WARNING!: RATED SPG!
Oh eto naaaa!!! Hahahaha sa mga nag aabang dyan :D HAHAHAHA.
Enjoy reading!
.....
Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho sya. Ni hindi ko magawang lumingon sa gawi nya at nanatiling sa labas nakatuon ang atensyon ko. Hindi ko alam kumg anong dapat isipin ko, Oo nasasaktan ako ngayon...ng sobra pero hindi ko magawang magalit sakanya. Ganun ko na ata talaga sya kamahal. I want to blame him but I can't. I sighed as I closed my eyes ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nagmulat ako at nilingon sya pero seryoso lang itong nagmamaneho. Tinignan ko ang kamay kong hawak nya ngayon. Sinubukan ko itong tanggalin pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak doon kaya pinabayaan ko na at muling tumingin sa labas. Sumandal ako sa may bintana at ipinikit ang mga mata.
Sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari kanina ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib ko. Ni hindi nya ako nagawang maipagtanggol kay Irish kanina.... wala man lang syang sinabi na kahit ano. Naiiyak ako sa tuwing maiisip ko yun, mahal nya ako diba? Parang pinapalabas nya na.... totoo lahat ng mga sinabi ni Irish kanina.
I should be mad at him but...look, I'm with him right now and holding my hand. I guess, I'm really martyr like Sabrina said. I hate to admit but.... I'm happy because he's with me right now, hindi nya pa rin ako iniwan. Somehow, I feel comfortable although my heart was racing so fast.
"We're here" rinig kong sabi nito kaya nagmulat ako. This place is so familiar to me. Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya lumabas nako. Pagtingin ko sa buong lugar ay syang buhos ng libo libong alaala. Kumikirot na naman ang dibdib ko. Hindi ko akalaing makakatungtong pa ulit ako sa lugar nato. Sa lugar kung saan naging saksi sa lahat.
"Let's go?" Aya ni Tyron habang nakalahad sakin ang kamay nito. Tahimik kong inabot ang kamay ko dito at sabay kaming naglakad papasok habang magkahawak kamay. Hindi ko mapigilang mapatitig sa buong lugar, three years... three years had passed at ang dami ng pinagbago nito. Nakakamiss din pala ang lugar na ito. Even the signage is new at ang dating kubo ngayon ay bahay na with two storey pa. Hindi malago ang mga damo at malinis ang lugar na halatang inaalagaan, mahahalata mo ito kahit madilim at sa tulong na rin ng mga poste ng ilaw.
Hindi ko gustong maalala pa ang mga huling nagyari noon sa lugar na ito pero heto ako...nandito ulit ngayon kasama ang taong nang iwan sakin three years ago.
"Naninibago ka ba? Pinaganda ko talaga ito dahil alam kong....babalikan ko ulit ito" napatingin ako sa kanya at nahuli syang nakatitig din sakin. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko.
"Tara sa loob" hinila nya ako papasok. Bumungad sakin ang malinis at maaliwalas na bahay. Bago lahat ng gamit na halatang hindi pa nagagamit pero wala kang makikitang alikabok.
"Are you hungry?"
"No" tipid kong sagot. Binitawan na nya ang kamay ko.
"Dito ka lang. Sa kusina lang ako" aniya at tumalikod na. Nanatili akong nakatayo ng ilang segundo hanggang sa maisipan kong pumunta sa may balcony sa second floor. Doon ako tumambay habang nakatanaw sa madilim na kalangitan.
It's nice to be back here. Kahit na sakit at lungkot ang nagpapaalala sakin sa lugar nato ay masarap pa rin bumalik dahil..... dito sa lugar nato, napatunayan ko sa sarili ko kung gaano ko sya kamahal, kung gaano kahirap ang mawala sya.
"Nandito ka lang pala" rinig kong sabi nya at inabutan ako ng mug ng kape. Tinanggap ko iyon at dahan dahang ininom saka inilapag sa lamesang nasa gilid ko. Sa sobrang tahimik naming dalawa ay halos maririnig mo na ang mga kuliglig sa paligid, even the sound of the wind. I heard him sighed.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomansPart 2 of She's The Queen. Please do read the first book