Chapter 18. Offer

56 4 1
                                    

"Hoy! Georgina Nathalie Robertson! Are you listening?!" Sigaw sakin ni Sabrina na syang nagpabalik ng ulirat ko. Kanina pa ko natutulala dahil nandito pang naman ako ngayon sa JangShen at simula nung pagpasok ko dito ay hindi maalis alis sa utak ko yung huling pag uusap namin ni Irish.

Naalala ko kanina nung pagpasok ko dito sa opisina ni Tyron ay sya ang nakaupo sa swivel chair nito at bahagya pa kong inirapan.

"Hoy! Aba! Ubos na ang laway ko dito at pagod na ang panga ko tapos wala ka na naman sa sarili mo. Ano bang iniisip mo? Si Tyron---

"Shut up Sabrina. Ano bang sinasabi mo dyan?" Mariin kong bulong dito habang nakatakip sa bibig nya ang palad ko. Tinanggal nya iyon at umismid sakin.

"Ano ba kasing iniisip mo? Kanina ka pa dyan tulala alam mo ba yun?" Sermon nya sakin habang nakahalukipkip. Nag iwas naman ako ng tingin dito.

"W-wala. Teka.... asan nga s-si.... Tyron?" Tanong ko dito. Ngumisi naman sya sakin dahilan para irapan ko sya.

"Hindi daw iniisip pero hinahanap" mapang asar na sabi nito. Umismid ako sa kanya, bute nalang kaming dalawa lang dito sa loob ngayon dahil nasa labas pa yung boys at nagyoyosi. Si Irish naman ay biglang umalis kanina pagdating ko.

"I'm just wondering, pinapunta mo ko dito tapos nasa loob pa tayo ng opisina nya. Eh ano palang ipinunta ko dito?" Sabi ko dito. Lalo namang lumapad ang pagkakangisi nito.

"Edi sya nga ang ipinunta mo dito?" Aniya habang dinudutdot ang tagiliran ko. Sinuway ko ito habang natatawa dahil sa kiliting idinudulot nun.

"Hmm.. balita ko nagmomove on ka na daw ah. So, why are you looking for him huh?" Aniya sabay sundot ulit sa tagiliran ko.

"I'm not!" Mabilis kong sabi.

"You're not?.... moving on him? Ha! I know naman hindi mo kaya pero kung ako sayo, magmove on ka na nga" sabi nya habang kinikilatis ako, hindi naman ako makatingin ng diretso dito.

"I-i'm not looking for him. Tss tantanan mo nga ako Sabrina at pwede ba wag kang maingay dyan may makarinig pa sayo" bulong ko dito pero nagkibit balikat lang ito habang hindi matanggal tanggal ang ngiti sa mukha nya.

Maya maya ay sunod sunod ng pumasok ang boys sa loob at makalipas ang ilang sandali ay dumating na din sila Tyron at Irish. Hindi naman makalagpas sa paningin ko ang mga kamay nitong kapit na kapit sa braso ni Tyron na animo'y may aagaw dito. Napailing nalang ako at nag iwas ng tingin sa kanila.

Si Irish ang naupo sa swivel chair nito habang si Tyron ay nakatayo sa gilid nito at nakahalukipkip. Nang magtama ang aming paningin ay mabilis akong nag iwas pero ramdam ko pa rin ang titig nya sakin kaya pakiramdam ko ay pinamumulahan nako. Damn it!

"So...anong meron?" Tanong ni Sab sa dalawang nasa harapan.

"May launching ba ulit?" Natatawang sabi naman ni Dan. Pinanlakihan ito ng mata ni Sab kaya nagpeace sign naman ito kaagad.

"I need a woman" sabi ni Tyron dahilan para mapalingon ako dito pero dapat pala hindi ko nalang ginawa. Titig na titig ito sakin kaya ako na ang nag iwas ng tingin. Napatikhim ako at yumuko nalang. Darn! What the hell is he doing? Hindi ko pa rin nalilimutan yung mga salitang binitiwan nya nung gabing yun at kapag naaalala ko yun ay hindi ko mapigilang hindi tumibok sa normal ang puso ko.

At hanggang ngayon iniisip ko din kung alam ba nya yung naging pag uusap namin ni Irish, kung alam ba nyang alam na nito ang tungkol sakin.

"What do you mean?" Tanong ni Tristan.

"You already have a woman" sabat naman ni Jack. Nilingon sya ni Tyron pero sa unahan lang ang tingin ni Jack na mukhang may malalim na iniisip.

"Kailangan ko ng kakanta ng bagong compose ni Irish" dugtong pa nito. Samu't sari naman ang mga naging reaksyon nila. Gusto na daw nila makita yung bagong compose at kesyo bakit daw kailangan babae pa, hmm... oo nga, Gotthic band ang nakakontrata sa kanya tapos maghahanap pa sya ng babaeng singer? Ano namang iniisip nya.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon