Pagkatapos ng concert ay sya ring sunod sunod na mga project para sa banda. Dahil sa nangyari sa concert ay umani ang nga ito ng ilang mga comments na magaganda pero meron ding hindi magaganda dahil sa mga bashers ko. Nagtrending ang naging proposal sakin ni Tyron kaya naman mas lalong sumikat ang Gottin Band.
Isang buwan na ang nakalipas matapos nga ang concert at ngayon ay tahimik naman kaming namumuhay ni Tyron bilang mag asawa. Palagi din itong pumapasok sa JangShen dahil pinipilit ko kesa naman parehas lang tambay dito sa bahay at isa pa... wala na si Irish kaya hindi na sya pwedeng magpapetiks petiks lang dahil mag isa na syang naghahandle ng JangShen. Linggo ngayon kaya naman wala syang trabaho at eto kami, nuod ng cartoons habang kumakain ng junk foods.
Nagring ang cellphone ni Tyron kaya kinuha nya ito. Bago ko pa makita ang tumatawag ay nasagot na nya ito.
"Yes?" Bungad nito sa kabilang linya. Busy lang ako sa panunuod ng larva.
"Why? It's my day to be with my wife the whole day. I'm not able to accept visitors on weekends" rinig kong sabi nito kaya nilingon ko sya.
"Fine. Whatever" huling sabi nito bago ibinaba ang cellphone nito. Pumihit ako paharap sakanya.
"Who was that?" Tanong ko. Dumukot sya sa chichiryang hawak ko at tumungin sa TV.
"Tristan"
"Anong pinag usapan nyo?" Muli itong dumukot sa chichirya ko.
"He'll come here" sagot nito ng hindi tumitingin sakin.
"Bakit daw?" Nagkibit balikat lang ito. Hindi nako nagtanong kasi nagsimula ng magdikit ang mga kilay nito habang nakatuon sa TV. Naku alam ko na ang dahilan.
"Ugh I'm getting bored" reklamo nito habang kunot noong nanunuod. Napanguso ako. Mabilis kong isinara ang chichirya ng akmang kukuha ito kaya napatingin ito sakin.
"What?" Aniya. Pinanliitan ko sya ng mata.
"H-haha..hahah-ha.. gosh why it's so funny baby? Look, he's gonna die. Ugh goodness! It's so funny!" Sabi nito habang natatawa kunwari. Tss
"You're not a good actor Tyron" nakaingus kong sabi dito sabay irap. Huminto ito sa pagtawa at saka tumikhim. Umakbay sya sakin.
"Sorry. Maybe next time I'll make it perfect" sabi nito. Mas lalo naman akong napasimangot. Akmang kukuha ito sa chichirya ko ng hampasin ko ang kamay nito.
"Kumuha ka ng sayo" sabi ko dito. I heard him groaned.
"Bibili talaga ako ng isa pang TV" rinig kong bulong nito sabay tayo papuntang kusina. Hinabol ko sya ng tingin. Ugh! These past few days he's always getting into my nerves and I don't know why. Konting kibot lang nito ay nahahigh blood nako. Sabi ni Sab natural lang daw ang nararamdaman ko kasi buntis ako. Ganito din daw sya noon kay Bryan.
Natural lang daw na maging emosyonal ako at mainitin ang ulo. Parte daw iyon ng pagbubuntis at paglilihi. Ayoko naman na laging galit kay Tyron kaso hindi ko talaga maiwasan. Ang hirap pala magbuntis.
Napalingon ako sa pinto ng tumunog ang doorbell. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Tyron.
"Ako na" aniya. Maya maya ay kasunod na nito si Tristan. Ngumiti ito ng makita ako.
"Hi George. Ang laki na ng tyan mo" aniya ng makalapit ito sakin sabay beso. Napahawak naman ako sa tyan ko. Tatlong buwan na rin kasi ito.
"Oo nga eh. Napadalaw ka?" He just smiled.
"May pasalubong ako sayo" sabi nito sabay taas ng dala nitong paperbag. Kinuha ko iyon.
"Thanks. Nag abala ka pa. Upo ka muna. What do you want?"
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book