"Ma'am may bisita po kayo" bungad sakin ni Rose kaya sinagot ko ito ng hindi nililingon.
"Yeah, papasukin mo" sabi ko habang busy pa ring nakaharap sa laptop ko.
"Ah...ma'am hindi---
"Rose i'm busy" putol ko dito. Mabilis ko itong nilingon at nakita kong kumakamot ito ng ulo bago umalis. Pag alis nito ay bumalik nako sa ginagawa ko hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto ko.
"Ang aga mo ata" natatawang sabi ko habang nakaharap pa rin sa laptop ko.
"Wala ka bang pasyen--- naputol ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang taong nakatayo sa may pinto ko. Nakasandal ito doon at nakapamulsa habang nakatitig sakin. Medyo magulo ang buhok nito at namumungay ang mga mata na parang kulang sa tulog.
Wha.... What is he doing here?
Napatikhim ako at umayos ng upo.
"What are you doing here?" seryoso kong tanong ko dito at pinilit kong wag magpakita ng kahit anong emosyon dito.
Hindi sya nagsalita at nanatili sa ganung posisyon habang hindi napuputol ang titig sakin. Kinunutan ko sya ng noo at isinara ang laptop ko saka muling humarap sa kanya.
"I'm asking you" malamig kong sabi dito. Umayos sya sa pagkakatayo at sinuklay ang buhok nito saka muling tumitig sakin. Pakiramdam ko ay may namumuong bukol sa lalamunan ko kaya napatikhim ako. Dahan dahan syang lumapit sakin habang nililibot ng tingin ang office ko. Hindi ko maiwasang hindi sya titigan, nakasuot ito ng printed white Tshirt at jacket na itim at maong pants.
Napalunok ako, Damn! What's this weird feelings? Pakiramdam ko ay may nagbubunyi sa loob ko. Ugh!Nagmomove on ka Georgina baka nakakalimutan mo!
Tumigil sya sa harap ko habang nakapamulsa pa rin at mataman akong tinitigan.
"Expecting someone huh?" Aniya kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Ano naman sayo?" mataray kong sabi. Tumawa sya ng mahina.
"So, the old Georgina is coming back huh?" Aniya ng nakangisi. Napairap ako. Ano bang gusto nya? Narito ba sya para manira ng araw ko? And how the hell did he know my office? Ugh!
"What do you want? If you're here because of that damn contract then I my answer always no!" matigas kong sabi dito. Sumeryoso naman ang mukha nito pagkasabi ko nun.
"Well..." he paused at saka umupo sa harap ko, sa couch na medyo malayo sakin ng isang metro.
"I'm here to see you" seryoso nitong sabi. Ako naman ang tumawa ng mahina.
"To see me? Wag mo nga akong pinagloloko Tyron. I'm busy, you can leave" sabi ko at saka binuksan ulit ang laptop ko.
"Busy huh? Kaya pala may date ka tss" bulong nito na pagkalakas lakas naman. Nag angat ang mata ko dito pero nanatiling nakayuko pa rin ang ulo ko sa laptop. Nakahalukipkip ito at matalim ang titig sakin.
"What?" Tanong nya. Napabuntong hininga ako at saka sya hinarap.
"Leave" malamig kong sabi. Tumawa ulit sya ng mahina na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Is that how you treat your guest huh? How rude Georgina tsk tsk" Nakangisi nitong sabi habang umi-iling iling pa. Napaiwas ako ng tingin dito. Damn that Georgina of him!
"Where is Irish? Did she know that you're here?" Tanong ko ng hindi tumitingin dito.
"Why are you always looking for Irish? Go to JangShen then" aniya at kahit hindi ako tumitingin dito ay alam kong nakangisi sya. Tss, that jerk.
![](https://img.wattpad.com/cover/77138948-288-k528341.jpg)
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book