Chapter 23. Suitors

89 4 3
                                    

Kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil kanina pa kong nakatutok sa laptop ko. Magkakastiff neck na rin ata ako. Ugh! Sumandal ako sa swivel chair ko at hinilot ang batok ko habang nakapikit. Dalawang araw nakong puyat at hirap matulog dahil sa lalaking iyon. Hindi ako pinapatulog nung mga sinabi nya at sa tuwing pipikit naman ako ay mukha nya ang nakikita ko at yung paghalik nya sakin. Ugh!

Ginulo ko ang buhok ko at pagod na sinulyapan ang laptop ko. Parang nadagdagan na naman ang eyebags ko, pwede ko na atang ipagbenta ito.

"Ma'am may bisita po kayo" bungad sakin ni Rose at base sa ngiti nya ay alam ko na kung sino ang tinutukoy nya.

"Papasukin mo" sabi ko dito at mabilis itong umalis na kinikilig pa. Napailing ako, ganun kalakas ang dating ni Doctor Te--

"Hey" natigilan ako ng marinig ko ang boses nya at parang natuluyan ang stiff neck ko dahil hindi ko magawang mag angat ng tingin dito.

What the heck? What is he doing here?

Napapikit muna ako at napatikhim bago mag angat ng tingin dito.

"A-anong ginagawa mo dito?" masungit kong sabi habang matalim na nakatitig dito. Ngumiti sya sakin dahilan para mawala ang iniipon kong lakas para makapagsungit. What's with his smile?

"Oh, haven't I told you that I wanna see you--

"Oh cut the crap Tyron! I'm not playing with you" matalim kong sabi dito na ikinatawa nya lang. Napataas ang kilay ko sa hawak nyang bulaklak.

"For you" aniya sabay lapit sakin na sa sobrang gulat ko ay napaurong ako habang nakaupo sa upuan ko. Napahinto sya sa paglapit at nagtataka sa inasta ko. Damn, ano bang problema ko? Pakiramdam ko ay nagkatrauma ako sa pagnanakaw nya ng halik nung isang gabi.

"A-ano namang nakain mo at may pabulaklak ka pa?" Tanong ko dito at muling lumapit sa table ko. Sa totoo lang ay hindi sya ang inaasahan ko ngayon. Napapadalas na ata ang pagpunta nya dito.

"I just...wanna give it to you. Ayaw mo ba? Anong bulaklak ba ang gusto mo?" sunod sunod niyong sabi. Tumitig lang ako sakanya, nakaplain black Tshirt lang ito at maong na jacket at pants pero..

Damn! Why is he so hot?!

"Kahit ano" sabi ko sabay iwas ng tingin dito. So sakanya pala kinikilig si Rose?

Napatingin ako dito ng iabot nya sakin ang bulaklak.

"Take it" aniya na ginawa ko at inilapag sa table ko.

"Ibibigay mo lang ba ito? Pwede ka ng umalis" Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang magsungit sakanya kaya sana naman ay umalis na sya. Syete Tyron nagmomove on nga ako!

"I'm staying, I'm gonna wait you for lunc--

"Hi George" pareho kaming napalingon sa lalaking kakadating lang. Nakangiti ito sakin pero nawala iyon ng makita si Tyron.

"What are you doing here?" Tanong ni Terrence dito. Tyron just smirked at him and crossed his arms.

"Masama? Got a problem with that?" sarkastikong sabi ni Tyron dito dahilan para tumalim ang titig ni Terrence sakanya. Pumagitna nako dahil mukhang malapit na silang magsuntukan.

"Uh...Terrence upo ka muna" sabi ko dito. Sumunod naman ito agad.

"Tss" rinig kong bulong ni Tyron at umupo malayo ang pagitan kay Terrence katulad noong dati nilang sabay na pagpunta dito.

"Uh..for you George" abot nya sakin nung bulaklak. Red roses ito samantalang white kay Tyron. Tinanggap ko iyon at itinabi sa bulaklak na ibinigay ni Tyron. Umupo ako ulit sa swivel chair ko at hinarap silang dalawa. Pareho silang nakatingin sakin at katulad din noong una ay hindi ko alam ang gagawin sa kanilang dalawa. Si Terrence ay nakangiti lang skain habang si Tyron ay nakasandal sa upuan at nakahalukipkip habang nakade kwatro pa at seryosong nakatingin sakin. Napatikhim ako at nag iwas dito.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon