On the way ako papuntang JangShen. I wanna surprise him kahit na araw araw naman kaming nagkikita. This time ako naman ang dadalaw sakanya total nakakamiss din bumisita doon at miss ko na ang banda.
Nagpark ako agad ng makarating ako ng building. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor ng opisina nya. Yung mga taong nakakasabay ko ay napapatingin sakin at mga bubulong sa mga kasama nila. Yung iba walang pakialam pero halos lahat ay may mga mapanghusgang tingin. Oo nga pala, halos lahat ng tao nung gabing party niTyron ay taga JangShen kaya naman hindi nako magtataka sa mga kinikilos nila. Nagmumukha na naman akong masama at kontrabida.
Napabuntong hininga ako. Hindi naman ako ganun katanga para hindi malaman na trending ako at usap usapan pero.... ayokong magkulong sa office ko. Bakit ako magtatago? Wala akong kasalanan. Kung magtatago ako ay parang pinatunayan kong guilty ako. Yan ang hirap sa kanila, masyado silang nanghuhusga base sa kung ano lang ang mga nakita at naririnig nila.
Pagtunog ng elevator ay agad akong lumabas. Halos lahat ng madaanan ko ay pinagbubulungan ako pero hindi ko nalang pinapansin. Si Tyron ang ipinunta ko dito hindi sila.
"George!" Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa tumawag sa pangalan ko.
"Marunong ka palang lumabas ng lungga mo" sabi ni Sab paglapit nya sakin. Nakipagbeso sya sakin at hinagod ako ng tingin.
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Tanong nya habang nanliliit ang mga mata.
"Gusto ko lang kayong makita. Miss ko na ang banda"
"Sus! Baka si Tyron ang ipinunta mo dito hindi kami" nagmamaktol nyang sabi. Hinila ko sya at nagsimula kaming maglakad.
"Wag ka ng maraming tanong dyan" sabi ko. Kahit kasama ko na si Sab ay patuloy pa rin ang bulungan ng nga tao sa paligid.
"Tss. Mga chismosang palaka. Tahiin ko mga bibig nila eh" bulong ni Sab habang masama ang tingin sa mga taong ndadaanan namin.
"Hayaan mo na sila Sab" nilingon nya ako.
"Naiinis ako sa line mo na yan. Pwede bang wag mo ng sasabihin yan dahil nauurat talaga ako" aniya habang nanggigigil. Natawa ako.
"Magsasawa din sila. Huhupa din yan pagdating ng araw"
"Ewan ko sayo George. Mabute pa nung bitch ka pa. Nakuu! Masama pa lang bumabait ang isang tao. Naabuso at nakakalimutan lumaban" hindi ako sumagot sa sinabi nya. Napaisip ako, tama sya. Marami nga akong pinagbago at hindi ko naman pinagsisihan yun. Ginusto ko yun at marunong pa rin naman akong lumaban pero sa ibang paraan. Bakit ko papatulan ang mga katulad nilang makikitid kung mag isip? Ang mahalaga naman ay alam ko kung ano ang totoo. Alam ng mga taong mahal ako ang totoo kaya okay na sakin yun. Bakit ko pa kailangang ipagpilitan sa iba?
Pagkarating namin ng studio kung nasan ang banda ay agad nila akong sinalubong at niyakap. Puro sila kamusta? Okay ka lang ba?
"Of course. Andyan kayo eh" sagot ko sa kanila.
"Naks! Marunong ng humirit si George" aabi ni Dan na may hawak ng gitara.
"Yan ba natututunan mo kay Tyron?" Sabi naman ni Pat na ikinatawa namin.
"Namiss ko kayo" sabi ko sa kanila.
"Kami din. Bute napadalaw ka dito? Hindi ka ba hinarang ng mga bashers sa daan?" Tanong ni Tristan. Natawa ako.
"Hindi naman"
"Good. Magsabi ka lang kapag kailangan mo ng bodyguard"
"Bakit magvovolunteer ka?" Nang aasar na sabi ni Dan.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book