Chapter 36. Confused

58 1 0
                                    

Araw ng linggo. Kaya naman heto ako at maghapong hihilata na naman dito sa unit ko. Hay... napakaboring naman ng buhay ko. De bale sana kung andito si Tyron sa tabi ko ay okay lang kahit tambay maghapon. Kaninang umaga paggising ko ay wala na sya pero nag iwan sya ng pagkain at notes doon. Alam nya talaga kung paano bumawi kahit konte eh. Hindi man lang kami nakapagbreakfast ng sabay. Palagi nalang syang maaga. Hay..

Nakaupo ako sa sofa ko ngayon habang nanunuod ng Kdrama at kumakain ng snacks. Damn. Tataba ako nito eh kaso wala talaga akong magawa. Tsk, bute pa sila mga busy at masyadong kina-career ang mga buhay samantalang ako petiks lang. Nakakainggit sila kasi magkakasama sila. Napabuntong hininga nalang ako.

Kinuha ko ang phone ko para itext si Tyron ng makita kong may message sya doon. Napangiti ako at dali daling binasa iyon.

'Hi baby. What are you doing? It's sunday. Where are you?'

'Tambay lang ako sa bahay habang nanunuod ng TV. Ikaw? Busy again?'

'Yup. Medyo. Kumain ka na?'

'Yeah kaya ikaw rin kumain ka na. Wag kang magpapalipas okay?'

'Alright. I'll text you again. I love you'

'I love you too'

Napanguso ako pagkasent ko nun. Hay... busy na naman sya. Saglit lang kami nagkakatext tapos minsan putol putol pa sa sobrang tagal nya magreply. Tumayo ako at tumingin sa orasan. 2:30 na ng hapon, siguro mag isa nalang akong mamasyal bago pa ko tubuan ng mga ugat dito.

Naligo nako at nag ayos saka napagdesisyunang pumunta ng mall. Manuod kaya ako ng sine? Kaso ano naman papanuorin ko? Hay... ang hirap ng walang kasama. Tumungo nalang ako sa isang jewelry shop at tumingin tingin doon.

"Hmm. Ang ganda naman nito" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa isang singsing doon.

"Hi ma'am. Would you like to buy that ring?" Tanong sakin nung babae na mabilis kong inilingan. Naningin pa ko doon at napapangiti nalang ako sa kaisipang kailan kaya ako bibigyan ni Tyron ng singsing? I mean.. when will he marry me? Masyado nakong nasa wastong edad at gusto ko ng malagay sa tahimik na buhay kasama sya kaso ayoko namang ako ang mag initiate nun.

"Can I see this one?" Narinig kong sabi ng isang lalaki sa gilid ko. Napanguso ako. That voice is familiar. Lumingon ako sa lalaki at medyo nagulat ng makita ito.

"Tristan?" Gulat na lumingon sya sakin pero agad ding nakabawi.

"G-george?"  Nilapitan ko sya at tinignan ang kwintas na tinitignan nya.

"What are you doing here? Para kanino yan?" Tanong ko dito. Napatingin sya sa hawak nyang kwintas at tipid na ngumiti sakin.

"Uh... for the woman I love.." nakangiti nitong sabi. Ako naman ang nagulat.

"Who's the lucky girl huh? Nakakagulat. Bakit hindi namin alam to?" Takang tanong ko. Mapait syang ngumiti sabay tingin sa kwintas.

"I think I'm the one who's lucky. And It's one sided love George.." sabi nito sabay titig sakin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam ang bagay nato. Alam kaya ito ng banda?

"Who is she?" Muling tanong ko. Napabuntong hininga ito at ibinalik sa babae ang kwintas.

"I'll buy this" sabi nito at muling tumingin sakin.

"Hindi ko pa sya pwedeng ipakilala sa inyo hangga't wala pa akong pinanghahawakan dito. I'm sorry George. I'll just make her fall for me first before I introduce her to you guys" sabi nito. Natulala ako doon. Bakit hindi ko napapansing inlove na pala ang isang to? Madalas lang syang tahimik pero hindi sumagi sa isip ko na may babae na pala syang nagugustuhan.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon