Special chap#2

36 1 0
                                    

Namiss ko si Zyrus pasensya na. Namiss ko bangayan nila hahaha. Forgive me.

....

Zyrus

Kagabi nakatanggap ako ng text mula kay Nats na pumunta daw ako doon sa kanila ng nine ng umaga. I don't why pero dahil miss ko na sya ay dadalaw ako doon. Bigla kong naisip si Tyron..

Hmm...

Lately that idiot were always upset and he keeps nagging at me. Napapansin ko ring medyo nagiging demanding ang lalaking yun at parang nagiging isip bata tapos lagi pang galit sakin. Siguro narealize nyang mas gwapo nga ako kesa sa kanya  Hays... pogi problems.

Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at saka lumabas ng bahay. Dadaan muna ako ng mall para bumili ng pasalubong kay Nats kasi gusto nya daw ang mga dadalaw sa kanya ay may pagkaing dala. Nang makabili ako ay mabilis kong pinaharurot ang kotse ko.

Nakarating ako ng bahay nila. Nakabukas ang gate kaya pumasok nako. Nakabukas din ang front door kaya pumasok nako. Ano naman kaya ang ginagawa ng mag asawang yun? Hindi naman siguro oras ng sexy time nila? Masyadong maaga pa.

Nakita ko silang dalawa sa sala. Nakatayo si Nats at nag aabot ng juice kay Tyron habang ang kulugo kong pinsan ay hindi maalis ang tingin sa TV at kapag ganyan sya ay alam ko na ang pinapanuod nya. Mukhang kailangan ko ng ipatingin si pinsan sa isang psychiatrist, kung kelan kasi tumanda saka nag iisip bata. Tsk masama pala makabuntis bute nalang talaga hindi pa ko nag aasawa.

"Goodmorning!" Masayang bati ko sa dalawa. Mabilis naman silang napatingin sakin. Si Nats ay ngiting ngiti sakin, hindi ko maiwasang hagudin sya ng tingin. Si Tyron naman ay matalim na naman ang tingin.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at naupo katabi ni Tyron.

"Pasalubong ko Nats" nakangiting abot ko ng bitbit kong supot. Masaya naman nya itong kinuha.

"Thanks" pagkakuha nito ay pumunta itong kusina.

"What the hell are you doing here?" Sabi nito sabay sulyap sakin ng mabilis. Kinuha ko ang kanyang juice saka sumimsim doon.

"What the?! That's mine!" Sigaw nito. Tumawa naman ako at inilapag ang juice nya sa mesa.

"I thought it was for me" nakangising sabi ko dito. Matalim ang tingin nito kaya kinindatan ko lang sya.

"Tss sayo na yan. Ugh! I hate seeing your damn face" mahina pero mariin nitong sabi. Tumawa lang ako sa sinabi nya. Hate na hate nya talaga ang napakagwapo kong mukha.

"But I like seeing your face. Namiss kaya kita.." kulit ko dito sabay akbay. Iritang tinanggal nya iyon habang tutok sa TV.

"Wag kang magulo Sandler nanunuod ako" aniya. Napailing nalang ako sa itsura nya.

"Hays.. look at yourself, watching cartoons at your age? What the heck Tyron" sabi ko sabay inom ulit sa juice. Nilingon nya ako ng may masamang tingin.

"So? watch with me.. It's great and funny" aniya sabay kuha ng sandwich sa mesa ng hindi natitinag ang tingin sa TV.

"That's for kids only" sabi ko at akmang kukunin ko yung isang sandwich ay tinapik nya ang kamay ko.

"I find it cute" bahagyang nakangiting sabi nito. I really can't take this. He's smiling because of some cartoons pero kapag ako galit na galit sya.

"Cute? Cockroach? Kapag may nakita akong ipis sa bahay ibibigay ko sayo" Sabi ko sabay tawa ng malakas. Saglit lang nya ako tinignan ng masama dahil mabilis ulit lumingon sa TV.

"Mas masarap pala makipag away sayo kapag nanunuod ka ng cartoons Tyron. Hindi ka gumaganti" muli kong sabi sabay tawa ulit.

"Oh shut up! I can't hear it. Umuwi ka na nga!" Asar nitong sabi. Nakatingin lang ako sakanya, kakagat ito sa sandwich nya pero lumagpas dahil sa TV nakatingin. Napapailing nalang ako. Malala na talaga ang isang to.

Still The Queen (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon