Chapter 41

33 0 0
                                    

Okay guys, bat ganun si watty? T_T na update ko na ung chapter 41 & 42 eh tapos tinignan ko wla pa tsk. Uulitin ko nlng. Bute nakita ko. Ayun lng.

Enjoy reading!


"Ma'am Nathalie" napatingin ako sa may pintuan ng may tumawag sakin. Andun si Rose at nakadungaw ang ulo sa may pintuan.

"Ano yun?"

"May bisita po kayo"

"Sino?" Bago pa makapagsalita si Rose ay may lalaki ng lumabas mula sa likuran nya. Nakatitig ito sakin at bahagya itong ngumiti. Napatayo ako.

"Sige iwanan mo na kami" utos ko dito at agad naman itong umalis. Pagsara ng pinto ay napatingin ako sa matandang nakatayo sa harap ko.

"Lolo-- I mean Mr. Sy. W-what are you doing here?" Seryoso pa rin syang nakatingin kaya kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit sya andito at parang may naiisip nakong dahilan.

"Pwede ba kitang makausap?" Seryosong sabi nito. Napalunok ako.

"S-sure. Have a si--

"Maaari bang sa labas tayo mag usap? May alam akong cafe" natahimik ako. Yung kaba ko ay mas lalong dumudoble. Tahimik na tumango na lamang ako.

Nauna syang lumabas kaya mabilis kong kinuha ang bag ko at sumunod sa kanya. Sa malapit na cafe lang kami pumunta at ngayon ay magkaharap na kaming dalawa sa isang table at may tig isang kape sa harap.

"A-ano po ang pag uusapan natin?" Napatikhim ako dahil sa nagbabarang lalamunan ko. Humigop muna sya ng kape at pagkababa nito ng tasa ay seryoso ng tumingin sakin. Hindi ko alam kung para saan ang pag uusapan namin pero kung tama nga hinala ko ay hindi ako papayag na mangyari yun.

"Kamusta ka na hija?" Tanong nito at pinagsalikop ang mga kamay nito sa ibabaw ng mesa.

"Ayos lang po. Para saan po ba ang pag uusapan natin?" Tanong ko dito dahil ayaw ko ng tumagal pa ito. Ayaw kong mawala yung natitirang respeto ko sa kanya dahil lamang sa alitan namin ng apo nya.

"It's about Irish" aniya. I knew it. It's all about her. Wala ng iba pang dahilan para kausapin nya ako.

"What about her?" Matapang kong sabi. Kung nandito sya para ipilit si Irish kay Tyron ay nagsasayang lamang sya ng oras.

"I'm sorry for all the trouble that she made. Ako na ang humihingi ng pasensya.." aniya. Humigop muna ako ng kape bago sumagot.

"Bakit kayo ang nandito at hindi sya? Hindi nya ba ako kayang harapin?"

"Hindi nya alam na nandito ako ngayon sa harap mo at humihingi ng pasensya sa lahat ng nagawa nya sayo.."

"Kung ganun bakit hindi sya ang paharapin nyo sakin at magsabi nyan?" Napabuntong hininga sya dahil sa sinabi ko.

"You know her George. Alam kong alam mo ang ugali nya"

"Alam ko Mr. Sy" matapang kong sagot dito. Tumitig sya sakin ng may lungkot sa kanyang mga mata.

"Alam mo rin naman na mabute syang tao hindi ba? Nagagawa nya lang ang mga bagay na iyon dahil sa matinding pagmamahal nya kay Tyron. Hindi mo sya masisisi. Kahit ikaw ganun din naman ang gagawin mo hindi ba George?" Napalunok ako dahil sa sinabi nya. Ayokong may nakikitang Lolo na nasasaktan o nalulungkot ng dahil sakin pakiramdam ko napakasama kong tao.

Alam kong mabuteng tao si Irish. Alam ko yun at nakita ko yun noong mga panahong okay pa kami pero kahit ano pang sabihin nya, hindi ko isusuko si Tyron sa kanya.

"Ano po ba talaga ang gusto nyong sabihin? Gusto nyo bang isuko ko na si Tyron sa kanya? Ganun ba? Yun ba ang ipinunta nyo Mr. Sy?" Napayuko sya at natahimik. Biglang bumigat ang dibdib ko.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon