Hi guys! Namiss ko kayo haha. Oy wag kayo maaga update ko ngayon hahaha. Happy weekends!
Enjoy reading!
.......
Nakatulala ako sa kapeng nasa ibabaw ng table ko ng may biglang kumatok sa pinto ko. Napalingon ako doon.
"Ma'am may bisita po kayo" sabi ng isa sa staff ko. Napakunot ang noo ko, wala naman akong inaasahang bisita ngayon.
"Babae ba?" Tanong ko sa pag aakalang si Sabrina yun. Umiling ito.
"Lalaki po at...gwapo" aniya habang kinikilig kilig pa. Lalong nagusot ang mukha ko. Gwapo?
Oh! Don't tell me---
"Hi" napalingon ako sa lalaking pumasok sa loob ng opisina ko. Nakangiti ito sakin habang may dalang bulaklak. Napatayo ako.
"H-hi. What....are you doing here?" Tanong ko dito. Sinenyasan ko ang staff ko na umalis na kaya agad itong tumalima. Pagsara ng pinto ay nilingon ko si Terrence.
Hindi naman ako nag a-assume pero...
Akala ko sya yung bisita. Akala ko lang pala.
"Para sayo" aniya sabay bigay nung bulaklak sakin. Tinanggap ko yun at pilit na nginitian sya.
"Okay ka lang ba?" Tanong nya.
"H-huh?"
"Mukhang matamlay ka. Sorry sa istorbo" aniya sabay kamot sa batok nya.
"Hindi okay lang. Hindi ako busy" sabi ko. Nakaramdam tuloy ako ng guilty. Hindi ko dapat sya tratuhin ng ganito, wala syang pinakitang masama sakin kaya dapat tumbasan ko yun at ang pangit naman na sya yung nandito pero si Tyron ang iniisip ko.
"Upo ka. Thanks sa flowers, nag abala ka pa" sabi ko dito. Inilapag ko ang bulaklak sa ibabaw ng table ko.
"Wala yun. Kung para sayo naman" aniya sabay upo. Nilibot nya ng tingin ang buong office ko saka tumingin sakin.
"Halatang ikaw ang may ari nito" sabi nya. Naguguluhang tumingin naman ako sa kanya.
"B-bakit?"
"Simple pero maganda" sabi nya sabay kindat. Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Bolero ka pala" natatawang sabi ko.
"Nah. That's true" aniya at titig na titig sakin. Naiilang naman akong nag iwas ng tingin.
"Uh...anong gusto mo? Juice? Tubig? Kape?" Tanong ko dito.
"No thanks. Okay lang" sabi nya habang nakangiti. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya kapag ngumingiti sya dahil lumilitaw ang dimple nito na lalong nagpapagwapo dito.
"Staring is rude" natatawang sabi nya. Natauhan naman ako at nahihiyang nag iwas ng tingin.
"S-sorry"
"It's okay, kung ikaw naman ang tititig sakin. No worries" aniya kaya lalo tuloy akong nahiya. Narinig ko naman syang tumawa.
"You're blushing George" aniya sabay turo sa mukha ko. Sa sobrang hiya ko ay tinakpan ko ang mukha ko.
"S-Stop teasing me Terrence" lalo syang natawa sa sinabi ko. Nakarinig ako ng yabag na papalapit sakin, maya maya ay naramdaman ko nalang na pilit nyang tinatanggal ang kamay kong nakatakip sa mukha ko.
"Don't be shy. I'm sorry" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako ng mapagtantong sobrang lapit ng mukha namin. Nahihiyang dumistansya ako dito, bumalik naman sya sa upuan nya.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book