Chapter 34. Let her go

68 0 0
                                    

Bakit ganun si watty? Napuputol ang update ko T_T pakicheck guys nung last update ko baka naputol din sa inyo. Naayos ko na yun.

Enjoy my update!

.....



Today is Terrence's birthday and how did I know that? Well, he texted me and invited me to come on his birthday. Hindi naman daw ito isang party. Gusto nya lang daw na makasama ako sa espesyal na araw nya. Tatanggi sana ako pero naisip ko na total birthday naman nya at isa syang kaibigan ay pinaunlakan ko na. Binabalak  ko rin sanang ngayong araw na sabihin sa kanya ang tungkol samin ni Tyron.

Nagpaalam ako kay Tyron dahil ayokong naglilihim sa kanya. At syempre hindi sya pumayag noong una pero pinilit ko sya at sinabing baka ito na rin ang last dahil sasabihin ko na ang tungkol samin kaya siguro pumayag rin sya.

7pm ang usapan namin ni Terrence at alas sais na kaya nagsimula nakong mag ayos ng sarili. Napag usapan naming sa isang resto kami magkikita. Ang kulet nga ni Tyron eh, sa resto nalang daw nya para mabantayan ako. Napapailing nalang ako sa pagkaseloso nya.

On my way nako ng itext ko si Terrence. Ang sabi nya andun na daw sya pero meron din naman akong dalang regalo para sakanya at sana magustuhan nya kahit na.... kailangan ko syang saktan ngayong gabi sa araw mismo ng birthday nya. Napabuntong hininga ako sa naisip ko. Mahirap kayang mambusted.

Pinarada ko na ang sasakyan ko ng makarating ako. Pagpasok ko ng resto ay nagulat ako dahil walang ibang tao doon kundi si Terrence at nasa pinakagitna pa ang table namin. Medyo dim ang lights at napakaromantic ng dating. Napalunok ako, bakit.... kami lang ang andito? Pinasadya nya ba to?

Ngumiti agad sya sakin ng makita ako at tumayo. I smiled back at him. Pagkalapit ko ay nilibot ng paningin ko ang buong resto at nagtatakang tinignan sya.

"Ba...bakit walang tao?" Tanong ko dito. Mas lalo syang ngumiti sakin at lumitaw ang lubog na lubog na dimple nito. Napakamot sya sa ulo.

"Uh... pinasadya ko kasing tayong dalawa lang ngayon. I wanna make this night memorable for me....with you" nahihiya nitong sabi. Wala akong masabi kaya tipid na nginitian ko nalang sya at umupo ng ipaghila nya ako ng upuan.

"Let's order?" Aya nya kaya tumango lang ako. Tinawag nya yung waiter at umorder ng pagkain at wine. Pagkaalis nung waiter ay inabot ko yung regalo ko sakanya.

"Here. For you, happy birthday" masayang bati ko dito. Hindi naman maalis ang ngiti sa mukha nito at masayang tinanggap ang regalo ko.

"Nag abala ka pa pero thanks. I really appreciate this" I just smiled at him. Maya maya ay dumating na din yung order namin kaya nagsimula na kaming kumain. Honestly, naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit... I just feel awkward right now.

Nagsimula nakong kumain. Sobrang tahimik ng paligid, mas lalo akong naiilang. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Siguro bibilisan ko nalang ang dapat kong gawin ngayong gabing ito.

"Masaya ako kasi nakarating ka" biglaan nitong sabi. Naghihiwa ito ng karne at nag angat ng tingin sakin.

"Thank you George" sinsero nitong sabi. Pakiramdam ko nakokonsensya ako kaya nag iwas ako ng tingin dito.

"Y-your welcome" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Siguro umabot din ng kalahating oras kaming tahimik na dalawa at pakiramdam ko parehas lang kaming nagpapakiramdaman.

"Uh... George....can I have a dance with you?" Nahihiyang tanong nya. Hindi agad ako nakasagot at saglit na napatulala sa kanya.

"P-pero kung hindi pwede okay la--

"Uh no! S-sure...it's okay" sabi ko. Abot hanggang tenga na naman ang ngiti nito at saka tumayo at naglahad ng kamay sakin. Tinanggap ko yun at pumunta kami gitna kasabay ng pagsimula ng music na hindi ko alam kung saan galing. Inilagay ko na ang mga kamay ko sa balikat nya at sya naman ay sa bewang ko.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon