Warning: SPG
Pasensya na. Umagang umaga SPG agad.xD sorna po. Hina na kasi ng connection sa hapon at gabi. Ngayon lang may chance mag update.
Enjoy reading!
Nandito kami sa venue kung saan ang party ni Mr. Rodriguez. Kasama ko sila Sab at Zyrus samantalang ang banda ay nandun sa may sulok dahil tutugtog sila mamaya. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nandito. Si Dad ang ka-close nya kaya dapat sya ang andito pero dahil hindi sya makakarating ay wala akong nagawa kundi pumunta para sa kanya at saka inimbitahan nya rin ako mismo.
"Umupo na tayo" sabi ni Sab kaya pumunta na kami sa isang table. Pag upo namin ay pinagmasdan ko ang paligid. Madaming tao at hindi naman kataka taka iyon dahil isa sya sa kilalang businessman sa buong Pilipinas. Si Zyrus ay kausap ni Mr. Rodriguez at masayang nagkukwentuhan sa malayo. Ang banda ay hindi makakajoin samin dahil nasa bandang unahan sila, siguro pagkatapos nilang tumugtog saka sila makakalipat samin.
"Ang daming tao" ani Sab.
"Oo nga. Nga pala, bakit di mo kasama si Bryan at Sammy?" Tanong ko dito.
"Ayaw ni Bryan eh. Nagda-date silang mag ama" sabi nito saka nagsimula ng magpipindot sa kanyang cellphone.
"Oo nga pala. Bute sumama ka kay Zyrus" sabi nito na hindi tumitingin sakin.
"Napilit nya ako eh" tipid kong sabi.
"Akala ko magmumukmok ka na naman sa bahay nya eh. Oo nga pala, nasabi na sakin ni Zyrus yung nangyari sa inyo ni Tyron" aniya at ramdam kong may himutok sya sa kanyang sinabi.
"I'm sorry. Sasabihin ko naman sayo. Sadyang mabilis lang si Zy" sabi ko pero umismid lang sya sakin at saka muling tumuon sa kanyang cellphone.
"Miss ka na ni Sam"
"Me too. Mga minsan punta ulit ako sa inyo"
"Sabi mo yan ha"
"Oo naman" mga ilang minuto kaming tahimik na nagmamasid ng biglang magsalita ulit si Sab.
"Namamayat ka na" napatingin ako sa kanya. Mariin syang nakatitig sakin at pinasadahan ako ng tingin kaya napatingin din ako sa aking katawan.
"Sabi nga ni Zyrus" sabi ko.
"You should eat"
"Yeah.. stress lang talaga these past few days" tumango sya sa sinabi ko.
"Iwasan mo ng mag away kayo ni Tyron. Masama ang sobrang stress George"
"Yeah. I know.."
Habang patagal ng patagal ay parami pa lalo ng parami ang mga bisita. Nagulat nga ako ng dumating si Terrence.
"George.." bati nya sakin habang nakangiti so I smiled back at him.
"Terrence.. invited ka pala?" Tanong ko dito. Nakangiti syang tumango sakin.
"Yeah. Ninong ko si Mr. Rodriguez" aniya. So kaya pala.
"Uh.. by the way. She's Sabrina. My bestfriend" pakilala ko kay Sab. Ngumiti dito si Sab at inabot ang kanyang kamay.
"Hi Dr. Terrence. Now I finally met you" nakangiting sabi ni Sab dito. Natatawang kinamayan din sya ni Terrence.
"Uh? Hello..Seems like you already know me .." Nakangiting tugon nito. Napakamot ako at pinanlakihan ng mata si Sab pero tinawanan nya lang ako.
Inaya ni Sab si Terrence na umupo sa table namin na agad nyang pinaunlakan. Sa totoo lang naiilang ako masyado kay Terrence dahil sa nangyari noong last naming pagkikita. Sinaktan ko lang naman sya noon.

BINABASA MO ANG
Still The Queen (Book 2)
RomancePart 2 of She's The Queen. Please do read the first book