WARNING: MEDYO SPG.
------
"Ako na ang maghahatid sa kanya" matigas at maawtoridad na sabi ni Tyron kay Terrence. Nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Terrence kahit na naniningkit na ang mga mata ko.
"Ako ang kumuha sakanya kaya ako din ang magbabalik" mariing sabi nito kay Tyron habang nagsusukatan sila ng tingin. Ugh! Lalong sumakit ang ulo ko dahil sa pag aaway nila.
"I said I can take care of her" nakaigting na pangang sabi ni Tyron habang matalim na nakatitig kay Terrence. I saw Terrence clenched his fist kaya alam kong nagpipigil nalang ang isang to.
"Bakit ba andito ka?" Naiiritang tanong nito kay Tyron.
"At ano namang paki mo?" Malamig nitong sabi kay Terrence. Nag igting ang panga ni Terrence dahil doon at matalim na tinignan ito.
Pumagitna nako sa dalawa at inawat sila. Kahit na hilong hilo nako at sobrang sakit ng ulo dahil sakanila ay pinilit ko pa ring magsalita kahit halos masuka suka nako.
"Shut up! The both of you!" Sigaw ko sakanila. Natahimik silang dalawa pero ramdam ko pa rin ang nakamamatay nilang tinginan.
"Thanks sa paghatid Terrence pero kaya ko ng umakyat sa taas" sabi ko dito. Halata sa mukha nito ang pagtutol sa sinabi ko pero wala na rin syang nagawa.
"Lets go" hinila ako ni Tyron paalis doon at halos madapa na ako. Nilingon ko si Terrence na nanatiling nakatayo doon at nakatingin samin. I wave my hand at him so he did the same.
"Tss, stop waving your hand" rinig kong sabi ng taong humihila sakin. Inirapan ko sya kahit na hindi nya nakita dahil patuloy sya sa paghila sakin at ako naman ay kulang nalang masubsob sa sahig. Damn this guy!
"Dahan dahan nga. Hindi mo ba nakikitang lasing ako?" reklamo ko dito pero parang wala itong narinig.
"Wag ka kasing uminom kung hindi mo pala kaya. Sakit ka sa ulo" rinig kong bulong nito. Huminto ako sa paglalakad kaya ganun rin sya at tinignan nya ako ng kunot na kunot ang noo nito.
"Bitawan mo ako" utos ko dito. Yung mata ko ay babagsak na talaga at higang higa nako sa kama. Ugh I want to sleep!
Hindi nya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy sa paghila. Halos mag give way na yung iba samin dahil sa bilis ng paglalakad ni Tyron. Yung ulo ko ay parang sasabog na tapos ang isang ito ay makahila wagas.
"ANO BA TYRON!--- hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng buhatin nya ako. Nagpupumiglas ako at nagsisigaw na ibaba nya ako pero hindi nya ako pinapansin at parang walang naririnig. Napapatingin tuloy ang mga taong dinadaanan namin.
Sumakay sya ng elevator na buhat buhat pa rin ako. Hindi nako nagreklamo pa dahil kapag gumagalaw ako ay lalo akong nahihilo kaya hinayaan ko nalang syang buhatin ako. Ang bigat bigat na ng talukap ko at gustong gusto ko na talagang matulog kaya ipinikit ko na ang mga mata ko at inihilig ang ulo ko sa dibdib nya.
Naririnig kong bumubulong bulong si Tyron na hindi ko maintindihan dahil sa sobrang hina nito kaya hindi ko nalang pinansin. Narinig ko nalang ang pagtunog ng elevator at naramdaman ang paggalaw nya. Ang sarap sa pakiramdam dahil buhat buhat nya ako at sana ay ganito nalang palagi. Sana kaming dalawa nalang, sana walang Irish, sana umaayon ang lahat sa gusto kong mangyari.
And damn it! Wag nalang sana puro 'sana'.
Bakit mo ba kasi ako iniwan noon Tyron.
"Georgina" gising sakin ni Tyron kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Seryoso syang nakatingin at kitang kita ko ang pag awang ng labi nito at paggalaw ng adams apple nya, nagkatitigan kami pero sya ang unang nag iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book