Chapter 10. Second Chance

91 3 1
                                    

Pagdating nila Tyron ay agad silang naupo ni Irish sa harap ko. Biglang tumahimik ang lahat at si Bryan lang ang bumasag nun.

"Tyron bro! What's up? It's been a years huh?" Masiglang bati nya dito at naghigh five sila. Ngumiti si Tyron dito kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. I miss those smile of him!

"Yeah, how's your bar?" Tanong nya.

"It's fine. Nga pala dude, Sabrina my wife" nakangising sabi ni Bryan dito at itinuro si Sab sa tabi nya. Halata ang pagkagulat sa mukha nito. Eh kung marunong ka kasing magparandam edi sana alam mo ang mga nangyayari, tss.

"Really?" Tanong nya, tumango lang si Bryan habang nakangisi dito at pati si Sab.

"Care to introduce me the lady beside you?" Nakangising sabi ni Bryan. Nilingon ni Tyron ang nakangiting si Irish sa tabi nya at marahang hinawakan ang likod nito. Napatikhim ako at umiwas ng tingin. Sabi nga ni Tristan 'don't look at them if I can't take it.'

"Oh...this is Irish, and Irish meet one of my best buds, Bryan" sabi nya. Tumango si Irish at ngumiti kay Bryan at nakipaglahad ng kamay.

"So... what's the real score?" Nakangising tanong ni Bryan. Naiinis ako sa mga pinagtatanong ni Bryan pero may parte saking gusto kong malaman ang isasagot nya dahil kating kati din ako malaman yun. Yung dalawang lalaki na sila Tristan at Jack ay parehas nananahimik at nakikinig lang.

"Oo nga Tyron, ano nga ba ako sayo?" Malambing at halatang nanunuksong sabi ni Irish dito. Tumawa si Tyron at umiling. Pesteng puso to, nagsisimula na namang makaramdam ng kirot. Masakit kasi tumatawa sya pero hindi sakin at pagdating naman sakin ay sobrang lamig ng pakikitungo nya.

"She's special to me" marahang sabi ni Tyron sabay ngiti kay Irish, mas lalong lumapad ang ngiti ni Irish dito at nagkatitigan pa sila. Nag iwas ako ng tingin, ang sakit... sobrang sakit! Tangina! Ganyan kasakit na mapapamura ka talaga. Napinom ako ng alak dahil dun.

Lihim na siniko ako ni Sab at alam ko ang gusto nyang ipahiwatig sakin, nginitian ko lang sya ng tipid. Narinig ko nag pagsmirk ni Tristan sa tabi ko habang si Jack ay matalim ang titig kay Tyron at umiiling iling.

Kita ko ang lihim na pagsuway ni Sab kay Bryan pero si Bryan ay walang humpay sa pagtawa. Nag iba sila ng usapan pagkatapos nun pero nanatili lang akong tahimik at umiinom ng alak.

"So, you have a child na?" Tanong ni Irish kila Sab.

"Yup, we have a daughter. Her name is Sammy" nakangiting sabi ni Sab dito. Napaisip naman si Irish sa sinabi ni Sab.

"Sammy? Hmm.. oh! Yung kasama mo George noon at ni Zyrus? Remember the child Tyron?" Tanong niya kay Tyron. Nagkatinginan kami ni Tyron at matapang kong sinalubong yun.

"Yes, she's our only child. Nakita nyo na pala sya?" Tanong ni Sab. Uh-oh! Patay! Malalaman ni Sab na muntik ng mawala si Sammy.

"Uh...yup! Nakita namin sya and we thought that she's George's daughter" sabi ni Irish sabay tingin sakin ng marealize nya yun. Nahagip ng tingin ko si Tyron at nakatitig pa rin sya sakin. Damn!

Oh edi alam mo na Tyron? She's not my daughter, at kung makaasta ka noon ay parang napakapabaya kong ina.

Sya ang unang bumitaw ng titig at tumingin nlang sa gawi nila Sab. Napalingon ako kay Sab at nakitang nakataas ang ang kilay nya sakin, nagpaphiwatig na hindi nya alam ang eksenang yun.

Matapos ang isang oras na pagkukwentuhan nila at kamustahan pa ay ngpaalam na sakin sila Sab dahil kay Sammy kaya tumango nalang kami.

"Mauna nako George" paalam nya skain pagkatapos ay nagpaalam din sa dalawa.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon