Chapter 38.

44 2 0
                                    

Nakaupo ako sa kama habang nakasandal sa headboard at nakatulala. Isang linggo nako dito namamalagi kay Zyrus at sa isang linggong yun ay wala akong ibang ginawa kundi umiyak sa gabi at matulala pagkatapos. Daig ko pa ang namatayan... pero sabagay, ganun na rin ang labas nun. Parang pinatay naya na din ako.

"Nats" rinig kong tawag sakin ni Zyrus. Matamlay na lumingon ako dito. Ni hindi ko man lang naramdaman na andito na sya sa tabi ko. Umupo sya sa tabi ko at seryosong tumitig sakin.

"Kumain ka na" aniya. Sa loob din ng isang linggo ay yan palagi ang ibinubungad nya sakin sa tuwing lalapit sya na palagi kong tinatanggihan.

"Mauna ka na Zyrus. Hindi pa ko nagugutom" mahinang sabi habang nakatulala sa kawalan. Narinig ko ang buntong hininga nito.

"You should eat. Look at yourself Nathalie. Hindi ako natutuwa na palagi kang nakikitang ganyan. You're stressing yourself too much. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Sabi nito. Palaging ganito ang eksena namin. Sa tuwing aayain nya ako kumain ay nauuwi kami sa ganito at iisa lang lagi ang panakot nya sakin para kumain ako.

"I think it's really better to call him and tell him that you're here so you could eat" lihim akong napabuntong hininga at pagod na tinignan sya.

"Susunod nako" sabi ko dito. Tipid ayang ngumiti sakin at saka tumayo. Ginulo nya ang buhok ko.

"I'm sorry Nats" bulong nito at tumalikod na saka umalis ng kwarto. Napatitig ako sa pintong nakasara. Palagi nya yung sinasabi. Hindi ko alam kung para saan lagi ang sorry nya.

Tumayo nako at matamlay na pumuntang kusina. Naabutan ko syang nakaupo na at nakahanda na ang plato para sakin.

"Sit. Paborito mo ang niluto ko" nakangiting sabi nito. Hindi ako makaganti ng ngiti sa halip ay nagpasalamat nalang ako.

"Pupunta mamaya si Sab so don't worry. Kumain ka ng marami. Namamayat ka na" sabi nito na tinanguan ko lang. Nagsimula na kaming kumain. Kapwa kami parehong tahimik at ramdam na ramdam ko ang pagtitig sakin maya't maya ni Zyrus. May hawak din itong cellphone na maya't maya ang pindot at nahuhuli ko pang kunot na kunot ang noo.

"This woman is getting into my nerve" rinig kong bulong nito habang nakatitig sa cellphone nito at gigil na gigil sa pagkain. Naramdaman ata nitong nakatitig ako sakanya kaya mabilis nagbago ang mood nito.

"Sorry. Hindi ikaw yun.." nag aalangang sabi nito sabay ngiti sakin. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig lamang dito.

"Hey.. it's not you Nats. Don't stare at me like that.. it scares me, you know.." sabi nito sabay subo ng pork.

"Zyrus.." tumitig sya sakin habang ngumunguya.

"Hmm? Hindi ba masarap luto ko? Sorry. Hindi naman ako kasing galing ni Tyron magluto at aminado ako doon" sabi nito na mabilis ding natigilan at kumakamot sa ulong tinignan ako.

"Sorry" sabi nito sabay peace sign. Binilin kasi  dito ni Sab na wag babanggitin sakin si Tyron at Irish.

"It's okay. Zyrus I'm sorry.." sabi ko habang nakatitig sa pagkain ko.

"For what?"

"Masyado nakong pabigat sayo. Hindi ka nakakapasok sa trabaho ng dahil sakin. Masyado mo akong inu-obliga kahit hindi naman dapat" sabi ko. Masyado nakong pabigat sa kanya at alam ko yun. Maging sa iba kong mga kaibigan lalo na din kay Sab. Hiyang hiya nako sakanila pero kailangan ko ng kaibigan ngayon at sila lang ang masasandalan ko. Pinapangako kong babawi ako sakanya at sa lahat na palagi akong narito kung kailanganin rin nila ako. Napatingin ako dito ng marahang tumawa ito.

"Sus. Para yun lang. It's a favor to me Nats, hindi ako nakakapasok sa trabaho dahil nai-stress lang ang kagwapuhan ko doon at masaya akong nakakasama ka araw araw. Kaya wag mong isiping pabigat ka dahil ako ang nag alok sayo ng bahay ko. I'm your friend.." kibit balikat nitong sabi habang nakangiti. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang namumuong luha sa aking mga mata.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon