Chapter 25. Lunch box

70 3 1
                                    

Napatulala ako sa bagong dating na boquet ng bulakalak. Pangatlong araw na kaya naman pangatlong araw na din ako nakakatanggap ng mga bulaklak, araw at gabi. Yeah...araw at gabi. Kulang nalang ay magpatayo nako ng flower shop dahil sa araw araw na pagdating ng mga iba't ibang bulaklak.

Kinuha ko ang bulaklak na nasa ibabaw ng table ko at kinuha ang note doon.

Please accept me again. I'm willing to wait George. Anything for you.

Yan ang nakalagay ngayon sa card nya dahil sa araw araw na pagdagsa ng bulaklak sa office ko ay iba't iba ang mga nakalagay sa card nun. Napabuntong hininga ako at tinabi yung card kasama nung ibang naunang cards sa isang garapon.

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman at isipin dahil sa mga pinagagawa ngayon ni Tyron. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip nung sinabi nya. Fuck! I really don't know what to do. Kung tutuusin ay dapat masaya ako, ito yung gusto ko, ito yung gusto kong mangyari para samin pero bakit ganito? Pakiramdam ko kapag hinayaan ko ulit makialam ang puso ko ay hindi na naman maganda ang kahihinatnan nito. Minsan nakong nabulag nito at parang ikamamatay ko na kapag naulit yung pakiramdam na yun.

Napapitlag ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at nakitang si Sab ang caller.

"Hello" sagot ko sa tawag.

"Hi George kamusta ka na? Tagal mo ng hindi dumadalaw dito" sabi nito sa kabilang linya at rinig ko rin ang mga ingay nung apat. I missed them.

"Sorry busy ako eh" sabi ko dito although may katotohanan naman kahit papaano.

"Sus, busy daw. Kanino? Kay Terrence? What's the real score huh?" Tanong nya at ramdam na ramdam ko ang panunuya nito at kahit hindi ko sya kita ay alam kong nakangisi sya.

"Wala" tamad kong sagot.

"Punta ka dito. Dalawin mo naman kami" nagmamaktol nyang sabi. Napabuntong hininga ako.

"Ayoko"

"Sige na. Bar tayo libre ko" sabi pa nito.

"Ayoko talaga Sab" pagpupumilit ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Iniiwasan mo ba sya? Alam mo bang ilang araw na syang hindi pumupunta dito sa JangShen? Kung pununta man sya dito ay aalis din agad at mukhang malalim lagi ang iniisip"

"Ano naman kinalaman ko doon?" Tanong ko dito.

"I'm just wondering...baka kasi nagkikita kayo o kaya naman nagkakamabutihan na kayo di ka man lang nagsasabi" napairap ako sa sinabi nya. Kahit talaga hindi ko sabihin kay Sab ang mga nangyayari ay madali nyang nahuhulaan.

"Hindi. Sige na ba-bye na busy ako" sabi ko dito.

"Wai-- pinatay ko na yung cellphone ko bago pa sya makahirit. Itinabi ko na yung phone ko at napahilamos ako sa mukha ko habang nakatulala sa kawalan.

Ano bang dapat kong gawin?

Mababaliw nako!

Nakarinig ako ng katok sa pinto ko pero hindi ako kumibo at nanatiling nakatulala. Maya maya ay bumukas na iyon at sumungaw si Rose doon.

"Ma'am excuse po" napatingin ako dito. Abot hanggang tenga ang ngiti nito sakin kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit?"

"May nagpapabigay po" aniya sabay abot sakin ng isang maliit na paper bag. Tinignan ko lang yun.

"Kanino galing?"

"Hindi ko po alam eh" sabi nito kaya kinuha ko yung paperbag at pinaalis na sya.

Pagkasara nung pinto ay tinignan ko ang laman nito. Isa itong lunch box at may nakadikit na sticky notes sa ibabaw.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon