Itong chapter nato ay para kay HayakhuMheiiNeth :) thanks for reading my story, na-appreciate ko yun<3
Ikaw na nga nagsabi, mahirap mag construct ng story kaya sana magustuhan nyo haha.
Enjoy reading :)
-------
"Tsk traffic" mahinang sabi ko habang nakatukod ang kaliwang kamay ko sa bintana ng kotse. Lalo akong nainis dahil inabutan nalang ng red light ay hindi pa rin ako nakakausad.
5 seconds nalang bago mag green ng mapalingon ako sa kaliwang bahagi ng kalsada sa sasakyang medyo malayo sakin. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa plaka nito.
"Beeeeeeep!!" Napapitlag ako ng marinig ang malakas na busina sa likod ko. Nag go na pala kaya naman mabilis kong pinaandar ang kotse ko at hinanap ang kotse nya.
Napabuga ako ng hangin at napakurap ng ilang beses ng matitigang mabuti ang plakang yun. Gosh! Malala nako.
"Urgh" daing ko at napasuklay ako sa buhok ko. Damn, akala ko kotse nya, ano bang nangyayari sayo George? 3 years ago ng huli kang maging ganyan.. what's up with you?
Binuhay ko nalang ang radyo sa pagbabakasakaling mahihimasmasan ako sa pagkakaisip sa kanya pero...
"Pag-ibig na kaya?
Pareho and nadarama..
Ito ba ang simula?
'di na mapipigilan..
Pag-ibig na ito..
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito..
Pag-ibig na kaya ito..."Oh fuck" mahina pero mariin kong mura ng marinig ko ito. Yan ang unang kanta na nagduet kami at hinding hindi ko yun malilimutan. Pinatay ko na agad ang radyo dahil naiinis lang ako, baka mawala pa ko sa mood. Marahas akong napabuga ng hangin at saka nagfocus sa daan at pinipilit na wag na syang isipin.
Pagkapark ko sa sasakyan ko ay agad akong nagtungo sa resto kung asan si Sab. May usapan kami ngayon kaya naman nagmadali nako. Nakita ko naman agad sya pagpasok ko dahil nasa malapit lang ito sa entrance.
"25 years later.. look at my foot may ugat na" aniya pag upo ko habang nakahalumbaba sya at tamad na nakatingin sakin.
"Traffic" tipid kong sagot. Uminom ako sa ice tea na nakahanda para sakin at may pagkain na din sa table.
"Aish, kelan ba nawalan ng traffic sa pilipinas? Syempre dapat ikaw na mag adjust noh kaya agahan mo" sermon nya sakin kaya napairap ako sa kanya.
"Oh shut up Sabrina, sige na ako na magbabayad nitong mga to" sabi ko sabay subo sa pagkaing nasa lamesa. Tuwang tuwa naman ang bruha.
"Aba dapat lang noh, by the way.. nakauwi ka ba kagabi?" Tanong nya kaya napa angat ako ng tingin sakanya habang nakasubo ang tinidor sa bibig ko.
"Oo naman, nahuli lang ako dahil naiwan ko yung purse ko sa loob, why?"
"Wala lang, naninigurado lang" sabi nya sabay tingin sakin ng makahulugan kaya natawa ako.
"Oh come on Sab, i know what you're thinking" napairap sya sa sinabi ko.
"Eh kasi kagabi dumaan ako sa condo mo pero wala pa yung kotse mo tapos hinintay kita and then I saw you"
"Then?" Nakataas na kilay kong tanong.
"I saw you with a handsome guy" sabi nya habang nakangisi at titig na titig sakin at naghihintay ng comfirmation.
"Uh.. that guy, I met him sa bora nung last day ko" kwento ko sakanya, isa yun sa mga pinagbago ko these fast three years, ang maging open up sa kanilang lahat. Nagkukwento nako at hindi nagsasarili ng problema lalo na kay Sab, she's my bestfriend anyway.
BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book