"Ma'am bawal po pumasok"
"Don't touch me!"
"Ma'am bawal po talaga. Maghintay nalang po kayo sa labas"
Napaangat ang tingin ko dahil sa biglaang pagbukas ng pinto at sa boses ni Rose. Bahagya akong nagulat ng makita ko ang babaeng marahas na pumasok sa loob ng office ko. Seryoso ang mukha nito habang diretsong nakatingin sakin.
"Ma'am Nathalie sorry po. Ayaw nya pong papigil"
"Okay lang Rose. Iwanan mo muna kami" sabi ko pero nanatili ang tingin ko kay Irish. Nang makalabas ito ay ako ang unang nagsalita.
"Ikaw pala. Napadalaw ka? May kailangan ka?" Kaswal kong sabi dito. Seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi ko alam kung anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata nito. Nasasaktan ba sya o nagagalit.
"Layuan mo si Tyron" sabi nito. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. Inuutusan nya ba ako?
"Bakit ko naman gagawin yun?"
"Dahil akin sya. Ako ang girlfriend nya! Ako ang fiancee!" Mariin nitong sabi.
"Ako ang girlfriend Irish. Bakit hindi mo nalang tanggapin yun? Sinasaktan mo lang ang sarili mo" kalmado kong sabi dito. Nakita ko ang pagkuyom ng palad nya.
"Ako ang fiancee! Masaya sana kami ngayon kung hindi ka lang umeksena!" Sigaw nito.
"Akin sya simula pa lang. Alam mo yun Irish. Ngayon kung talagang mahal ka nya ay dapat ikaw ang nasa posisyon ko hindi ba?--
"Dahil mang aagaw ka! Malandi ka! Hindi ako papayag na sayo lang din sya mapupunta. Babawiin ko si Tyron" nanggigigil nitong sabi. Nagtatangis na ang mga ngipin ko sa inis. Hindi ako mang aagaw at hindi ako malandi! Simula pa noong una ako na, walang Irish sa buhay nya.
"Wag mo akong kakalabanin" banta ko dito. Tumawa sya ng pagak.
"So matapang ka na? May ipinagmamalaki ka na ba? Wag kang umasta na parang kung sino ka dahil lang nasayo sya ngayon. Tandaan mo George hindi ako papayag na makuha mo sya ng tuluyan. Gagawin ko ang lahat mabawi lang sya, dahil hindi maaatim na sa katulad mo lang din sya mapupunta" mariin at mapang insulto nitong sabi. Pakiramdam ko parehas lang kaming nagpipigil ng galit, at wala akong pakialam kung manakit sya dahil gaganti talaga ako. Punong puno na kasi ako sa mga pinapakita nyang trato sakin. She's a real bitch.
"Sige lang. Hindi naman kita mapipigilan pero tandaan mo din na hindi ako papayag na makuha mo sya. Ngayon kung hindi mo mamasamain ay makakaalis ka na"
"Hindi pa tayo tapos at sisiguruhin kong hindi ka mananalo. Akin si Tyron. Ako ang mapapangasawa nya at magiging nanay ng mga anak nya. Walang lugar ang katulad mong malandi sa mundong ito kaya get lost!" naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi nya. Tinikom kong mabute ang bibig ko dahil baka masugod ko sya at makalbo. Maya maya ay tumalikod na sya at naglakad papuntang pintuan.
"Oo nga pala.." aniya sabay lingon sakin.
"Wag ka ng magulat kung isang araw ay iwan ka nya at bumalik sya sakin. Kapag nangyari yun..." she paused and smirked at me.
"Ikaw ang una kong bibigyan ng wedding invitation. At wag kang mag alala, aalagaan ko sya, papaligayahin at mamahalin buong buhay ko" aniya sabay talikod sakin at diretsong umalis. Nang mawala sya sa paningin ko ay doon lamang ako nakahinga at pabagsak na umupo sa swivel chair ko. Naiinis ako sa galit. Nagpupumiyos ang dibdib ko sa galit. Naiinis ako... to the point na maluluha nako.
Damn.
Ang kapal talaga ng mukha para sugurin ako dito at pagsabihan ng kung anu ano. Nagtitimpi lang talaga ako dahil kating kati na ang kamay ko hilahin ang buhok nya. Pasalamat sya magaling ako magpigil, pero hindi maalis sa utak ko ang huli nyang sinabi. Hindi ko ata kakayanin kapag nangyari ang bagay na yun. Iniisip ko pa lang ay nasasaktan nako.... ng sobra sobra.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book