Three days na mula ng lumipat ako dito sa bahay ni Tyron. Naaawa akong iwan si Zyrus dahil mawawalan na ito ng kasama kaso atat tong si Tyron eh. Namimiss ko na nga ang kumag na yun eh kahit loko loko yun palagi. Sa three days na pamamalagi ko dito ay tambay lang lagi kami ni Tyron. Kain, tulog tapos lambingan, ganun lang araw araw pero hindi ako nagsasawa as long as kasama ko sya. Para kaming bagong kasal o kaya naman ay bago pa lang nagliligawan. Ngayon ay nandito kami sa sala at nanunuod ng TV habang lumalantak ng pagkain.
"Baby.." tawag nya sakin.
"Hmm?" Tugon ko ng hindi tumitingin dito at nakatuon pa rin sa TV sa harap habang ngumunguya ng piatos. Naramdaman ko na mas lumapit sya sakin at umakbay sya sakin pero sa sofa nakapatong ang braso nito hindi sa balikat ko.
"My family wants to meet you" bulong nya sakin. Malakas akong umubo dahil nasamid ako sa chichiryang kinakain ko. Mabilis syang tumayo at kumuha ng tubig.
"Here" bigay nya sakin sa baso na agad ko namang tinanggap. Mabilis kong ininom habang hinahagod nya ang likod ko.
"You okay?" Tanong nya. Agad akong tumango at tumingin sa kanya.
"A-ano ... ulit yung s-sinabi mo?" Bigla syang ngumiti sakin.
"They want to meet you and to know you better.." nakangiting sabi nito. Hindi naman ako makaganti ng ngiti dahil para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.
"What's with the face?" Natatawa nyang sabi. Napalunok ako at napatikhim.
"P-pero... kilala na nila ako diba?"
"Yeah but this time is different. You're my official girlfriend" sabi nito habang nilalaro ang buhok ko. Tumawa ako... pero peke. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi naman sa ayaw kong pumunta sa kanila pero... gah! Nahihiya ako! Ngayon pa lang ay kinakabahan nako ng sobra. Pano kung hindi nila ako matanggap para kay Tyron? Tapos na nga yung problema namin kay Irish tapos yun pala yung mga magulang naman nya--
"What are you thinking?" Kunot noong tanong nya habang nakatitig sakin.
"P-pano kung... hindi nila ako magustuhan? Paano kung hadlangan din nila tayo Tyron?" Mas lalong kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko.
"What are you saying? That's not true. They know you--
"They know me but not my past"
"So? It's just a past" umiling ako dahil sa sinabi nya at tumitig sa mga mata nito.
"Hindi mo ako naiintindihan. Alam mo ang past ko diba? A-alam kong alam na nila yun at malaking bahagi yun ng buhay ko na matagal ko ng pinagsisihan. Ayokong mahusgahan" umiiling kong sabi dito at hindi ko maitago ang lungkot ko. Hinawakan nya ang mukha ko.
"Ano bang sinasabi mo? Bakit ka naman nila huhusgahan? Hindi sila ganun George at ikaw na rin ang nagsabi, pinagsisisihan mo na yun" napabuntong hininga ako. Natatakot pa rin ako sa mga pwedeng sabihin nila.
He cupped my face with his both hands while he's staring at me intently.
"Relax. Don't think too much. I'm sure they will like you like the way I do" nakangiting sabi nito. Tumango lang ako, hinalikan nito ang noo ko at inihilig ako sa dibdib nya.
"Kelan ba yun?" Tanong ko dito.
"Saturday.." napahinga ako ng malalim. May time pa ko para magready.
~**~
Kinaumagahan ay nagising ako ng wala si Tyron sa tabi ko. Agad akong bumangon at saka naghilamos at toothbrush pagkatapos ay bumaba na kahit nakanight dress pa rin ako. Pababa pa lang ako sa hagdan ay may naririnig nakong mga ingay galing sa sala. Napakunot ang noo ko. May bisita si Tyron?
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book