Naglalakad ako ngayon dito sa mall para puntahan ang store ko sa branch nato when I saw someone very familiar to me. She's walking with someone with holding their hands. Malapit sila sa store ko at naniningin when our gazes met. Halos manlaki ang mga mata nya ng makilala ako. I just smiled at her, wala syang pinagbago. Maganda pa rin sya tulad noon but she's a lady now.
Lumapit ako sa kanila, napatingin na din sakin yung lalaking kasama nya. Nang tuluyan akong makalapit sa kanila ay nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. I hugged her tight.
"A-ate George? Oh my God! Long time no see" aniya at kinikilatis ako. Nginitian ko sya.
"Yeah.. How are you Thalia?" I asked.
"Fine...eh i-ikaw?" Nag aalangan nyang tanong.
"Fine also. Boyfriend mo?" pag iiba ko ng usapan. Biglang namula ang mga pisngi nya kaya napangiti ako. Tumingin sya sa lalaking kasama nya at nahihiyang pinakilala sakin.
"Uh... He's Jake ate George and yeah he's my boyfriend. Uh... Jake this is ate George... Uh... Kuya's....---
"Friend. Tyron's friend" putol ko sa sasabihin nya. Naiilang na ngumiti sya sakin. Alam kong nahihirapan sya ipakilala ako sa iba dahil wala naman kaming relasyon ni Tyron but I declared myself as his friend. Hindi naman siguro masama yun.
"Nice meeting you po" sabi nung lalaking kasama nya kaya nginitian ko sya.
"Me too. So, anong hinahanap nyo?" Tanong ko. Napatingin ako ng hawakan nung lalaki ang kamay nya at pinagsalikop yun. I smiled at them pero halatang nahihiya si Thalia sakin.
"Uh... Tumitingin tingin lang ate at namamasyal" sagot nya. Tumango ako.
"You can visit my store baka may magustuhan ka" nakangiting sabi ko. Nanlaki ang mga mata nya.
"You have a store here?" Manghang tanong nya and I just nod.
"Yeah.. Tara" sumunod sila sakin at pagpasok namin ng store ay manghang mangha sya sa nakikita. Hindi naman kalakihan ang store ko, sakto lang at talagang for women lang ang mga andito.
"Whoah.. It's a nice store" nakangiti nyang sabi kaya natawa ako.
"Thanks"
"Thalia.. sa labas lang ako" paalam nung boyfriend nya kaya tumango ito. Nag excuse sya samin kaya kaming dalawa nalang ni Thalia ang natira.
"He's not the guy that I met before right?" Tanong ko ng makaalis yung lalaki. Nahihiya syang tumango sakin.
"Yeah" malungkot nyang sagot. I want to ask some questions but I guess it's not good the way she answered my question. Nanahimik nalang ako pero nagulat ako ng mag open up sya.
"You still remember him?" Tanong nya sakin ng may tipid na ngiti.
"Yeah, hindi naman ako madaling makalimot ng mukha" sagot ko. Malungkot na bumaling sya sa mga damit na nasa harap namin.
"I like Jake" Nagulat ako sa sinabi nya. Kita ko ang lungkot sa mga mata nya. Kumunot ang kilay ko.
"But.... It's way different than what I felt for my bestfriend" malungkot nyang sabi at mapait na ngumiti sakin. Hindi agad ako nakasagot at nanatiling nakatingim sakanya.
"What happened? You said you like him then what happened? Doesn't he like you?" I asked. Mula sa paniningin ng mga damit ay bumagsak ang mga kamay nya sa mga sapatos na nasa ibaba noon at natulala sya doon.
"I don't know. Sometimes I feel like...he likes me too but most of the time he always made me feel that i'm just only his bestfriend and nothing at all" aniya ng hindi makatingin sakin. Naginig din ang boses nya kaya hindi ko alam kung naiiyak ba sya. Hinagod ko lang ang likod nya.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book