Chapter 13. It's over.

98 2 5
                                    

Hellooooo guys!! Missed me? Hahaha. Sorry walang update last week at dahil dyan bawi ako hahaha. Mag update ulit ako bukas ;)

ENJOY READING!

.....

Nagkulong ako sa kwarto ko. Kanina pa tawag ng tawag sila Sab sakin at si Zyrus pero wala akong sinasagot sa kanila. I just want to be alone right now.

Nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa kama ko habang nagpapakalunod sa alak. Maghapon akong nagkulong at hindi lumabas, ni hindi pa din ako kumakain. Alak lang ang tanging karamay ko.

Kinuha ko yung isang bote ng alak at nilaklak yun. Pinunasan ko ang bibig ko ng likod ng palad ko pagkatapos, at saka nagsimulang umiyak na naman.

Nakakatawa pero ganitong ganito ako noon ng umalis si Tyron noon. Ganito din ang eksena, palaging umaasa sa pagbabalik nya sakin at patuloy na naghihintay sa kanya.

Walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko habang nakatulala sa kawalan. Paulit ulit bumabalik sa utak ko lahat ng napag usapan namin ni Tyron kagabi. Napapikit ako sa isiping yun.

Hindi ko kaya...

I just really can't! Hindi ko kaya ang hinihingi nya. Parang sinasabi nya ring magpakamatay nalang ako.

Niyakap ko ang tuhod ko at saka sumubsob dun at umiyak ng malakas. Hindi ko talaga kaya. Kahit na lagi nya sakin pinapakita na wala ng pag asa ay hindi pa rin ako sumusuko, kahit masaktan ng paulit ulit dahil sa kanya, kahit magmukha akong tanga. Hindi naman kasi ganun kadali yun. It takes time.

Napatingin ako sa pulso ko. Napatitig ako sa scar ko doon. Kahit sobrang bigat at sakit ng nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na ulit gagawin ang maling ginawa ko noon kay Vince. Ang peklat na ito ay ang syang palatandaan ng pagkakamali ko at tanda na hindi sinusukuan kaagad ang mga problema. Napasubsob ulit ako sa tuhod ko at umiyak na naman.

"Oh my God George!" rinig kong sigaw ng pamiyar na boses at narinig ko ang mga yabag nya papalapit sakin. Hindi ko na sya tinignan dahil iisang tao lang ang may duplicate key ng unit ko.

"Shit! What happened?"  Nag aalalang tanong nya paglapit sakin at saka itinaas ang mukha ko para makita nya pero nagulat ako ng makitang kasama nya si Zyrus. Nakatitig sya sakin ng seryoso.

Yeah, tama ang nasa isip mo Zy, kagagawan na naman to ng gago mong pinsan.

"Stop drinking George" suway sakin ni Sab saka kinuha yung alak sa kamay ko. Hindi nako umangal, ni walang gustong lumabas na salita sa bibig ko.

"God, you worried me. Alam mo ba yun? Tapos makikita kita dito nagkakaganyan na naman?!" Sermon nya sakin at hindi ko na naman napigilang mapahikbi. Inalo nya ako.

"Ssshhh tama na yan. Everything's gonna be alright" alo nya sakin habang nakayakap sakin. Patuloy lang ako sa pag iyak.

Nang makatahan ako ay iniharap nya ako sa kanya at inayos ang mukha ko. Pinunasan nya yung mukha kong puno ng luha at inayos ang buhok ko. She really looks worried. Si Zyrus naman ay tahimik lang nanunuod samin habang nakatayo.

Inalalayan nila ako para makahiga sa kama ko. Nang makaupo nako sa kama ay pinipilit ako ni Sab pahigain at matulog na.

"W-what are you doing guys here?" Sabi ko pagkahiga ko. Nakaupo sa tabi ko si Sab samantalang si Zyrus ay nanatiling nakatayo pa rin at nakatingin samin habang nakahalukipkip.

"Because we are damn worried. You didn't answer our calls" nag aalala nyang sabi.

"I'm okay now" sabi ko sabay ngiti ng tipid. Nagkatinginan silang dalawa at napabuntong hininga si Sab. Tumingin sya sakin at nakikita ko ang awa sa mga mata nya.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon