo"
"You sure?" Tanong nya ulit kaya nginitian ko sila. Pumasok na sila sa loob kung saan naghihintay si Tyron. Napabuntong hininga ako ng magsara ang pinto.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at headset saka isinalpak sa tenga ko, masyadong nakakabagot. Kakapindot ko pa lang sa playlist ko ay may humablot ng nasa kaliwang tenga ko. Iritang nilingon ko ang may gawa nun at nakita ko ang mukha nyang nakangisi sakin sabay kindat at isinalpak sa tenga nya yung isa. WHAT THE HELL!
"Zyrus--
"Ssshhh" putol nya sakin kaya mataman ko syang tinignan. Nilingon nya akong nakangisi.
"Why? Ang ganda nung kanta" natatawa nyang sabi. Sa inis ko ay hinablot ko yung nasa tenga nya at itinabi na yun pati yung cellphone ko.
"Kj" bulong nya habang nakanguso, tinignan ko sya ng matalim.
"Diba sabi ko ayaw ko ng makikita yang pagmumukha mo?" Mahinahon kong sabi at nagpipigil ng inis.
"Eh kaso ako gusto kitang nakikita" aniya sabay halakhak. Napailing nalang ako at marahas na bumuntong hininga saka humalukipkip at nagcross legs. Kita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sya sa hita kong bumalandra.
Nanahimik nalang ako at hindi pinansin ang presensya nya, napapagod nakong makipagtalo sa makulit na tulad nya total naman ay hindi din sya nakikinig.
"Nathalie" tawag nya sakin pero hindi ko pinansin.
"Hotty" natatawa nyang tawag pero hindi ko pa rin sya nililingon.
"Better to shut your mouth Zyrus kung wala kang matinong sasabihin" sabi ko ng hindi sya nililingon.
"Sungit" rinig kong bulong nya. Nanahimik din sya saglit pero maya maya lang ay nagsalita na ulit sya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sinamahan sila" tamad kong sagot.
"Akala ko pinaparusahan ang sarili mo" sabi nya sabay tawa kaya nilingon ko na sya. Ngumiwi ako sakanya at binatukan sya, napatigil sya sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book