Balik ako sa dating gawi, trabaho dito trabaho doon para lang maabala ang sarili at wag mag isip ng kung anu anong bagay. Kagabi pagkatapos namin kumain ng dinner ay umalis nga si Tyron agad ng walang imik pero dahil doon ay nawalan na din ako ng gana lumabas kaya hindi natuloy ang paglabas sana namin ni Terrence.
Nakokonsensya ba ako? Siguro nga nakokonsensya lang ako dahil sa inakto kagabi ni Tyron kaya naiisip ko sya simula kanina pa.
Sumubsob ako sa table ko at ginulo ang buhok ko sa sobrang frustrated na nararamdaman ko. Ang laki pa ng eyebags ko dahil hindi ako pinatulog ng mga linya ni Tyron kagabi.
Narinig kong bumukas ang pinto ko pero hindi ako nag abalang mag angat ng ulo.
"Ma'am pinapaabot po ni manong Alvin" rinig kong sabi ni Rose na tinutukoy ay yung guard namin. Nag angat ako ng ulo dito.
"What's that?"
"Di ko po alam eh" aniya at inabot sakin ang isang sobre. Tinanggap ko yun at umalis na sya pagkatapos. Binuksan ko ang sobre at binasa ang laman.
Halos mapunit ko ang hawak kong papel pagkatapos mabasa. Inaasar nya ba talaga ako? Halos makaipon ako ng eyebags kakaisip sa kanya tapos sa kanya parang wala lang? Yung contract kasi na inaalok nya sakin ang laman nung sobre. Nakalagay pa sa bandang huli ng sulat ay..
Please sign this contract and I highly appreciate that.
Hindi ko alam kung talagang nang iinis lang sya dahil sa nangyari kagabi. Hindi nya ba ako titigilan sa contract na yan? Ayoko ng kumanta! Period. Appreciate nya mukha nya! Makautos!
Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Sinuklay ko ng daliri ko ang buhok ko at nagretouch ng konte pero kahit ganun ay hindi pa rin naitago ang eyebags ko. Iniinis nya ako. Ngayon pupunta ako sakanya para ibato sa mukha nya ang contract na ito. Napatingin ako sa orasan, alas dos na ng hapon. Lumakad nako papuntang JangShen.
Walang katok katok na pumasok ako sa loob ng opisina nya pero iba ang nadatnan ko. Isang babaeng matangkad na naka formal attire. Napatayo ito ng pumasok ako.
Who the hell is she? Is he cheating on Irish?
"Where's Tyron?" tanong ko sa babae.
"Uh...Ma'am wala po si Sir ngayon kasi may sakit sya" aniya kaya napakunot ang kilay ko dito.
"May sakit? And you are?"
"Jane po. Secretary po" magalang nyang sagot sabay ngiti sakin. Napakurap ako, kailan pa sya nagkaron ng secretary?
And why the hell I'm asking her like a girlfriend of him.
Napatikhim ako.
"Where's Irish?" Tanong ko pa.
"Wala sya Ma'am. Nasa Macau po si Miss Irish, 2 weeks po sya dun" wala sa sariling napatango ako sa kanya. So kaya pala...
Naglalaro ang daga kasi wala ang pusa.
Napailing ako sa naisip ko. Parang hindi kayang i-digest ng utak ko na ganung klase sya ng lalaki.
Nagpaalam nako sa babae at umalis sa building. Nang makalabas ako ay dumiretso nako sa sasakyan ko na nakapark lang sa tapat ng building. Napatitig ako sa hawak kong sobre, wala pala sya ngayon kasi may sakit.
Tinatablan pala ng sakit ang katulad nya.
Pumasok nako sa kotse ko. Hindi ko muna iyon pinaandar at saglit na natulala. I need to give it back this contract, personally. Nagulat nalang ako ng nasa tapat nako ng bahay nya.
Lumabas ako sa sasakyan ko at pumunta sa tapat ng gate. Tiningala ko ang malaking bahay nya at saka bumuntong hininga.
You just need to give this contract to him and then viola! Pwede ka ng umalis.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book