Chapter 15. Awkward

61 4 7
                                    

Happy New Year guys!!!!! Sorry ngayon lang ako ulit nabuhay haha. May readers pa ba ako? :) Sorry, alam nyo busy ang lola nyo. Don't worry mag a-update ulit ako sa 2 tapos saka na ulit pero siguro pagdating ng second week ng Jan. dun ulit magiging weekly ang update ko pero ngayon ay pagpasensyahan nyo na muna kasi busy talaga ako. Naii-stress ako sa work.xD

Yun lang. Happy New Year ulit. Enjoy your hollidays and enjoy my update :)

-------

Nagpatuloy pa rin ang inuman pero itinigil na ang laro, yung mga may lovelife ay nasa pool at nagpapahulas. Si Sab natulog na kasama si Bryan kaya ako nalang ang natirang babae dito sa mesa namin pati na rin si Irish. Nandito din si Tristan at Tyron kaya naman I feel awkward. Nakashort na rin ako pero bra pa rin ang top ko.

Ayokong mag angat ng tingin dahil baka mamaya ay magkasalubong na naman ang mga titig namin at naiinis pa rin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari sa laro. How dare him to say that in front of them! In front of my friends!

Heto na naman yung mabigat na pakiramdam.

"Tyron let's swim" rinig kong aya ni Irish dito. Lumagok ako ng alak pero wala pa rin akong narinig na tugon mula dito kaya tinignan ko sya.

Shit! Why is he keeps on staring at me?! Just.. what the hell? Bakit hindi si Irish ang titigan nya?! Damn it!

Napatikhim ako at mabilis na nag iwas ng tingin sa kanya.

"Later Irish" rinig kong sabi nito. I heard Tristan moaned kaya napalingon ako dito. Nakapikit na sya at nakahilig sa upuan nya, lasing na ang isang to.

"Tristan matulog ka na" yugyog ko dito. Hindi sya sumagot kaya malamang tulog na ito. Damn! Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkailang dahil kaming tatlo nalang.

"I'll just get nachos lang--

"Ako na!" agap ko dito. Napatingin sakin si Irish at kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin pa rin sya sakin. Pucha! Ano bang gusto nya? Hanggang saan nya ba ako papahirapan?!

"You sure?" Tanong ni Irish at mabilis akong tumango at ngumiti. Tumayo nako at kinuha yung lalagyan ng nachos. Dumiretso nako agad sa kusina nya para kumuha. Nang makapasok ako sa loob ng kusina ay agad akong nagpakawala ng buntong hininga, pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakahinga ng maluwag simula kanina. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa lababo at yumuko saka pumikit.

Ayoko nito... hindi ko na kaya, pakiramdam ko ako ang pumapatay sa sarili ko. Bakit ba kasi ako andito?

Tanga ka talaga George! Ang tanga tanga mo!

I hate this! I hate the way he stares at me! Na Tila akala mo wala syang ginawa sakin, na parang hindi nya sinaktan ang puso ko. Kahit anong gawin nya ay hindi nya na matatanggal pa yung sakit na ibinigay nya sakin. He lost my last chance. That's enough. Wala ng natira para sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at saka nagmulat, pinilit na wag mangilid ang luha. Tumayo nako ng tuwid at saka humarap kung nasan ang lagayan ng nachos pero halos mapamura ako ng makita ang taong nakatayo sa may pintuan. Seryoso syang nakatitig sakin habang nakahalukipkip at nakasandal sa may pintuan, dahilan para mangatog ang tuhod ko. Nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkuha ng nachos habang pinipilit na wag syang pansinin.

Nang makakuha ako ay diretso ang tinging naglakad ako papuntang pintuan kung nasaan sya. Halos manlambot ang tuhod habang unti unting lumalapit sa kanya. Napalunok ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa dala kong lalagyan dahil baka mabitawan ko yun. Nang kaunte nalang ang distansya sa aming dalawa ay umayos sya sa pagkakatayo at inalis ang nakahalukipkip nitong mga kamay.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon