Hi guys! Happy weekend :) This is a long update !! And hey...it almost 6k words haha. Achieve.
Sana magustuhan nyo. Medyo nakakagigil to haha. Enjoy reading!
....
Rinig ko mula dito sa pwesto ko ang malakas na music na nagmumula sa loob, maging ang mga hiyawan na halatang nag eenjoy sila. Masyado ng maingay at mausok sa loob na nagmistula ng bar kaya nandito ako ngayon sa may pool area nakatambay habang nakatayo at may hawak na bote ng beer.
Hanggang ngayon....di ko p rin sya nakakausap ng matino dahil masyado syang busy sa loob sa mga bisita nya, pero ok lang...mahaba pa ang gabi at marami pa kong oras at pagkakataon.
"What are you doing here?" Napapitlag ako ng marinig ko ang boses nya. Nilingon ko sya pero sa unahan ang tingin nito habang nasa tig magkabilang bulsa ang mga kamay. Di ko talaga mapigilang titigan sya, bago sa aking paningin ang nakatayo nyang buhok at parang mas lalo syang gumwapo sa lagay na yun. Napalunok ako, d-damn....bakit ang gwapo nya?
Nilingon nya ako kaya sandali kaming nagkatitigan. Yung puso ko...unti unti na namang nagwawala at nangangatog ang tuhod ko.
"U-uh....n-nagpapahangin lang ako. Masyado kasing matao sa loob" sabi ko dito at mabilis na nag iwas ng tingin. Kita sa gilid ng mata ko na muling tumingin ito sa unahan.
"Ganun ba... hindi ka ba nilalamig dito?"
"H-hindi naman" sagot ko ng hindi ito tinitignan at tulad nya, sa unahan ko nalang rin itinuon ang atensyon ko.
"By the way....thanks for coming. I thought you wouldn't come" rinig kong sabi nito.
"Because it's your birthday...and you invited me" sabi ko dito. Narinig ko ang bahagya nitong pagtawa kaya nilingon ko sya.
"Sana pala araw araw birthday ko" sabi nito habang may ngiti sa labi nya. Nahalata nya atang nakatitig ako sakanya kaya nilingon nya ako at tinitigan sa dalawang mata ko. Pakiramdam ko naging doble ang pagtambol ng dibdib ko dahil sa ngiti nyang yun.
I wanna hug him. Damn it!
"So...where's my gift?" Tanong nya. Nahihiyang nag iwas ako ng tingin dito dahil wala akong kahit anong bitbit na regalo para sa kanya. Isa pa...wala talaga akong maisip na ibigay.
"S-sorry....I don't have. W-wala akong maisip kasi parang nasayo na lahat" sabi ko sabay sulyap dito. Ngumiti sya ng mapait.
"That's not true... I still...don't have you" sabi nito sabay tingin sakin. Nakipagtitigan ako sa kanya, hindi ko mahagilap ang dapat kong sabihin. Ngayong gabi ako aamin sakanya pero sa tuwing tatangkain kong sabihin ang bagay na yun ay nauunahan ng kaba ang dibdib ko.
"So...can I have you tonight"? Muling tanong nya at humarap na sya sakin ng may ngiti sa labi nito. Napalunok ako.
"T-tyron..."
"As my gift? Don't worry.... I just want you here beside me tonight and stare at you the whole night. That's all" nakangiti nitong sabi. Feeling ko nag iinit ang dalawang sulok ng mga mata ko. Kung alam mo lang Tyron.... ganun din ang gusto ko.
"I...I... w-wanna say-- Naputol ang sasabihin ko dahil sa tumawag.
"Tyron!" Napalingon kaming dalawa sa taong iyon. Dalawang lalaki ito na ngiting ngiti habang papalapit samin. Sa tingin ko mga kaibigan nya sila. Humarap sa kanila si Tyron at nakipag apir sa mga ito habang nakangiti. Tumingin sila sa gawi at nginitian ako kaya ganun din ang ginawa ko.
"Tara sa loob...may hinanda kaming regalo para sayo" nakangising sabi nung isa dito. Tumawa sa kanila si Tyron na parang alam na kung ano ang ibig sabihin nito.

BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book